filipino,

Literary: Hanggang Kailan

9/10/2015 09:03:00 PM Media Center 0 Comments



Iiipit kita sa pagitan ng pahina ng libro
Kagaya ng bulaklak na ibinigay mo noong gabing magkasayaw tayo
Ayaw mong bitawan ang mga kamay ko,
Na parang nais mo’y makasama ako hanggang dulo.

Itatago kita sa malamig na lugar,
Para buhay mo’y mapatagal.
Ipepreserba, tulad ng mga bagay na kay halaga,
Upang sa paglipas ng panahon ay hindi mawala.

Itatago kita na parang isang larawan na maya’t maya ay tititigan.
Iingatan, pupunasan ang salamin ng bastidor.
Ipapatong sa aking mesa,
Magsisilbing aalala ng una tayong nagkita.

Pero hindi.
Sana nga’y puwede kong magawa.
Sana nga kaya kong gawing maitago ka.
Sana nga ay kaya ko.

Pero hindi.
Hindi kita maitatago magpakailanman,
Darating ang araw na magsasawa ka sa iyong kinalalagyan.

At kapag dumating ang panahong iyon,
Tulad ng mga bulaklak at larawan,
Ika’y magiging bahagi na lamang ng aking nakaraan.

You Might Also Like

0 comments: