Showing posts with label L. Show all posts

Literary: Voice012





Hindi ko inaasahang aabot sa ganito. Ano ba ang kasalanang nagawa ko sa Diyos? Bakit ganito ang kapalarang ibinigay niya sa akin? Sa atin?

Hindi ako mapakali. Nangangatog ang aking mga tuhod at ang sikmura ko ay tila ba umiikot sa sobrang kaba. Nanginginig ang aking mga kamay habang sinusubukan kong kumalma.

Alas dos na ng umaga nang ako’y tawagan ng kanyang ina. Hindi na raw nagre-respond ang katawan niya sa mga ibinibigay na gamot at patuloy na raw ang pagbaba ng kanyang vitals. Wala pa akong pahinga noon pero wala akong hinintay na segundo at tumakbo agad ako papunta rito.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Parang noong nakaraan lang ay nangangako pa siyang magiging maayos din ang lahat. Hinawakan pa nga niya ang mga kamay ko kahit nanghihina na siya para lang masabi na kakayanin niya. Binanggit niya pa ang kanyang mga plano para sa aming hinaharap—ang makadalo sa lahat ng concerts ng mga paborito naming banda. Hindi niya pa nga natapos sabihin ang lahat dahil sa dami at kailangan niya nang uminom ng gamot, pero tandang-tanda ko ang lahat ng iyon.

Alam kong wala ka pang pangakong hindi natutupad pero bakit ganito? Bakit hindi ako mapanatag? Bakit ang sakit ng katotohanang binubulong ng kutob ko sa akin?

Nasa loob na ng kwarto niya ang mga doktor at kami lang ng kanyang ina ang nandito sa labas. Alam kong nababalot din ng takot ang kanyang ina ngunit hindi ko rin alam ang sasabihin ko sa kanya. Hindi ko alam kung anong mga salita o kung may mga salita bang makakapagpagaan ng kanyang kalooban.

Habang ako’y dumudulog sa lahat ng Diyos na kaya kong tawagin ay bigla akong tinapik ng kanyang ina. Agad akong lumingon at napuno ng pagtataka kung bakit niya inaabot sa akin ang kanyang cell phone.

“Ang huli niyang sinabi sa akin kanina ay iparinig ‘to sa’yo kung sakaling may mangyari sa kanya. Nagalit pa ako at sinabi kong huwag siyang magsasalita ng gano’n pero siguro oras na para pakinggan mo ‘to,” sabi niya habang nangingilid ang luha sa kanyang mga mata.

Kinuha ko ang kanyang cell phone at tinignan ang nakalagay dito.





Isang voicemail na wala akong kahit na anong ideya kung ano ang laman. Ayoko mang isiping huling habilin niya ito ngunit dali-dali ko itong binuksan.

[VOICE012] • 0:01-0:06
“Siguro takot na takot ka ngayon, ano? Hindi ako mamamatay, huwag kang mag-alala…”

Tumulo agad ang aking luha nang marinig ang kanyang tinig. Tutuparin niya pa rin naman siguro ang pangakong kanyang binitawan pagkatapos ng lahat ng ito.

[VOICE012] • 0:10-0:21
“...Anyway, ginawa ko lang ‘tong voicemail para matuloy yung hindi ko natapos sabihin sa’yo nung nakaraan. Wrong timing kasi si Doc no’n eh, ano? Saktong-sakto na sasabihin ko na yung pinakagusto mong banda tapos biglang pumasok...”

Tuloy-tuloy lang ang daloy ng aking luha sa hindi ko alam na dahilan. Ang alam ko lang ay mas nakahinga ako nang maluwag habang pinapakinggan siya na parang normal lang ang lahat.

Ang natitirang mga banda na kanyang binanggit ay ang mga matagal ko nang pinapangarap na makitang magtanghal sa personal. Siguro, naisip niya na baka sumama ang loob ko noong ‘di niya natuloy sabihin ang mga ito na pinangako niyang pupuntahan namin ang mga concerts nang magkasama noon pa. Hindi talaga siya makakapayag na pumalya ang mga pangako niya.

[VOICE012] • 4:32-4:43
“...Ayun lang naman. Iniisip ko kasi baka magtampo ka na hindi ko nasabi yung dream concert destinations mo. Pupuntahan din natin lahat ‘yon, syempre! Okay na ‘yon. Hindi ko na pahahabain ‘tong voicemail, magkikita pa naman tayo.”

Sandaling tumahimik ang cell phone kaya napatingin ako kung tapos na ba ang voicemail. Mayroon pang iilang segundo at naisip kong baka katahimikan na lang ang natitirang laman nito. Umayos ako ng upo at pinunasan ang mga luha ko. Hindi na ako nanginginig kagaya kanina at mas gumaan ang pakiramdam ko sa kabuuan. Magkikita pa kami, ‘yon ang huli niyang sinabi at ‘yon ang panghahawakan ko mula ngayon.

[VOICE012] • 4:55-5:17
“...pero sa totoo lang, hindi ko sigurado kung dito pa. Magkikita pa tayo pero hindi ko na alam kung saan. But either way, see you soon! Dito man o sa susunod na buhay, hahanapin kita kahit saan. Akala mo matatakasan mo ako? Magkikita pa tayo ulit kahit anong mangyari! See you, my dream concert buddy.”

Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa sa huli niyang mga salita. Unang beses kong makarinig sa kanya ng pag-aalinlangan kung aayos pa ba ang lagay niya dahil lagi niyang sinasabing kakayanin niya. Ngayon, nang tinignan ko ang cell phone ay wala na itong karugtong. Yuyuko na sana ako upang ituloy ang aking paghagulgol nang biglang lumabas na ang mga doktor mula sa kanyang kwarto. Hindi ko masabi mula sa kanilang mga mukha kung maganda ba o hindi ang kinalabasan ng mga nangyari sa loob ngunit isa lang ang sigurado ako.

Ano man ang naging resulta, magkikita pa tayo. Hihintayin ko pa ring tuparin mo ang mga pangako mo kahit na sa susunod pang buhay. Lilibutin pa natin ang mundo upang mapanood ang mga gusto mong banda sa hinaharap. Kahit gaano katagal, basta, magkikita pa tayo.




Literary: Tides on the Shore




I. High Tides

The shore is where the land meets the sea, and on it, the tides of fate brought a girl who lived in the town nearby and a boy who came from afar together for the very first time.

The girl was running some errands by the sea, one summer afternoon, when a boy who wore a troubled look approached her and meekly asked for directions. The girl quickly noted that the boy was holding a suitcase and wearing unfamiliar clothes before answering in a friendly manner.

“Oh, I know how to get there! Just walk straight ahead and take a left turn at the third corner. You’re looking for the third building on the left side of that street. You know, I can take you there if you want! I need to finish running this errand first, though. Is that okay with you?”

“Sure. If you don’t mind, I can also tag along and help you with whatever it is you need to do. It’s the least I can do to pay you back for your assistance,” the boy replied with a smile.

The girl took the boy up on his offer, and they began walking together by the sea. At first, they did not even know each other’s names. By the time they had accomplished the girl’s errands, they were telling each other things about themselves and where they were from. Before long, they reached the boy’s destination and reluctantly said goodbye to each other. This was their first time meeting each other, but it would be far from the last.

Each day after their first encounter, they’d “accidentally” meet in the late hours of the afternoon at the place where they first met. How they spent these hours varied day to day, with the only constant being each other’s presence. On some days, they’d chase each other around the beach, not minding the sand that entered their shoes. On others, they would lie down together on the sand, laughing as they told each other stories, with one often laughing at the tales of the other. They would also make a canvas out of the sand and draw illustrations to accompany their voices. From time to time, the boy would bring his guitar and sing songs that soothed the girl’s ear. Occasionally, a large boat would pass by and they would drop whatever they were doing to allow the boy to marvel at the majesty of the vessel. At times, the girl would feel down, and without fail, the boy would stretch out his arms and bring her into his warm embrace. No matter how they chose to spend the afternoon, the hours would pass them by and they would find that the sun was about to sink into the sea. They would spend a few more minutes together, admiring the scenery—and each other—as the sky blushed and the sun gently kissed the sea.

II. Low Tides

The shore is where the land meets the sea, and on it, the tides of fate are watching—and perhaps mocking—a girl walking by her lonesome.

This time, she has no errands to run. She feels troubled and lost, but no one can give her either help or direction. She longs for someone to talk to, but there is no one around her. She stops to sigh and stare at the horizon where the sky touches the endless sea as her mind takes her on a cruise through time.

On some days, we would run around on these beaches and I would often leave him behind, not realizing that it would eventually be my turn to get left behind. On others, we would tell each other stories. I would only laugh and pretend to listen at times, not knowing that I would soon lose the chance to hear his voice. We would even draw pictures in the sand, forgetting that whatever we made would just get washed away by the unfeeling waves. From time to time, he would bring his ever-so-slightly out-of-tune guitar and sing songs that fill me with melancholy as I recall them. Occasionally, a large boat would pass by, and he would get excited without fail. I would have made fun of him if he hadn’t whispered to me a promise to take me on a cruise through all the seven seas. However, his promise will remain just that—a promise.

By the time she has finished reminiscing, the horizon she was staring at has already turned an orange hue that is painfully familiar to her. A part of her wants to look away, but she can’t. She knows that she has to take in every moment of the sunset, not for herself, but for the one who can no longer enjoy the luxury of doing so. She silently wishes that she can be forever stuck in that moment, that she can cling on to the last vestiges of the twilight she once shared with another. Alas, her wishes are in vain, and the setting sun soon ushers in the cold night. She falls into despondence, and there is no warm embrace that can comfort her. Not anymore.

I have to get going; I still have a eulogy to prepare.

Literary: Ligaw





Sa gitna ng kagubatan ako inabutan
Ng paglubog ng araw at pag-akyat ng buwan
Pagod na ang mga paa, pawis ay tumutulo,
Hindi alam ang gagawin, hindi alam saan tutungo.

Ako’y huminto, nagpahinga sandali,
Nagnilay-nilay kung saan ako nagkamali
Marahil kung ako’y nanigurado at naging maalam sa direksyon,
Wala sana ako rito at nakabalik na ako ngayon.

Subalit kung ang pagkaligaw ay hindi ko naranasan,
At samu’t saring emosyon na dulot nito ay hindi ko naramdaman,
Hindi ba’t mawawalan din ng saysay ang aking paglalakbay,
Kung sa aking pag-uwi ay wala akong bagong kwentong maisasalaysay?

Ngayon ay aking napagtanto,
Bigyan man ako ng pagkakataong ang mga nangyari ay mabago,
Pipiliin ko pa rin ang maging isang ligaw,
Ligaw na natutong maglakad sa dilim kahit dulo ay hindi niya matanaw.

Huminga ako nang malalim at humakbang muli,
Pinilit na umabante habang bumubulong sa sarili
“Malapit na, kaunting tiis pa,”
Takot at kaba ay hindi ko na alintana.

Sa aking pagpapatuloy ay may bigla akong nakitang liwanag,
Tila sa isang tao ito nagmumula ngunit hindi ko gaano maaninag.
Kagaya ko rin kaya siya na hindi makabalik?
Lumapit ako’t umaasang sa aking mga pinagdaanan ay handa siyang makinig.