crisostomo ibarra,

Literary (Submission): Sa Tuwina Naaalala Kita

9/10/2015 09:31:00 PM Media Center 0 Comments



Sa aking pagpasyal sa Maynila
Magagandang tanawin ang aking nakita
Mga gusaling kahanga-hanga
At mga obrang kay ganda

Noong una ako’y masaya
Nagliliwaliw at namamasyal pa
Ngunit nang sa isip ko’y sumagi ka
Nagbago ang aking nadama

Magkahalong saya at lungkot
Ang nararamdaman at sa aki’y pumaloob
Saya dahil ikaw ang nasa aking alaala
At lungkot kasi dito sa tabi ay wala ka

Pauwi na ako noon lulan ng tranvia
Nakaupo at nakadungaw doon sa bintana
Nang sa malayo bigla akong natulala
Sa kaiisip sa maganda mong mukha

Kahit sa hapag ikaw ang nasa isip
Mula sa ngiti mong panghimagas sa tamis
Hanggang sa pisngi mong mapula parang kamatis
Busog na ako sa kakaisip sayo nang labis

Magpahanggang sa aking pagpapahinga
Ang pagtawa mo ang naririnig ng tainga
Sa handog nitong himig na tila mula sa harmonika
Tiyak mahimbing ang tulog ko mamaya

Pati sa panaginip ako ri’y binisita mo
Doon ay lumapit ka at tinabihan ako
Ang labi mo’y paunti-unting lumalapit
Papalapit nang papalapit hanggang sa ako’y nagising, badtrip

Kahit ito’y nasa isip lang ako’y masaya na
May halong imahinasyon at iba’y alaala
Kahit na madalas ay di tayo nagkikita
Wala ka man sa paligid napangingiti mo naman ako nang sobra

You Might Also Like

0 comments: