filipino,
Hindi ako makapaniwala,
parang kahapon lang,
malabo’t mula sa malayo pa kita nasisilayan.
Ngunit ngayon, nakapikit man ako,
alam ko na nariyan ka sa harap ko.
Kaninang umaga lang,
iniisip ko kung ano ang tunay na tunog ng boses mo,
sa tingin ko kasi naiiba ang timbre ng tao kapag nasa telepono.
“Paano ka kaya magsalita kapag kaharap mo ako?”
Ngayon, nakapagtataka, bakit tila sa tainga ko’y bumubulong ang tinig mo?
Sa isang iglap,
pumasok sa isip ko kung:
“Ano kaya ang pakiramdam sa piling mo?
Ano kayang damdamin ang idinudulot ng haplos mo?”
Di ko maintindihan pero pumikit lang ako ngayon,
may naramdaman akong kamay na gumapang sa balat ko.
Hindi ko maipaliwanag,
nagbukas ang talukap ng mga mata ko’t ako’y nagising,
isang magandang panaginip
kung saan malapit ka’t kinakausap mo ako
habang nararamdaman ko ang pagyapos mo.
Hindi ko mailarawan
ang nararamdaman ko:
“Totoo ba ito o
tila isa ring panaginip?”
na kahit na masaya sa pakiramdam, alam kong panandalian lang at matatapos din?
Literary: Di Maipaliwanag

0 comments: