filipino,
Literary: Kahita
Napakagaan,
Wala akong maramdaman
Nakalutang ba ako?
Nasaan ako?
Ang bigat,
Parang bitbit ko ang mundo.
Nakalubog ba ako?
Ano ito?
Wala na,
Wala na akong maramdaman.
Unti-unti na akong bumababa't
Wala nang pag-asang umangat.
Ang lambot!
Aba, himala't naramdaman ko
Sa sobrang pagkamanhid ko't
Sa sobrang pagkaayaw ko sa mundo.
Ang sikip,
Hindi ako makagalaw.
Ang init,
Hindi ako makahinga.
Ang komportable,
Ayaw ko na itong lisanin
Gusto kong manatili rito.
Matutulog na ako nang napakahimbing.
Gumagalaw,
Pababa pero mabagal.
May kanta
Pero hindi masaya.
Bakit kayo umiiyak?
Hindi ba dapat kayo ay masaya?
Ako lang ba ang natutuwa?
Sa wakas ako'y makapagpapahinga na.
Ganito ba talaga ang pakiramdam
Na ikaw ay nakahiga
Hindi sa magarbong kama
Kundi sa isang magarbong kahita
Hindi ko alam
Hindi ko kailangang malaman
Hindi ko kailanman aalamin
Bahala na...
Tumigil na...
Tapos na ba?
Paalam,
Tapos na nga.
0 comments: