filipino,
Sa mundong ating ginagalawan
Maraming bagay ang kinatatakutan
Hindi natin alam kung saan
Kailan
Natin ito malalabanan
‘Di natin alam kung magagawa
Magagawa ba nating madaig ito
Walang nakakaalam kung sino
Sino ang ating kasama
Sa mga oras na ito’y ating matalo
May tutulong ba sa akin?
Mag-isa ko ba itong pupuksain?
May kasama ba ako
O ako lang ang gagawa nito?
Walang nakakaalam
Pero sa isang bagay lang sigurado
Kung sa akin man may tumulong
Kailangan kong maghanda
Maghanda sa pagharap
Pagharap ng pagsubok na mahirap
Walang nakakaalam
Maaring may kasama sa pagbagtas
Maaring magkasamang makarating sa taas
Sa tuktok ng napuksang kinatatakutan
Magkasamang nadaig ang kadiliman
Kadiliman na isa sa malaking kinatatakutan
Isang bagay na kahit kalian
‘Di aakalaing malalabanan
Noong ako’y iyong sinamahan
Buong tapang na nilabanan
Sa paglaban natin
Unti-unti kong napagtanto
Mistulang nanggaling sa’yo
Ang kalakasan ko
Pinalakas mo ‘ko sa mga pagkakataong ito
Hindi ko maintindihan
Sa lahat ng pagkakataon
Ako’y hindi mo iniwan
Ano bang nangyayari?
Tayo ba ay ganap na nagmamahalan?
Ngayon malapit na tayo sa tuktok
Hindi matinag ng kahit ano
Pinoprotektahan mo ako
Sa lahat ng pagkakataon
Lagi kang nasa tabi ko
Nang marating ang itaas
Sa sobrang hirap ng binagtas
Aking napagtanto
Hindi ang bagay na ito ang pinakakinatatakutan ko
Ito pala ay ang ako’y iwan mo
Pinanatag ko ang sarili
Kinausap sa isang tabi
Panatag ako na ‘di mo ako iiwan
Sa dami ng ating napagdaanan
Hindi ka aalis kahit kalian
Maraming araw ang lumipas
Tila ba pagmamahalan ay kumupas
Mukhang parating na
Parating na ang aking kinakatakutan
Na ikaw sa aking tabi ay lumisan
Sinubukan ko ang pigilan ka
Ngunit ako ay walang nagawa
Hindi kita napigil
Sa isang tabi ay umupo na lang
Tila ba ng mundo ko ay tumigil
Sa lahat ng panahong tayo ay magkasama
Ginamit lang pala natin ang isa’t-isa
Kinailangan natin ang lakas
Lakas para mabuhay
Mabuhay sa darating na mga bukas
Kahit na ako’y iyong iniwan
Ikaw pa rin ay aking pinasasalamatan
Kung ‘di dahil sa iyong paglisan
Ang aking pinakakinatatakutan
Ay hindi ko malalampasan
Literary (Submission): Ang Kinatatakutan Ko
Sa mundong ating ginagalawan
Maraming bagay ang kinatatakutan
Hindi natin alam kung saan
Kailan
Natin ito malalabanan
‘Di natin alam kung magagawa
Magagawa ba nating madaig ito
Walang nakakaalam kung sino
Sino ang ating kasama
Sa mga oras na ito’y ating matalo
May tutulong ba sa akin?
Mag-isa ko ba itong pupuksain?
May kasama ba ako
O ako lang ang gagawa nito?
Walang nakakaalam
Pero sa isang bagay lang sigurado
Kung sa akin man may tumulong
Kailangan kong maghanda
Maghanda sa pagharap
Pagharap ng pagsubok na mahirap
Walang nakakaalam
Maaring may kasama sa pagbagtas
Maaring magkasamang makarating sa taas
Sa tuktok ng napuksang kinatatakutan
Magkasamang nadaig ang kadiliman
Kadiliman na isa sa malaking kinatatakutan
Isang bagay na kahit kalian
‘Di aakalaing malalabanan
Noong ako’y iyong sinamahan
Buong tapang na nilabanan
Sa paglaban natin
Unti-unti kong napagtanto
Mistulang nanggaling sa’yo
Ang kalakasan ko
Pinalakas mo ‘ko sa mga pagkakataong ito
Hindi ko maintindihan
Sa lahat ng pagkakataon
Ako’y hindi mo iniwan
Ano bang nangyayari?
Tayo ba ay ganap na nagmamahalan?
Ngayon malapit na tayo sa tuktok
Hindi matinag ng kahit ano
Pinoprotektahan mo ako
Sa lahat ng pagkakataon
Lagi kang nasa tabi ko
Nang marating ang itaas
Sa sobrang hirap ng binagtas
Aking napagtanto
Hindi ang bagay na ito ang pinakakinatatakutan ko
Ito pala ay ang ako’y iwan mo
Pinanatag ko ang sarili
Kinausap sa isang tabi
Panatag ako na ‘di mo ako iiwan
Sa dami ng ating napagdaanan
Hindi ka aalis kahit kalian
Maraming araw ang lumipas
Tila ba pagmamahalan ay kumupas
Mukhang parating na
Parating na ang aking kinakatakutan
Na ikaw sa aking tabi ay lumisan
Sinubukan ko ang pigilan ka
Ngunit ako ay walang nagawa
Hindi kita napigil
Sa isang tabi ay umupo na lang
Tila ba ng mundo ko ay tumigil
Sa lahat ng panahong tayo ay magkasama
Ginamit lang pala natin ang isa’t-isa
Kinailangan natin ang lakas
Lakas para mabuhay
Mabuhay sa darating na mga bukas
Kahit na ako’y iyong iniwan
Ikaw pa rin ay aking pinasasalamatan
Kung ‘di dahil sa iyong paglisan
Ang aking pinakakinatatakutan
Ay hindi ko malalampasan
0 comments: