12345,

Literary: Diary ni Tanya

2/25/2019 08:04:00 PM Media Center 0 Comments




Dear Diary,

Kaninang umaga, habang papasok ako sa klase, hinampas ng malamig na hangin ang aking mukha... Rude! Sa inis, napatingin ako sa paligid naghahanap ng kadamay, ngunit lahat ng tao sa paligid naka jacket... o di kaya ay may kayakap! Ako lang ata nakalimot ng pampainit, di ko naalalang malamig na nga pala ang pebrero ngayon...

Alam nyo parang tuwing Pebrero, mas nararamdaman ko na ang lamig. Ramdam na ramdam ko ang ihip ng malakas na hangin, ang maginaw na paligid at ang hamog sa umaga. Ngunit, sa mga nakalipas na taon, parang mas napapansin ko pa ito... Malamig nga ba ang Pebrero o lumalamig lang habang tumatagal dahil ito ang buwan ng pag-ibig? At tuwing sumasapit ang selebrasyong ito ay wala akong kasama... Hmm… questionable.

Kasi ganito ha? Hindi ko naman napapansin ang lamig dati. Bakit ngayon? Dapat nga masanay na lalo sa lamig kaso, bakit parang mas naging sensitibo pa ako? I mean, ayos lang naman sa aking lamigin… no biggie. Pshh. Pero, nakaka-bother lang talaga, alam mo ‘yun? Ang lamig-lamig ng paligid, wala man lang nagpapainit! Ugh.

A, speaking of nagpapainit. Sa sobrang lamig ng February parang gusto niya nang maging bermonths. Ano siya Februaber? Dahil ito sa global warming eh… Global warming… Tama! Malamang kaya ako nilalamig tuwing Pebrero dahil sa epekto ng global warming at pagbabago nito sa weather patterns! Wow, problem solved! It’s not me, it’s the weather!

Love,
Tanya

You Might Also Like

0 comments: