boy uniknik,
Literary: Muni-muni
Kabilugan ng buwan,
Buwan ng kabilugan
Ang nagbabaga sa aking kaisipan
Ay ang buwan at ang kabilugan
Kay dilim dito sa Diliman
Sa Diliman ay kay dilim
Naglalakbay sa kulimlim
‘di alam ang madadaanan
Paikot-ikot
Sa mga pasikot-sikot
Ang nadaanan na
Ay madadaanan pa
Natatakluban ng mga puno
Ang daang nalakbay na ng mga ninuno
Tingin dito, tingin doon
Hindi na alam kung saan pa lilingon
Hanggang sa dulo ng walang hanggan
Tila umikli ang lakaran
Tumigil sa kalagitnaan ng daanan
At ngayo’y umabot na sa dulo ng hangganan
0 comments: