mariel diesta,

Opinion: Death Penalty: Hustisya nga ba talaga?

3/30/2019 06:45:00 PM Media Center 1 Comments




"Alam niyo, anti-poor ang death penalty. Ang nahahatulan lang ng death sentence ay ang mahihirap, at alam naman natin na ang issue ng death penalty, hindi yan ang sagot sa krimen.”

Ang pahayag na ito ay binanggit ng tumatakbo sa pagka-senado na si Jose Manuel “Chel” Diokno sa Ikaw Na Ba? The DZMM Senatorial Candidates' Interview.

Noong taong 2016, inahain ng House of Representatives ang Senate Bill no. 42 “An Act Re-instituting the Death Penalty in the Philippines.” Tinalakay nito ang mga pagbabago na ipatutupad sakaling maibalik ang parusang kamatayan sa mga mapatunayang nagkasala sa batas. Ang pangunahing paraan ng pagpataw ay ang lethal injection. Ang mga sumusunod na krimen ang kabilang sa mapapatawan ng parusang death penalty:

• Treason
• Qualified Piracy
• Qualified Bribery
• Parricide
• Murder
• Infanticide
• Rape
• Kidnapping and serious illegal detention
• Robbery with violence against or intimidation of persons

Naging isa sa mga pangunahing usapin ito na ginamit sa mga debate sa pagkilatis ng mga tumatakbong senador. Ayon sa sinabi ni Chel Diokno, ang death penalty ay maaaring gamitin laban sa mga mahihirap. Makikita ito sa mga nangyayari sa kasalukuyan. Isang halimbawa ang Oplan Tokhang na naglalayong magbawas ng krimen sa pamamagitan ng paghuli sa mga drug pusher at pag-rehabilitate sa mga drug users. Sa kabila ng tila magandang layunin ng programa, ang mga hinihinalang drug lords o pinuno ng mga sindikato ay nauugnay sa mayayaman o may posisyon sa gobyerno. Ang mga makapangyarihang ito ay hindi naaaresto o naiimbestigahan. Sa halip ang mga mahihirap na drug pushers at users na “pinaghihinalaan” pa lang bilang suspect o person of interest ay napaparatang “nanlaban umano” kaya madalas na napapatay sa akto ng paghuli sa kanila. Inonsente man ang marami sa mga ito, hindi pa rin nakakamit ang hustisya sa pagkamatay nadamay. Ilang halimbawa ng napatay sa laban kontra droga ay sina Kian Delos Santos at Carl Aranaiz na mga menor de edad pa man din. Ang hustisya ay pinapaburan lamang ang mga mayayaman dahil na rin sa kakulangan ng kakayahang pinansiyal ng mahihirap upang makakuha ng mahusay na abogado. Karagdagan pa ay ang koneksyon ng mga taong ito sa mga may kapangyarihan at may mataas na posisyon sa gobyerno.

Ang paghahaing maibalik ang death penalty ay bunsod ng isang insidenteng nangyari kamakailan. Nitong nakaraang Marso 11, 2019, naging mainit na balita ang tungkol sa marahas na pagpaslang sa 16 taong gulang na babae sa Lapu Lapu City Naging usap-usapan ang balitang ito dahil sa pagkalat sa ng mga larawan at artikulo nito sa iba’t ibang network ng media at maging sa social media. Dahil sa pagpukaw ng simpatiya ng mga tao sa biktiam ng krimen, umigting ang usapin sa pagbabalik ng death penalty.

Ngunit tunay nga kayang naipapataw nang maktwiran ang death penalty? Kung babalikan ang nangyari noong taong 1982, nagkaroon ng isang kaso ng panggagahasa kay Pepsi Paloma, kung saan nadawit sina Vic Sotto, Tito Sotto at Joey de Leon. Sa taong iyon, umiiral ang death penalty sa Pilipinas. Ngunit sa naturang kaso, hindi napatawan ng karampatang parusa ang mga kinasuhang gumawa ng krimen hanggang sa nabaon na sa nakaraan ang nangyari. Hindi na nahalungkat ang mga ebidensya at halos wala na ring maalalang testigo. Ngayon, ang mga nabanggit na kasangkot ay mga komedyante, nakikita sa TV at may posisyon pa sa gobyerno.

Sa isa pang banda, may ilang opinyon din na nagsasabing sa death penalty, tila ba hinahayaan natin ang kriminal na makatakas pa sa kasalanang ginawa niya sa pamamagitan ng pagpatay sa kanya. Usap-usapan ngayon sa social media na mababaw na parusa ang kamatayan dahil sa oras na siya’y patayin, hindi na niya magagawang harapin pa ang krimen na dapat niyang panagutan.

Dagdag pa na ang death penalty ay hindi maaaring bawiin, hindi tulad ng pagkakakulong na kung saan kapag napatunayang inosente ang isang tao, maaari siyang pakawalan.

Huwag nating kalimutan kung gaano kagulo ang sistema at kawalan ng hustisya dito sa ating bansa bago natin sabihin na pabor na tayo sa death penalty, dahil maaaring maparusahan ng death penalty ang isang tao para sa krimeng hindi niya naman ginawa. Kahit gaano ka-ideyal ang isang panukalang batas, lagi nating tingnan ang konteksto at mga pangyayari sa ating lipunan. //ni Mariel Diesta

You Might Also Like

1 comment: