DiMaAninag,

Feeture: Tigidig

10/03/2012 07:14:00 PM Media Center 0 Comments

“Tigidig-tigidig,” ang sabi ng kabayo.

“Tigidig-tigidig,” and sabi ng mukha mo ... joke lang.

Ang maliliit na mala-bulkan na tighyawat ay nakaiiriting tignan para sa ilan. Kadalasang lumalabas ang mga ito sa mga nagbibinata at nagdadalaga, at sa tuwing dinaratnan ang mga babae ng buwanang dalaw. Kung anu-ano ang ginagawa nila upang matanggal ito sa kanilang mga mukha.

Kutkot dito, kutkot doon sa tuwing nakikita nila ito sa kanilang magaganda at guwapong mga mukha, naiirita sila kaya pilit nilang tinatanggal ito.

Mga nagmamantika, marumi, at magagaspang ang ilan sa mga katangian ng mga mukhang mayroong tigidig. Upang maiwasan ang pagkakaroon nito, ugaliing maghilamos lagi para matanggal ang dumi, magpulbo rin lagi para di magmantika ang mukha, at kapag magpupunas ng mukha, dampi-dampi lang at dahan-dahan upang di magasgasan at maging magaspang.

Hindi maganda ang pagkakaroon ng tigidig kaya huwag nang tamarin sa pagsunod sa aming mga paalala. Ang ilang minutong iyong igugugol sa pagkalikot/pagtanggal ay maaring katumbas ng ilang linggong pagdurusa. ● nina Him at Mango Curl

You Might Also Like

0 comments: