Showing posts with label him. Show all posts
Feeture: Tigidig
“Tigidig-tigidig,” ang sabi ng kabayo.“Tigidig-tigidig,” and sabi ng mukha mo ... joke lang.
Ang maliliit na mala-bulkan na tighyawat ay nakaiiriting tignan para sa ilan. Kadalasang lumalabas ang mga ito sa mga nagbibinata at nagdadalaga, at sa tuwing dinaratnan ang mga babae ng buwanang dalaw. Kung anu-ano ang ginagawa nila upang matanggal ito sa kanilang mga mukha.
Kutkot dito, kutkot doon sa tuwing nakikita nila ito sa kanilang magaganda at guwapong mga mukha, naiirita sila kaya pilit nilang tinatanggal ito.
Mga nagmamantika, marumi, at magagaspang ang ilan sa mga katangian ng mga mukhang mayroong tigidig. Upang maiwasan ang pagkakaroon nito, ugaliing maghilamos lagi para matanggal ang dumi, magpulbo rin lagi para di magmantika ang mukha, at kapag magpupunas ng mukha, dampi-dampi lang at dahan-dahan upang di magasgasan at maging magaspang.
Hindi maganda ang pagkakaroon ng tigidig kaya huwag nang tamarin sa pagsunod sa aming mga paalala. Ang ilang minutong iyong igugugol sa pagkalikot/pagtanggal ay maaring katumbas ng ilang linggong pagdurusa. ● nina Him at Mango Curl
Literary: Sana Hindi Na Lang
Maagang natapos ang aming klase kaya naman nagpasya akong pumunta muna sa library upang tumambay at gumawa ng mga takdang-aralin. Gaya ng kinagawian, ibinaba ko muna ang aking mga gamit at naghanap ng aking mga kakailanganin. Sa aking pagmamadali, hindi ko namalayang may lalaki palang naka-itim na jacket na natutulog sa pagitan ng mga estante kasama ng mga libro. Ang mahinang ingay ng aking mga hakbang ang gumising sa kanya. Sa kanyang pagdilat nakita ko ang kanyang nagniningning na mga mata. Ang mga ito'y bumabagay sa kanyang makinis na mukha at mapupulang labi.Matapos ang ilang sandaling pagkatulala, muli akong bumalik sa aking kinauupuan. Mula roon, hindi ko maiwasang hindi tumingin sa kanyang natutulog na mukha. Nakasandal siya sa isang estante at siya'y nakahalukipkip.
Subscribe to:
Posts (Atom)
Welcome
Welcome to Ang Aninag Online!
This is the official blogsite of the UPIS Media Center. Check in every now and then to be updated with the latest UPIS news.
Look into the literary compositions and go through the creative works of various students.
Enjoy and don't forget to leave a comment.
This is the official blogsite of the UPIS Media Center. Check in every now and then to be updated with the latest UPIS news.
Look into the literary compositions and go through the creative works of various students.
Enjoy and don't forget to leave a comment.



