bella swan,
“Bespren! Malelate ako. Sorry! Huhu. Una ka na ha. Kita na lang tayo dun.”
Hay. Siyempre late na naman si Mica. Sabi ko nga. Inexpect ko naman. Pero umasa pa rin kasi akong may makakasabay papuntang freshie welcome assembly. Lalo tuloy akong di mapakali. Kinakabahan kasi ako. Like super kaba. Ngayon mas lalo pa. Yung naninikip-ang-dibdib-parang-hihimatayin na klase ng kaba. Sino ba namang hindi?
Eleven years. Eleven years na alam ko kung sinong aabutan ko sa school sa unang araw ng klase. Alam ko kung kanino ako sasama, kung saan ako kakain pag lunch o tatambay pag may free time. Alam ko kung anong gagawin.
Eh ngayon, wala akong alam. Mangangapa ako. Ilang beses kong hiniling na tumigil muna ang oras. Balik muna sa nakaraan. Hindi pa ako ready. Kahit pa sabihing halos sa UP na ako lumaki. Kahit pareho kaming nasa Diliman ni Mica, kahit pa may mga ka-batch ako na kapareho ko ng course. Iba pa rin ang college. COLLEGE! Wah!!! Big word. Big world. Hay.
Kaya normal naman sigurong kabahan. Pero okay. Inhale. Exhale. Isa-isa lang. Ito munang assembly. Ayoko talagang pumunta mag-isa. Mukha naman akong kawawa pag dumating ako dun alone. Sino kayang masabayan?
Hmmm… text ko nga si Alice. “Lea! Umattend na ko kaninang umaga eh. :)”
Oo nga pala. Si Luis na lang. Tagaaaaal magreply. Tapos… “Huh? Ngayon ba yun?”
Hay naku! Sino pa ba? Ah! Alam ko na! Si Mike! “Papunta ka na ba sa Theater? Sabay tayo,” text ko sa kanya.
“Sure bb. HAHA.” Kainis. Pero ayan! May kasabay na ako! Bago pa ako maka-reply para tanungin kung saan kami magkikita, may dumating na text niya: “Lunch muna ko sa Coop. Text ka na lang.”
“Yey! Ok. Punta na lang ako diyan. Sinong kasama mo?”
“Wala. :)”
“Ok. Kita tayo sa may shed.”
Tinext ko agad si Mike pagdating ko sa Shopping Center. Mga 10 minutes na siguro akong naghihintay nang may natanaw akong naglalakad papunta sa Shopping dun sa may kanto ng Infirmary. Bumalik ang kaba ko. Ang sobrang kaba ko. Kasi alam kong si Mike yun at… at… may kasama siya. At kahit ilang taon ko na siyang hindi nakikita sa personal… Sa hawas ng mukha, sa buhok, sa tindig, sa lakad, sa kilos… kahit sa may kalayuan, hindi ako pwedeng magkamali.
Si JC ang kasama niya. Si JC na best friend niya. Na kaklase ko ng apat na taon sa elem. Na naging kaibigan ko at naging crush ko. Na laging tinutukso sa akin. Na hindi na masyadong lumalapit at nakikipag-usap mula noong asarin kami. Na lumipat ng school. Na huli ko pang nakausap noong summer bago mag-high school. Na akala ko nakalimutan ko na at sigurado akong nakalimutan na ako.
Tinext ko agad si Mike: “San ka na?” Malamang hindi magrereply pero sunod-sunod pa rin ang sinend ko.
“Wala ka ba talagang kasama???”
“Sabi mo mag-isa ka lang!”
“HOOOYYY!!!”
“UGHHHH. Una na ako.”
At lalakad na talaga ako paalis nang may kumalabit sa balikat ko. “Uy, Lea!” sabi ni Mike na para bang nagpipigil ng tawa. Wala na akong choice! Kailangan nang humarap at tumingin sa kaniya. Sige na nga. Baka naman mag-isa talaga siya at baka guniguni ko lang ‘yon. Pero… hindi eh. Ayun siya sa likod ni Mike. In the flesh.
“Hi,” sabi ko sa kanila, sabay ngumiti ng tipid. Nakita kong ngumiti rin si JC bago nagsalita si Mike.
“Papunta ka na bang Theater?” tanong niya. Pinili ko nang hindi sumagot at pinandilatan ko na lang siya. Sana naintindihan niya na ang ibig sabihin nun ay: “Oo! Di ba nga tinext kita na sabay tayo? Sabi mo wala kang kasama! Hay naku ka naman talagang Mike ka! Ano bang pumasok diyan sa isip mo?”
“Sabay ka na sa amin ni JC,” patuloy ng pa-inosenteng si Mike. “Kilala mo pa naman si JC di ba?” Gustong-gusto ko siyang irapan. Oo, Mike. Alam mo naman di ba? Pero inisahan mo ko. “Ah, ok,” na lang ang naisagot ko.
“Tara na!” excited na sabi ni Mike. “Baka ma-late pa tayo,” dagdag niya bago tumalikod sa amin at nauna nang lumakad.
Nagkatinginan kami ni JC at nakita ko rin sa mukha niya ang pagtataka sa pinaggagawa ng kaibigan niya. Parang nagkibit siya ng balikat at humakbang palapit sa akin. Nagsimula na rin akong maglakad. Siguro nauuna lang ako ng kalahating hakbang kay JC. Tamang bilis lang para hindi kami sabay na sabay. Kasi… ang awkward. Sooobrang awkward.
Pero si Mike… si Mike! Nung una mga limang hakbang lang ang lamang niya sa amin. Pero pag binibilisan namin ang lakad para mahabol siya, MAS BINIBILISAN PA NIYAAAAA. Iniiwan niya talaga kami ni JC! Loooord! Ano po bang parusa ito? Bakit ba naghanap pa ako ng kasabay? Alam ko rin pong hinihiling kong bumalik muna sa nakaraan pero hindi ko naman akalain na ganito ka-throwback, ano po. Hindi na po talaga ako uulit!
Paano nang gagawin ko ngayon? Hindi ko talaga option yung mauna akong makipag-usap eh. Maglalabas na ba ako ng libro? Weird. Tsaka baka matapilok pa ako. Mag-earphones na lang kaya ako? Ang rude naman yata. Alam ko na….
Nakatingin lang ako sa sapatos ko habang naglalakad hanggang sa nag-vibrate ang phone ko. Text. Galing kay Mike. “Usap naman diyan! :)”
“CHE!” mabilis kong reply. Nakuuu. Maka-survive lang ako sa paglalakad na ‘to, lagot kang Mike ka!
“Kausapin mo naman.”
“Ako ba talaga Mike? EWAN!”
“Tingin ka lang sa kanya sandali.”
“Bahala ka. FO na tayo!”
“Dali na! Nakita ko sinusulyapan ka. :)”
“WEH.”
“Tatlong beses na!”
Hindi ko napigilan. Mabilis akong tumango para itago ang ngiti ko na mabilis ko ring inalis. Sinabi ko sa sarili ko na walang ibig sabihin yun. Malamang titingnan niya ko kasi ang tagal naming di nagkita. Hindi ibig sabihin gusto niya kong kamustahin o kausapin o kwentuhan. Katulad ng dati. Kaya, oops, stop!
Pero hindi ko pa rin mapigilang magnakaw ng tingin sa kanya. Parang wala namang masyadong pinagbago si JC. Ganun pa rin ang aura niya. Mukhang seryoso pero maloko. Marami akong gustong itanong at sabihin kaso hindi ko alam paano sisimulan. Likas akong mahiyain at sa mga ganitong sitwasyon, hindi ko talaga alam ang gagawin. Alam niya naman yun. Dati. Kaya sana… sana… mauna siyang magsalita. Kaso naabutan na namin si Mike, na sa wakas ay tumigil maglakad para makahabol kami, wala pa ni isang salitang namamagitan sa amin.
“Nagmamadali ka ba, Mike?” naiinis kong tanong.
“Oo eh, baka ma-late tayo,” nakangisi niyang sagot.
“Brad, relax lang. Wala namang humahabol sa ‘tin,” pabirong sabi ni JC.
“Hahaha. Okay! Let’s go!” At naglakad na si Mike. Ng naaaaaaaaaaapakabagal. Yung tipong bumibilang ng 10 seconds kada hakbang. Hihintayin munang magkatabi kami ni JC bago humakbang ng kasunod.
“Wala na bang ibibilis yan?” sabay naming nasabi ni JC. Nagkatinginan kami at napangiti sa isa’t isa.
“Ay! Akala ko wag magmadali,” tumatawang sagot ni Mike. “Naisip ko kasi, mga kaibigan, na tama kayo. Hindi naman talaga dapat madaliin ang mga bagay-bagay. Pero dapat may masimulan. Kahit medyo mabagal, basta magsimula.”
Mike! Diyos ko! Ano bang pinagsasabi mo diyan? Pero gets ko kaya bago pa siya makahirit ulit sinabi ko, “Tama! Halika na. Magsimula na tayong maglakad ng SABAY-SABAY.”
Buti na lang di na pumalag si Mike. At buti na lang makwento siya kaya walang dead air. Nakikinig ako sa mga hiritan nila, sumasagot pag tinatanong, at nakikitawa pero sa loob-loob ko, iniisip ko kung bakit sa dami ng araw na pwede kaming magkita ulit ni JC, ngayon pa talaga.
Bakit ngayon pang hindi inaasahan? Wala man lang warning! Di man lang ako nakapaghanda ng sasabihin. Bakit ngayon pang kasama ang mapang-asar naming kaibigan? Niyang kaibigan. FO na nga pala. At bakit kasabay ng pagsisimula ng milestone sa buhay ko? Sign ba ‘to? Ng ano? Hay, Lea, stop. Stop assuming. Giving meaning. Overthinking. Just stop. Hindi dahil pinagkita ulit ng tadhana sa pamamagitan ng pasaway na kaibigan, may ibig sabihin na. Go back to reality.
“Ayun na ang blocmates ko,” sabi ko sa kanila pagdating namin sa theater.
“Aalis ka na?” tanong ni Mike, sabay tingin kay JC. Ni hindi man lang sumimple.
“Uhm… oo…” sagot ko. Hindi pa ba dapat? Mamaya ano pang maisip nitong si Mike.
“Sige, bye!” sabi ni Mike, sabay nakipag-apir sa akin at tumingin ulit kay JC.
Nginitian ako ni JC, kumaway, at parang nahihiyang sinabi, “Bye, Lea.”
“Bye,” kaway ko. Tumalikod ako at iniwan na sila. Gusto ko mang kalimutan ang pangyayaring ‘to, alam kong hindi mangyayari ‘yun. Siguro, iisipin ko na lang na kung ano man ang ibig sabihin ng pagkikitang ‘to, kung may ibig sabihin man, hindi ko pa ngayon malalaman.
ITUTULOY.
Literary (Submission): Hakbang (Part 1)

0 comments: