Showing posts with label reMinisCence. Show all posts

Literary (Submission): Hakbang (Part 1)



“Bespren! Malelate ako. Sorry! Huhu. Una ka na ha. Kita na lang tayo dun.”

Hay. Siyempre late na naman si Mica. Sabi ko nga. Inexpect ko naman. Pero umasa pa rin kasi akong may makakasabay papuntang freshie welcome assembly. Lalo tuloy akong di mapakali. Kinakabahan kasi ako. Like super kaba. Ngayon mas lalo pa. Yung naninikip-ang-dibdib-parang-hihimatayin na klase ng kaba. Sino ba namang hindi?

Eleven years. Eleven years na alam ko kung sinong aabutan ko sa school sa unang araw ng klase. Alam ko kung kanino ako sasama, kung saan ako kakain pag lunch o tatambay pag may free time. Alam ko kung anong gagawin.

Eh ngayon, wala akong alam. Mangangapa ako. Ilang beses kong hiniling na tumigil muna ang oras. Balik muna sa nakaraan. Hindi pa ako ready. Kahit pa sabihing halos sa UP na ako lumaki. Kahit pareho kaming nasa Diliman ni Mica, kahit pa may mga ka-batch ako na kapareho ko ng course. Iba pa rin ang college. COLLEGE! Wah!!! Big word. Big world. Hay.

Kaya normal naman sigurong kabahan. Pero okay. Inhale. Exhale. Isa-isa lang. Ito munang assembly. Ayoko talagang pumunta mag-isa. Mukha naman akong kawawa pag dumating ako dun alone. Sino kayang masabayan?

Hmmm… text ko nga si Alice. “Lea! Umattend na ko kaninang umaga eh. :)”
Oo nga pala. Si Luis na lang. Tagaaaaal magreply. Tapos… “Huh? Ngayon ba yun?”
Hay naku! Sino pa ba? Ah! Alam ko na! Si Mike! “Papunta ka na ba sa Theater? Sabay tayo,” text ko sa kanya.

“Sure bb. HAHA.” Kainis. Pero ayan! May kasabay na ako! Bago pa ako maka-reply para tanungin kung saan kami magkikita, may dumating na text niya: “Lunch muna ko sa Coop. Text ka na lang.”
“Yey! Ok. Punta na lang ako diyan. Sinong kasama mo?”
“Wala. :)”
“Ok. Kita tayo sa may shed.”

Tinext ko agad si Mike pagdating ko sa Shopping Center. Mga 10 minutes na siguro akong naghihintay nang may natanaw akong naglalakad papunta sa Shopping dun sa may kanto ng Infirmary. Bumalik ang kaba ko. Ang sobrang kaba ko. Kasi alam kong si Mike yun at… at… may kasama siya. At kahit ilang taon ko na siyang hindi nakikita sa personal… Sa hawas ng mukha, sa buhok, sa tindig, sa lakad, sa kilos… kahit sa may kalayuan, hindi ako pwedeng magkamali.

Si JC ang kasama niya. Si JC na best friend niya. Na kaklase ko ng apat na taon sa elem. Na naging kaibigan ko at naging crush ko. Na laging tinutukso sa akin. Na hindi na masyadong lumalapit at nakikipag-usap mula noong asarin kami. Na lumipat ng school. Na huli ko pang nakausap noong summer bago mag-high school. Na akala ko nakalimutan ko na at sigurado akong nakalimutan na ako.

Tinext ko agad si Mike: “San ka na?” Malamang hindi magrereply pero sunod-sunod pa rin ang sinend ko.
“Wala ka ba talagang kasama???”
“Sabi mo mag-isa ka lang!”
“HOOOYYY!!!”
“UGHHHH. Una na ako.”

At lalakad na talaga ako paalis nang may kumalabit sa balikat ko. “Uy, Lea!” sabi ni Mike na para bang nagpipigil ng tawa. Wala na akong choice! Kailangan nang humarap at tumingin sa kaniya. Sige na nga. Baka naman mag-isa talaga siya at baka guniguni ko lang ‘yon. Pero… hindi eh. Ayun siya sa likod ni Mike. In the flesh.

“Hi,” sabi ko sa kanila, sabay ngumiti ng tipid. Nakita kong ngumiti rin si JC bago nagsalita si Mike.

“Papunta ka na bang Theater?” tanong niya. Pinili ko nang hindi sumagot at pinandilatan ko na lang siya. Sana naintindihan niya na ang ibig sabihin nun ay: “Oo! Di ba nga tinext kita na sabay tayo? Sabi mo wala kang kasama! Hay naku ka naman talagang Mike ka! Ano bang pumasok diyan sa isip mo?”

“Sabay ka na sa amin ni JC,” patuloy ng pa-inosenteng si Mike. “Kilala mo pa naman si JC di ba?” Gustong-gusto ko siyang irapan. Oo, Mike. Alam mo naman di ba? Pero inisahan mo ko. “Ah, ok,” na lang ang naisagot ko.

“Tara na!” excited na sabi ni Mike. “Baka ma-late pa tayo,” dagdag niya bago tumalikod sa amin at nauna nang lumakad.

Nagkatinginan kami ni JC at nakita ko rin sa mukha niya ang pagtataka sa pinaggagawa ng kaibigan niya. Parang nagkibit siya ng balikat at humakbang palapit sa akin. Nagsimula na rin akong maglakad. Siguro nauuna lang ako ng kalahating hakbang kay JC. Tamang bilis lang para hindi kami sabay na sabay. Kasi… ang awkward. Sooobrang awkward.

Pero si Mike… si Mike! Nung una mga limang hakbang lang ang lamang niya sa amin. Pero pag binibilisan namin ang lakad para mahabol siya, MAS BINIBILISAN PA NIYAAAAA. Iniiwan niya talaga kami ni JC! Loooord! Ano po bang parusa ito? Bakit ba naghanap pa ako ng kasabay? Alam ko rin pong hinihiling kong bumalik muna sa nakaraan pero hindi ko naman akalain na ganito ka-throwback, ano po. Hindi na po talaga ako uulit!

Paano nang gagawin ko ngayon? Hindi ko talaga option yung mauna akong makipag-usap eh. Maglalabas na ba ako ng libro? Weird. Tsaka baka matapilok pa ako. Mag-earphones na lang kaya ako? Ang rude naman yata. Alam ko na….

Nakatingin lang ako sa sapatos ko habang naglalakad hanggang sa nag-vibrate ang phone ko. Text. Galing kay Mike. “Usap naman diyan! :)”
“CHE!” mabilis kong reply. Nakuuu. Maka-survive lang ako sa paglalakad na ‘to, lagot kang Mike ka!
“Kausapin mo naman.”
“Ako ba talaga Mike? EWAN!”
“Tingin ka lang sa kanya sandali.”
“Bahala ka. FO na tayo!”
“Dali na! Nakita ko sinusulyapan ka. :)”
“WEH.”
“Tatlong beses na!”

Hindi ko napigilan. Mabilis akong tumango para itago ang ngiti ko na mabilis ko ring inalis. Sinabi ko sa sarili ko na walang ibig sabihin yun. Malamang titingnan niya ko kasi ang tagal naming di nagkita. Hindi ibig sabihin gusto niya kong kamustahin o kausapin o kwentuhan. Katulad ng dati. Kaya, oops, stop!

Pero hindi ko pa rin mapigilang magnakaw ng tingin sa kanya. Parang wala namang masyadong pinagbago si JC. Ganun pa rin ang aura niya. Mukhang seryoso pero maloko. Marami akong gustong itanong at sabihin kaso hindi ko alam paano sisimulan. Likas akong mahiyain at sa mga ganitong sitwasyon, hindi ko talaga alam ang gagawin. Alam niya naman yun. Dati. Kaya sana… sana… mauna siyang magsalita. Kaso naabutan na namin si Mike, na sa wakas ay tumigil maglakad para makahabol kami, wala pa ni isang salitang namamagitan sa amin.

“Nagmamadali ka ba, Mike?” naiinis kong tanong.

“Oo eh, baka ma-late tayo,” nakangisi niyang sagot.

“Brad, relax lang. Wala namang humahabol sa ‘tin,” pabirong sabi ni JC.

“Hahaha. Okay! Let’s go!” At naglakad na si Mike. Ng naaaaaaaaaaapakabagal. Yung tipong bumibilang ng 10 seconds kada hakbang. Hihintayin munang magkatabi kami ni JC bago humakbang ng kasunod.

“Wala na bang ibibilis yan?” sabay naming nasabi ni JC. Nagkatinginan kami at napangiti sa isa’t isa.

“Ay! Akala ko wag magmadali,” tumatawang sagot ni Mike. “Naisip ko kasi, mga kaibigan, na tama kayo. Hindi naman talaga dapat madaliin ang mga bagay-bagay. Pero dapat may masimulan. Kahit medyo mabagal, basta magsimula.”

Mike! Diyos ko! Ano bang pinagsasabi mo diyan? Pero gets ko kaya bago pa siya makahirit ulit sinabi ko, “Tama! Halika na. Magsimula na tayong maglakad ng SABAY-SABAY.”

Buti na lang di na pumalag si Mike. At buti na lang makwento siya kaya walang dead air. Nakikinig ako sa mga hiritan nila, sumasagot pag tinatanong, at nakikitawa pero sa loob-loob ko, iniisip ko kung bakit sa dami ng araw na pwede kaming magkita ulit ni JC, ngayon pa talaga.

Bakit ngayon pang hindi inaasahan? Wala man lang warning! Di man lang ako nakapaghanda ng sasabihin. Bakit ngayon pang kasama ang mapang-asar naming kaibigan? Niyang kaibigan. FO na nga pala. At bakit kasabay ng pagsisimula ng milestone sa buhay ko? Sign ba ‘to? Ng ano? Hay, Lea, stop. Stop assuming. Giving meaning. Overthinking. Just stop. Hindi dahil pinagkita ulit ng tadhana sa pamamagitan ng pasaway na kaibigan, may ibig sabihin na. Go back to reality.

“Ayun na ang blocmates ko,” sabi ko sa kanila pagdating namin sa theater.

“Aalis ka na?” tanong ni Mike, sabay tingin kay JC. Ni hindi man lang sumimple.

“Uhm… oo…” sagot ko. Hindi pa ba dapat? Mamaya ano pang maisip nitong si Mike.

“Sige, bye!” sabi ni Mike, sabay nakipag-apir sa akin at tumingin ulit kay JC.

Nginitian ako ni JC, kumaway, at parang nahihiyang sinabi, “Bye, Lea.”

“Bye,” kaway ko. Tumalikod ako at iniwan na sila. Gusto ko mang kalimutan ang pangyayaring ‘to, alam kong hindi mangyayari ‘yun. Siguro, iisipin ko na lang na kung ano man ang ibig sabihin ng pagkikitang ‘to, kung may ibig sabihin man, hindi ko pa ngayon malalaman.

ITUTULOY.

Literary (Submission): A Love Letter



To you,

Years have passed, times have changed, and I thought my feelings would too. You’ve taught me that feelings are not always right for someone can manipulate it. You’ve proven me wrong until this day. Before all this, before you... I was a song without a melody, a poem without a story. The word “love” wasn’t even in my dictionary. I never knew a four letter word would inspire me, motivate me, and would change me in more ways than one.

Love is happy, love is sad. Love can walk through the door anytime. Love is never sure at first but will eventually realize the truth. Love can be two-sided, but also unrequited. And in my life you are synonymous to love.

Every moment with you feels like I have all the time in the world to waste with you. Without you, I feel like time is slowly making me suffer. You’re the only one who understood me, through my problems and in the darkest of times. Without you, it feels like I'm lost in translation.

Love would also hurt much. There are no words that can describe the pain. There are times when memories hurt more than words, when remembering leaves the largest of scars. I couldn’t stop remembering, not what we were, but what we could’ve been.

Love could either be heartbreaking or that “kilig story” you’ve always wanted. But, love for me is regret. I keep remembering my tragedy. I keep to myself my thoughts on what we could’ve been. Like we could’ve been talking personally, sharing all the thoughts and stories. We could’ve been a couple as great and perfect as Romeo and Juliet. Though it’s too late now to be drowned in regrets, for memories stay the same and you couldn’t change a thing.

Love is the greatest cure for anything but also the simplest weapon of all. Love is my biggest regret but I don’t know why I keep repeating this mistake for there’s a feeling love gives that I just can’t let go of.

Literary (Submission): Sa Tuwina Naaalala Kita



Sa aking pagpasyal sa Maynila
Magagandang tanawin ang aking nakita
Mga gusaling kahanga-hanga
At mga obrang kay ganda

Noong una ako’y masaya
Nagliliwaliw at namamasyal pa
Ngunit nang sa isip ko’y sumagi ka
Nagbago ang aking nadama

Magkahalong saya at lungkot
Ang nararamdaman at sa aki’y pumaloob
Saya dahil ikaw ang nasa aking alaala
At lungkot kasi dito sa tabi ay wala ka

Pauwi na ako noon lulan ng tranvia
Nakaupo at nakadungaw doon sa bintana
Nang sa malayo bigla akong natulala
Sa kaiisip sa maganda mong mukha

Kahit sa hapag ikaw ang nasa isip
Mula sa ngiti mong panghimagas sa tamis
Hanggang sa pisngi mong mapula parang kamatis
Busog na ako sa kakaisip sayo nang labis

Magpahanggang sa aking pagpapahinga
Ang pagtawa mo ang naririnig ng tainga
Sa handog nitong himig na tila mula sa harmonika
Tiyak mahimbing ang tulog ko mamaya

Pati sa panaginip ako ri’y binisita mo
Doon ay lumapit ka at tinabihan ako
Ang labi mo’y paunti-unting lumalapit
Papalapit nang papalapit hanggang sa ako’y nagising, badtrip

Kahit ito’y nasa isip lang ako’y masaya na
May halong imahinasyon at iba’y alaala
Kahit na madalas ay di tayo nagkikita
Wala ka man sa paligid napangingiti mo naman ako nang sobra

Literary (Submission): Memory Lane



Writing about you, the one I love, is quite a feat, I must confess. I’ve written a great deal about love and all its intricacies; from its heartwarming innocence down to the gory, unforgivable bits of reality it ensues. Yet when I get the sudden urge to turn you into words - to break you down into literature - nothing comes out.

The words, the punctuations, and the tiny smudges of ink that cling to the end of each letter all become meaningless when stitched together for they prove to be insufficient - lacking in essence. My penmanship worsens as I struggle to fill each page with words worthy enough to describe you and all the things you make my uncertain heart feel. What is it about you that leaves me absolutely tongue-tied?

Is it the soft, gentle tone in your voice that arrests me and holds me captive long after we stop talking? Could it be that athletic build of yours; your perfectly sculpted figure that boasts to none? Is it the way your eyes light up when you talk about the things that excite you; these things that ignite your passions? Or is it perhaps the way you turn vulnerability into something beautiful when others would treat it as something to be ashamed of?

I guess if I were sure about something, it’s the fact that my memories of you are what I long to write most about.

I remember the way you’d gently pull my head towards your shoulder, as if giving me permission to lay there and doze off for a while. I can still feel your arms wrapped around me in an affectionate embrace while you whisper oh-so-few loving words that never fail to tease my senses. I recall the way our hearts would waltz with each other as our favorite ballad plays and how perfectly our love matched the beat of every song.

I go back to the times you said my name; the smooth, unrushed moments each syllable would escape your lips. I don't think I've heard anyone say it better than you.

Every single memory I have of you, each moment that I continuously dwell upon, remains engraved in the deepest corners of my mind. Why should I deprive the world of knowing someone as great as you, the one person who leaves me speechless by saying so little?

So here I am, pen in hand and you on my mind, together with a new-found eagerness to transform you into a masterpiece. It still challenges me to write about you though I’ve come to a point where I crave the blank spaces, untidy erasures, and trips down memory lane - a place I’m beginning to call home.

Literary (Submission): Bumabalik na Alaala



Sa simpleng pang-asar
Ako’y napapangiti
Sa tuwing ako’y kukulitin mo
Di ko magawang magalit,
At sa panahong kasama kita
Bawat minuto’t segundo aking sinusulit

Para bang alaala’y bumabalik
Na tila kahapon lang nangyari,
Parang tayo ulit
Kung saan mahal pa ang isa’t isa
At parang ikaw lamang
Ang mundong aking ginagalawan

Kay hirap maiwan sa nakaraang
Nilimot mo na
Kay sakit na makitang
Masaya ka na
At kay lungkot
Isa ka na lang na alaala

Literary: Sticky Notes



It’s funny what people choose to remember. Our mind, even when we don’t notice it, chooses what matters most to us. Something we know we will need in the future, becomes a memory. A little post-it in our brain that reminds us whenever we try to extract that memory we left behind. Yet sometimes, we try and try to tap into our brains, looking for those little sticky notes, but we end up blank.

No, it’s not even about ending up blank. It’s about never wanting to look back on those memories again. Like wanting to shove those sticky notes in a shredder and hope that everybody else has forgotten about your past, too. But never forget that life is full of opportunities for you to be happy. Recognize the superb memories like you remind yourself of the lousy ones.

Yet you, you remember all the pain you’ve been through and all the anguish in you. Is it too much to ask for you to remember all the joy in the world? Is the idea of the universe being so gargantuan and celestial not enough for you? You dream of sleeping with the stars and the sky as your kingdom, yet you forget that this wondrous world is open for you to explore.

Your despair will only limit what you can achieve in this brilliant world. Take the memories; the good, the not-so-good, and the great. Make them bow to your will and shape them. Make your own stars and make this world your kingdom. Then the Earth will thank you for the memories you've left behind for generations to come.

If you are still not convinced, I could fill a hundred post-its right now. Every single one would remind you to remember how amazing life is when you start living it.

Literary: Old Building



Sa labing apat na tambayan
Sa mga masisikip na koridor
At kay Aling Norms na tindahan
Lahat tayo ay nagtawanan
Alaala ito ng kasiyahan

Mga ensayo para sa paligsahan
Mga break- up ng mga magkasintahan
Lahat tayo ay nagdamayan
Alaala ng kabigua’t kalungkutan

Ang mga malalawak na damuhan
Mga estudyanteng nagtatakbuhan
Umaraw man o umulan
Alaala ng ating mga kulitan

Mga istatwa kahit saan
Mga kwentong horror at kababalagahn
Lahat tayo’y natakot at kinabahan
Alaala ito ng hiwaga’t katatakutan

Sa dating gusali ng paaralan
Nabuo mga pangakuan
Tayo’y nagkatuwaan at nag-iyakan
Napakaraming alaala na kaysarap
Balik balikan.

Literary: That Thing Called Alaala



… Kapag tinawag ka niya sa pangalan mo,
At ‘ di mo mapigilang ngumiti

… Kapag nagkatitigan kayo, at babalik sa iyo
Ang lahat ng nangyari dati

… Kapag bigla siyang humingi ng tawad
At mapupuno ng luha ang iyong mga mata

… Kapag ipipikit mo ang mga ito
At ang una mong maririnig ay boses niya

… Kapag nahanap mo ang dapat sana’y
kakalimutan mo na

…Kapag, sa kabila ng lahat, at dahil sa lahat ng nangyari sa inyo,
Alam mong napatawad mo na siya.

Literary: Naaalala Kita



Araw-araw kong iniinda
Nakaririnding paggising ng aking ama’t ina
Ngunit aking naalala
“Oo nga pala! Kailangan pa kitang makita”

Nang makita ko ang almusal
Sa tocino naalala ko, mapupulang labi mo
At tamis ng iyong ngiti, parang hot choco

Sa aking pagligo, sabon ay nadulas
Parang noong napatid ako sa aking sintas
At mga salitang “gusto kita”, sa harap mo’y binigkas

Bago umalis ay sinigurado ko
Na ako’y mabango at gwapo
Para maging presentable pag nagkita tayo

Nagmamadali, sa bus ay sumakay
Dahan-dahan ang daan ay binaybay
Simbagal noong pasimple akong sayo’y umakbay

Sa turo ng guro, naalala kita
Nakakaantok man, masarap sa tainga
Parang iyong himig, habang ika’y kumakanta

Mula sa malayo, natanaw ko ang pila sa canteen
Mahaba man ito ay akin pa ring susuungin
Tulad sa’yo, lahat ay handang harapin

Sa aking pag-uwi ay dumaan ako sa eskinita
At sa aking itaas, mga bituin ay nakita
Kumikislap-kislap gaya ng iyong mga mata

Bago ko ipikit ang aking mga mata
Hanggang sa ako’y nananaginip na
Ikaw at ikaw pa rin ang sa isip ko’y nagmamarka

Literary: Hanggang Kailan



Iiipit kita sa pagitan ng pahina ng libro
Kagaya ng bulaklak na ibinigay mo noong gabing magkasayaw tayo
Ayaw mong bitawan ang mga kamay ko,
Na parang nais mo’y makasama ako hanggang dulo.

Itatago kita sa malamig na lugar,
Para buhay mo’y mapatagal.
Ipepreserba, tulad ng mga bagay na kay halaga,
Upang sa paglipas ng panahon ay hindi mawala.

Itatago kita na parang isang larawan na maya’t maya ay tititigan.
Iingatan, pupunasan ang salamin ng bastidor.
Ipapatong sa aking mesa,
Magsisilbing aalala ng una tayong nagkita.

Pero hindi.
Sana nga’y puwede kong magawa.
Sana nga kaya kong gawing maitago ka.
Sana nga ay kaya ko.

Pero hindi.
Hindi kita maitatago magpakailanman,
Darating ang araw na magsasawa ka sa iyong kinalalagyan.

At kapag dumating ang panahong iyon,
Tulad ng mga bulaklak at larawan,
Ika’y magiging bahagi na lamang ng aking nakaraan.

Literary: Not Even a Memory



In your eyes
I am searching
For remnants
Of us and our reality

Your stare
Begs me to question
If I ever had
A place in you

Because all I see
In place of those eyes
That gazed at me
Are dark and empty holes

I would rather
You look at me with disdain
Than with that blank
And stony stare

I would rather
You treat me with scorn
Than with this apathy
You slap hard in my face

For in these I would know
That I once meant
Something
To you

In these I would know
That I am more
Than just an occurrence
To you

Why am I
The only one
Left haunted
By our memories?

The unfairness is undeniable
I, alone, am shattered
When not even a wisp
Of you is stained

Literary: Fourget



Four Steps to Forget

Step 1: Think of the things you hate about her.

Think of her pretty eyes that always cry,
Her pink lips that lie,
Her small ears that never listen,
And her acts that left you sad and broken.

Think of her mood swings that keep you up at night
Thoughts that make you wonder if she’s still alright
Think of everything she always complains about
She's the type of girl who will drive you insane

Step 2: Remember the things that made you feel bad.

Remember when you were not appreciated,
The other guys she secretly dated,
All the promises she broke,
All the secrets she never told.

Remember when she always had a doubt.
Does she even thank you whenever you take her out?
All the bad memories she left you
That she can never undo.

Step 3: Think of the things she won't do for you.

She won't make you feel unique.
She won't take care of you when you’re sick.
She won't celebrate holidays with you.
She won't say "I love you too."

She won't ask you how you feel.
She doesn't even care if it’s real.
All that matters to her is her ego,
So now it’s time to let her go.

Step 4: Realize that you love her so much and you can't forget her.

Even though she never appreciates you,
Even though she always annoys you,
Even though there are a lot of reasons to forget her,
She's still the girl you'll remember forever.

Literary: Karugtong ng Nakaraan



"Naaalala mo pa ba?
Noong tayong dalawa ang unang magkita"

Isang araw sa isang silid-aralan
Ikaw ay aking napansin at pinagmasdan
Nag-aalangan pa ako noon na ikaw ay lapitan
Naglakas ng loob, kinausap, at nakipagkulitan
Hanggang sa tayo ay naging magkaibigan.

"Panahon ng kamusmusan
Sa piling ng mga bulaklak at halaman"

Sa pagdaan ng mga araw na tayo ay magkasama
Kaligayahan ko na ang makita kang masaya
Pagdaan ng mga oras ay hindi na namalayan pa
Damdamin ko sa iyo ay hindi ko mawari
Tila sa iyong kagandahan ay unti-unting nabighani.

"Natatandaan mo pa ba
Inukit kong puso sa punong mangga"

Ang hardin ng paaralan ay naging saksi ng ating pagkakaibigan
Atin pang napagkatuwaan na sa puno ng Ilang-Ilang
Mga pangalan natin doo’y nakadibuho - magkadugtong ang umpisa at dulo
Wari ba ang ibig sabihi’y relasyon natin ay walang katapusan
Pangakong hindi maghihiwalay magpakailanman.

"Sa paglipas ng panahon
Bakit kailangan ding lumisan?"

Magkasamang nagbuo ng mga pangarap
Parang mga kastilyong binuo sa ulap
Subalit minsan ang tadhana ay masamang magbiro
Pilit pinaghihiwalay ang dalawang tao
Na nagdudulot ng pighati sa kanilang puso

"Ngayon ikaw ay nagbalik
At tulad ko rin ang iyong pananabik"

Isang araw, muling nagkita mga pusong nangulila
Noon natin napagtanto na ang ating relasyo’y
Masasabing tamang pag-ibig sa maling panahon
Subalit ngayon ay binigyan ng pagkakataon
Upang ipagpatuloy ang naudlot na pagmamahalan.

"Pana-panahon ang pagkakataon
Maibabalik ba ang kahapon?"

Literary: Not Your Typical Cinderella Story



It was 2 in the afternoon
When the news spread
In a snap, the whole town knew
That you'd be having a ball
And that you were in search
Of a girl that would best suit you
I knew, in that very moment,
That it was me you were looking for.

Just a few more hours of waiting,
And I'd be seeing you
I did my best to look good for you
And as I entered the hall
I couldn’t stop myself from looking
At you

The world stood still
When you walked towards me
I smiled at you and you smiled back
At her
You held her hand
And asked her for a dance

You both looked so happy,
Dancing your heart out
But the clock struck twelve
And she ran as fast as she could
Away from you

Days passed
But you were still looking for her
With that shoe she left
You've searched every household
Just to find the girl who left you

I did everything I could
To fit my foot in that little shoe
But then reality slapped me and said,
"It’s bad to try and fit in
In a world that's not meant for you."

It's funny that until now,
Every night, before I go to sleep
I still wish for a fairy godmother
I still wish for size 7 feet
I still wish to be her

But I keep reminding myself
That you're just a dream
I won’t be able to reach
And you're just a memory
I’m always going to keep
Because at the end of the day,
I’m still Anastasia,
And I will never be your Cinderella.

Literary: Where in Time



Universe 33:

She is sitting in the very place I am in now,
Drinking coffee and tapping on the wooden desk
Placed against the frosted glass window
While she is waiting for me to come home.

Universe 7–b:

We are in front of the TV
She is leaning on me and telling me stories of Denmark,
The Pomeranian dog I know and love
Who we brought home yesterday
Instead of two years ago.

Universe Aria 2nd:

Deep Conversations – In this universe, (west line)
We are on a bench in the park
People call her Catherone instead of Catherine
This was supposedly a story which she told me
On our first date –
That on the day of her birth,
The midwife rushed
And wrote an O instead of I.
But I wouldn’t mind either way
As long as she is the same love I know

Universe One :

Or as I like to call it
Home
I am writing down these thoughts
On the wooden desk by the window
While wondering why
Of all the universes in this time and space woven dimension
I was in the universe where she had to expire.

**This is a pre-recorded oral report
From a patient diagnosed with UDD-725,
An unknown genetic mutation
Which causes people to be “Dimension Leapers”
A term coined for people who are able
To see multiple universes at a time,
And we are able to process them as alternate memories.

We observed emotional distress on the subject monitored.

Literary: Alaala ng Nakaraan



Mga alaala na aking babalik-balikan. Mga panahon at oras na aking aalahanin at tatandaan. Mga litratong aking pagmamasdan. Isang simbolo ng ating pagmamahalan- ng ating samahan. Pati na rin ang unang beses mong ako’y sinabihan ng “mahal kita” hanggang sa “ayoko na. Tama na.” Hinding-hindi malilimutan ang mga binitiwang salita. Mula sa pagpapatibok ng aking puso hanggang sa pagkadurog nito.

Kay hirap kalimutan ang lahat ng iyon. Laging nasa isipan ko ang mga simula ng masasayang panahon. Simula sa pinakamatamis mong “oo” na napakasarap pakinggan ang salitang pinaka di malilimutan. Isama na rin ang buwan-buwan at taon-taon na ating pinaghahandaan. Di rin malilimutan ang mga pagkakataong nagkakaroon tayo ng mga alitan. Malimit na di maiiwasan pero ito ang nagbibigay nagpapatibay sa ating samahan.

Kay hirap kalimutan ang lahat nang iyon. Laging nasa isip ko kahit pinipilit na itago sa dulo ng aking isipan. Ang pangyayaring iyon na nauwi sa isang hiwalayan. Mga salitang tumatak sa aking isipan. Mga salitang tandang tanda pa. “Minahal kita. Nasaktan kita ng di sinasadya. Pero kailangan kong gawin ito. Patawad at hanggang sa muli.” Hinding-hindi malilimutan. Masakit mang pakinggan at mahirap limutin. Ito ay aking susubukin.

Hanggang ngayon di pa rin naghihilom ang mga sugat ng nakaraan. Pero ito pa rin ako naghihintay at umaasang muling babalikan.

Literary: Anywhere but Home



I used to remember when family used to be about "us"
When "breakfast" meant waking up early,
watching Dad cook and helping Mom set the table.
I don't remember when it became chilly mornings,
waking up to the noise of an alarm clock,
eating breakfast alone, leaving the house without a goodbye.
I wonder how fast "family" became just "me".

I used to remember when family used to be about "connection",
When "car rides" meant hearing the sound of cheery laughter
As we talk the hours away, telling of old stories and new adventures.
I don't remember when it became stiff journeys,
Preferring solitude over companionship in a car full of people,
breathing in the smoke of awkward silence.
I wonder how fast "family" lost its spark.

I used to remember when family used to be about "love",
When "going home" meant being greeted at the door
With a warm hug and a comforting demeanor.
I don't remember when it became cold looks,
Leaving the door open, ready for anyone to just walk out,
Taking in the emptiness of a house that looms over our bodies.
I wonder if I can still call this house a "home".

Literary: Ako



Unti-unting nakalimot,
Ikaw na lumikha sa akin.
Tila balewala lahat ng ating mga sandali
Sa paglipas ng mga taon,
Sa pagdaan ng panahon.
Ako’y iyong tuluyang
Nilisan at tinalikuran.

Bakit?
Halina’t iyong balikan.

Hindi maaaring tuluyang limutin,
Hindi dapat tuluyang limutin,
Nag-aalab na damdamin.
Ating mga nag-alab na damdamin,
Mga noo’y nag-aalab na damdamin,
Sikapin mo man lang na alalahanin,
Upang muling handugan,
Kahit kaunting damdamin man lamang.

Bakit?
Subukan mong isipin nang malalim.

Hukayin sa pagkakabaon,
Ibalik sa iyong panahon,
Buhayin mong muli,
Kahit sandali.
Ipikit ang mata,
Muling sulyapan,
Ang ating mga nakaraan.

Ako na iyong
Nilimot na alaala.

Literary: Ikaw



Sumasakit ang ulo ko
Kapag naaalala kita
At kung bakit ko pa ibinigay
Ang aking pangalan

Sumisikip ang dibdib ko
Sa tuwing naiisip kita
At kung paano ko ibinigay
Ang aking “oo” at pagsinta

Nanginginig ang aking kamay
Kapag naaalala kita
At kung paano mo kinuha
Ang aking lakas at oras

Napupuwing ang aking mata
Sa tuwing nakikita kita
At kung paano mo itinapon
Ang lahat nang ganoon at basta-basta

O, kay daming alaala
Sa aking isipan
At sa lahat ng iyon
Ay may isang sana ay di ko na muling maalala
Ikaw.

Literary: Journal



My favorite book is the journal where I keep the memories we shared. It’s the one book I will always flip back to the first page and read all over again. It’s the one book I will always carry with me just in case I have free time to read. It’s the one book that makes me laugh out loud and cry so hard.

I never seem to get sick of remembering all the times I’ve spent with you. All the times we walked along that pathway on the park just before we get to your house. All the times we kept battling Sugarman in X-Men Legends II: Rise of Apocalypse because Storm and Magneto kept dying and we had no idea how to use Iceman and Scarlet Witch. And yes, of course I remember that time we finally defeated him and Apocalypse, too. All the times we both ran out of money because of buying coffee and watching movies. All the times that we would take so many pictures with you making funny faces and me just staring at you judgingly for it.

I will never forget you. The way your cheekbones become so round and full whenever you laughed. The way your nose crinkles when you’re disgusted. The way your voice resonates whenever you sung to me. The way your body gracefully moves to the beat of the music when you danced for me. The way you held my hand whenever I needed you. I will never forget your eyes, your smile, your laugh. Everything. I will never forget you.

I wrote down every single great and happy memory I have of you. I filled a whole book with you and me. And I will always treasure it and everything in it. I will keep it in my heart as I will keep you.