filipino,
Sa gitna ng isang expressway,
sa isang linyang naghahati
sa mga sasakyang
pasulong at paurong,
sa isang gabing madilim
na may malamig na hangin,
maaari ba kitang makasayaw?
Pagmasdan mong nag-uunahan
ang mga kislap ng headlights
ng mga sasakyan.
At ang andar ng makina.
At ikot ng gulong.
Dumaraan.
Nilalagpasan tayo.
Isang karera ang buhay na ito.
May malalaking bus
na puno ng mga taong pilit
na idinidilat ang kanilang mga mata
matapos ang maghapong kayod.
Marahil makikipagsapalaran
o pauwi na sa pamilya.
Nakikipagsiksikan.
Binibigyang-lugar ang sarili.
Nariyan din naman ang malalaking trak
na may mabibigat at sari-saring nilalaman.
May softdrinks, yelo, gulay, at prutas.
Sa iba nama’y biik, basura, papel, at tao kung minsan.
Magkano?
Ano kaya ang halaga ng mga ito
pagdating sa pupuntahan?
May ilan din namang pribado ang sasakyan.
Simple at may pupuntahan.
Bumibiyahe nang ilang oras,
gumagastos ng panggasolina,
pero babalik din naman.
Mabilis ang takbo ng mga sasakyan
kasimbilis ng ikot ng mga kamay sa relo.
Lumalagpas-nililipasan tayo.
Habang nakikipag-unahan,
masaya nga ba tayo?
Narito tayo sa linyang ito,
madilim man, malamlam ang liwanag
mula sa buwan at bituin,
nakikita ko pa rin ang aking sarili sa mapungay mong mga mata.
Malamig man ang hangin, presko ito.
Mainit din ang pakiramdam sa yakap mo.
Huwag kang matakot
sa kanilang takbo.
Sumugal ka at pagmasdan
ang kagandahan ng langit,
ang simoy ng hangin,
ang pagkakataong
magkasama tayo
dito sa gitna ng expressway—
sa gitna ng karera ng buhay.
Maaari ba kitang makasayaw?
Literary: Sa Gitna ng Expressway
Sa gitna ng isang expressway,
sa isang linyang naghahati
sa mga sasakyang
pasulong at paurong,
sa isang gabing madilim
na may malamig na hangin,
maaari ba kitang makasayaw?
Pagmasdan mong nag-uunahan
ang mga kislap ng headlights
ng mga sasakyan.
At ang andar ng makina.
At ikot ng gulong.
Dumaraan.
Nilalagpasan tayo.
Isang karera ang buhay na ito.
May malalaking bus
na puno ng mga taong pilit
na idinidilat ang kanilang mga mata
matapos ang maghapong kayod.
Marahil makikipagsapalaran
o pauwi na sa pamilya.
Nakikipagsiksikan.
Binibigyang-lugar ang sarili.
Nariyan din naman ang malalaking trak
na may mabibigat at sari-saring nilalaman.
May softdrinks, yelo, gulay, at prutas.
Sa iba nama’y biik, basura, papel, at tao kung minsan.
Magkano?
Ano kaya ang halaga ng mga ito
pagdating sa pupuntahan?
May ilan din namang pribado ang sasakyan.
Simple at may pupuntahan.
Bumibiyahe nang ilang oras,
gumagastos ng panggasolina,
pero babalik din naman.
Mabilis ang takbo ng mga sasakyan
kasimbilis ng ikot ng mga kamay sa relo.
Lumalagpas-nililipasan tayo.
Habang nakikipag-unahan,
masaya nga ba tayo?
Narito tayo sa linyang ito,
madilim man, malamlam ang liwanag
mula sa buwan at bituin,
nakikita ko pa rin ang aking sarili sa mapungay mong mga mata.
Malamig man ang hangin, presko ito.
Mainit din ang pakiramdam sa yakap mo.
Huwag kang matakot
sa kanilang takbo.
Sumugal ka at pagmasdan
ang kagandahan ng langit,
ang simoy ng hangin,
ang pagkakataong
magkasama tayo
dito sa gitna ng expressway—
sa gitna ng karera ng buhay.
Maaari ba kitang makasayaw?
0 comments: