filipino,
Literary (Submission): Para Kay
May gusto akong sabihin
Pero hindi alam ang unang sasambitin
Hindi alam kung ito ba ang tamang gawin
Hindi alam kung magtatapat itong damdamin
Sana’y mga kasaguta’y kayang tanggapin
Nakita mo ba?
Tinging parang ikaw lang ang nakikita?
Ngiting umaabot hangang tainga.
At mga matang kumikislap
Sa tuwing ikaw ang nakakausap
Napapansin mo ba?
Mga salitang parang naiipit ang dila
Mga pagkilos na tila balisa,
At para bang nahihiya
Kapag ikaw na ang kasama?
Naririnig mo ba?
Ang pag-ulit ng iyong pangalan,
Sa bawat kuwentong ikaw lang ang tanging laman?
Ang lakas nang pagtawa.
Sa tuwing ikaw ang kakwentuhan?
Gusto mo din ba siya?
Ikaw ba’y napapasaya niya,
Tulad ng pagpapasaya mo sa kanya?
Kaniyang mundong umiikot lamang sa’yo
Nararamdaman mo ba’y kapareho ng mga ito?
Ngayon, aaminin ko pa ba?
Kung mas masaya siya,
Kapag ikaw ang kasama
Kung ikaw ang mas gusto niya?
Pero, para saan pa?
Ako’y kaibigan nga lang pala
0 comments: