emanon,

Literary: Naaalala Kita

9/10/2015 09:07:00 PM Media Center 0 Comments



Araw-araw kong iniinda
Nakaririnding paggising ng aking ama’t ina
Ngunit aking naalala
“Oo nga pala! Kailangan pa kitang makita”

Nang makita ko ang almusal
Sa tocino naalala ko, mapupulang labi mo
At tamis ng iyong ngiti, parang hot choco

Sa aking pagligo, sabon ay nadulas
Parang noong napatid ako sa aking sintas
At mga salitang “gusto kita”, sa harap mo’y binigkas

Bago umalis ay sinigurado ko
Na ako’y mabango at gwapo
Para maging presentable pag nagkita tayo

Nagmamadali, sa bus ay sumakay
Dahan-dahan ang daan ay binaybay
Simbagal noong pasimple akong sayo’y umakbay

Sa turo ng guro, naalala kita
Nakakaantok man, masarap sa tainga
Parang iyong himig, habang ika’y kumakanta

Mula sa malayo, natanaw ko ang pila sa canteen
Mahaba man ito ay akin pa ring susuungin
Tulad sa’yo, lahat ay handang harapin

Sa aking pag-uwi ay dumaan ako sa eskinita
At sa aking itaas, mga bituin ay nakita
Kumikislap-kislap gaya ng iyong mga mata

Bago ko ipikit ang aking mga mata
Hanggang sa ako’y nananaginip na
Ikaw at ikaw pa rin ang sa isip ko’y nagmamarka

You Might Also Like

0 comments: