filipino,
Nawawalan ng kabuluhan at kahulugan
Ang daigdig na inaakalang kilalang-kilala
Bumibitiw sa tinanggap na katotohanan
Sinusulyapan ang lahat nang bago ang mata
Hindi lahat, nakasasama sa paglalakbay
Tanging iyon lamang pumipiling mag-iba
Ngunit lahat ay iniimbitahang sumakay
Upang biguin ang mga batas ng pisika
Lumiliit at lumalayo ang lupang alam
At tila ang mga tore ay mapupulot mo
Ito, ito ang pakiramdam na inaasam
Bagong perspektibang huhubog sa iyong mundo
Mga bughaw at luntiang pinagniningning ng araw
Mga ibong lumilipad, nariyan lamang sa tabi mo
Mga kagandahang tila nagpaparamihan
Ang mayroon sa kung saanman tayo dadako
Ngunit ang mga ulap ang aking paborito
Mga inakalang di kailanman maaabot
Purong puti ang kumukunot na kumot dito
Ibibigay ang lahat upang ito’y malibot
Iyon ang pakiramdam na hiwalay sa mundo
Tila isang panaginip ang ‘yong paglalakbay
Naiba ang lahat ng kaunting anggulo
Kahit ang inakalang katotohanan sa buhay.
Literary: Eroplano

0 comments: