erika sasazawa,
ACLE 2019, idinaos
Nakikinig ang mga kalahok ng Ethnic Music and Dance session sa tagapagsalita mula sa Kontra-GaPi bago sila tumugtog ng mga katutubong instrumento. Photo credits: Erika Sasazawa
Lumahok ang mga mag-aaral ng UPIS sa Alternative Classroom Learning Experience (ACLE) noong Pebrero 14, pangalawang araw ng UPIS Days, mula ika-8 hangang ika-10 ng umaga. Isinagawa ang iba’t ibang sesyon sa mga silid sa Gusali 3-6 at Gusali 7-12.
Nilalayon ng ACLE na mabigyan ng ibang karanasan ang mga mag-aaral sa loob ng silid-aralan. Malayang pumili ang mga mag-aaral ng sesyon na kanilang dinaluhan ayon sa kanilang hilig, talento o interes.
Nang tanungin si Wilnor Papa, speaker ng Amnesty International, kung paano nakatutulong ang ACLE sa mga kalahok at tagapagsalita, sinabi niya, “It (ACLE) gives you opportunities to learn other things that you don’t normally learn in school. (Ang ACLE ay nagbibigay ng oportunidad para matunan mo ang ibang kaalaman na hindi mo kadalasan napag-aaralan sa loob ng paaralan.)”
Ayon naman kay Patricia Chua, grado 7, “ACLE is a chance for students to explore new hobbies and get to know other people. It opened my mind to new ideas so I think this year’s ACLE is a huge success. (Ang ACLE ay pagkakataon para sa mga mag-aaral na makatuklas ng mga bagong libangan at makakilala ng ibang tao. Binuksan nito ang aking isipan sa mga bagong ideya kaya sa tingin ko, ang ACLE ngayong taon ay malaking tagumpay.)”
Sinisimulang gawin ng mga mag-aaral ng grado 3-6 ang kanilang natutunan mula sa pagtalakay tungkol sa watercolor painting. Photo credits: Danie Cabrera
Ang mga sesyon na dinaluhan ng mga mag-aaral sa grado 7-12 ay ang sumusunod:
• 2030 Youth Force in the Philippines
• Amnesty International
• Baking Cookies
• Brushpen Calligraphy
• Digital Painting
• Ethnic Music and Dance
• French
• Guitar
• IBON Foundation
• Japanese
• Signing Exact English
• Silakbo
• Social Dance
• Taekwondo
• World Wide Fund for Nature Philippines
• Young Filipino Advocates of Critical Thinking
Ang sumusunod na listahan naman ang mga sesyon na dinaluhan ng grado 3-6.
• 2030 Youth Force in the Philippines
• Amnesty International
• Basic Watercolor
• Ethnic Music and Dance
• Guitar
• Hiphop
• Italian
• Mandarin Chinese
• Signing Exact English
• Taekwondo
• Teach Peace Build Peace Movement //nina Mariel Diesta at Erika Sasazawa
0 comments: