dan black,
Mapapansin mo pa kaya ako?
Ito ang madalas kong itanong sa sarili ko.
Sa tagal na nating magkasama, sa haba ng oras ng ating kuwentuhan, tawanan, sa mga araw na gumagala tayo, marami-rami na rin tayong memories na pinagsamahan. Marami-rami na rin akong beses na nag-try na lapitan ka hindi bilang kaibigan kundi higit pa sa pagiging kaibigan.
Hindi ko alam kung ano ba ang kailangan kong gawin para mapansin mo ‘ko. Kasi, sa bawat try ko na lapitan ka, lagi mo siyang kausap. Laging siya yung iniisip mo. Nararamdaman ko. laging siya ang laman ng puso mo. Mukhang wala na akong space sa buhay mo kundi ang maging kaibigan mo lamang.
Alam ko namang wala akong binatbat kay Xander. Mayaman siya, may trabaho, gwapo, lahat na yata nasa kanya. Samantalang, heto ako. Mahirap lang. Ang kaya ko lang na ibigay ay mga rosas na nabili ko lamang sa bangketa.
Ang gusto ko lang sana ay mapansin mo yung efforts ko. Handa kitang tanggapin kapag nalulungkot ka. Handa akong makinig kapag may problem aka. Oo, masaya na ako kung ako ‘yung shoulder to cry on mo. Kahit kung minsan may kirot sa puso ko kapag nilalapitan mo ako kung may misunderstanding kayo. Para mo akong ginawang rebound, Agnes.
‘Wag mo sanang i-take ito negatively, dahil hindi pa rin nagbabago ang pagtingin ko sa'yo. Lagi pa rin akong naririto, naghihintay kahit abutin pa ako ng forever.
Sumasaiyo,
Dan Black
P.S.
Sa mga fans ng XagNes, ‘wag naman kayong masyadong magalit kapag ”epal” ako sa tandem nila. Walang dahilan ang pagmamahal. Pag mahal mo, mahal mo. Ito ang nararamdaman ko. Sana’y irespeto ninyo.
Literary (Submission): Dear Agnes

0 comments: