12345,
Dear diary,
Alam mo napakahaba ng school year ngayon. ‘Yung 7 days per week at apat na araw doon ay may klase, tapos 9 na buwan bago matapos. Sa sobrang tagal ng mga araw nagdududa na ako kung matatapos pa ba itong school year na ito. Sa sobrang inip ko, iniisip ko na lang ang mga bagay na nagpapasaya sa akin. Nag-iimagine ng kung anu-ano, parang nag de-daydreaming sa klase, ganoon.
Kapag nagde-daydreaming ako, kadalasan napapadpad ang aking isipan sa isang paraiso... At alam mo tuwing iniisip ko ang aking paraiso, yung whiteboard na puno ng trigonometric equations, unti unting ‘yung naglalaho. Nagsisimula sa bawat sulok ng aking paningin, hanggang sa iyon na lang ang aking nakikita... ayan na, makikita ko na ang paraiso.
Ang Isang paraiso kung saan mainit ang yayakap... yayakap sa aking katawan na sinag ng araw.
Isang paraiso kung saan dumadampi ang malambot... malambot na buhangin sa aking mga paa.
Isang paraisong matitipuno ang... matipuno ang tindig ng mga puno kung saan pwede akong mamahinga sa ilalim ng silong nila.
Isang paraiso kung saan banayad ang haplos... haplos ng mga alon sa malalim na dagat.
Nakikita mo na ba siya?
Ayon ang iisang paraisong minamahal kong tunay at siya ay--
“Tanya! Makinig ka sa lesson!” sigaw ng aking guro.
“Ang Palawan! Palawan po ma’am!” napabulaslas ako bigla nang isigaw ng guro ang aking pangalan, “Iyon po ang aking paraiso! Gusto ko kasing bumalik doon! Ang ganda talaga ng buhangin, puting-puti! Pati na ang mga puno, napakatataas! Isama mo pa ang napakagandang dagat! Nakakaalis kasi ng sakit ng ulo ang pagtingin sa dagat, nakakakalma. Iyon po ang aking paraiso!”
Nagtawanan ang aking classmates.
Ayan, siya— este, iyan, ang lagi kong daydream.
Uhm. Ayon... ang gandang pampalipas talaga ng daydreaming! Parang kasama ko na ang paraiso ko— kaso hinay-hinay lang. Kasi habang klase napasobra ata ang pag-iimagine ko... ayon wala akong naitindihan sa lesson! Pinagtawanan na ng mga kaklase at napagalitan pa ni titser!
*Link para sa naunang entry ng Diary ni Tanya: http://upismc.blogspot.com/2019/02/literary-diary-ni-tanya.html
Literary: Diary ni Tanya Entry No. 2

Love,
Tanya.

0 comments: