dara lilang,
Kahit na sinabing "Keep off the Grass," hindi natinag ang mga kalahok ng Team Bacon na sina Ken Cabugwang, Caila Cadiz, Carlos Laderas at Joev Guevarra at ng Team RefCake na sina Maverick Abac, Julia Reyes, Gabriel Brian at Aaron Feliciano.
Nag-iisang binibitbit ng palumpalong laro ni Cadiz ang kanyang koponan ngunit pinuputol lamang ni Brian ang mga palo mula sa Team Bacon.
Naging sobra-sobra-sobrang dikit ang laban ngunit dahil handang isubsob ni Laderas ang kanang mukha sa putikan makuha lamang ang bola, umangat ang depensa ng Team Bacon.
Unti-unting nawalan ng gana ang dalawang koponan dahil kahit anong gawin nila ay walang nananalo sapagkat walang nagbibilang ng puntos.
Sa huli, nag-one-on-one na lamang sina Cadiz at Brian kung saan nanalo ang huli by unanimous decision dahil lamang na lamang siya sa depensa. ● nina Trizia Badong, Dara Lilang
Izportz: Volleyball sa damuhan, nauwi sa one-on-one
Dalawang koponan mula sa grado 7 ang nagtuos sa Volleyball noong Setyembre 27 sa ganap na ika-2:45 ng hapon sa UPIS Quadrangle.Kahit na sinabing "Keep off the Grass," hindi natinag ang mga kalahok ng Team Bacon na sina Ken Cabugwang, Caila Cadiz, Carlos Laderas at Joev Guevarra at ng Team RefCake na sina Maverick Abac, Julia Reyes, Gabriel Brian at Aaron Feliciano.
One-on-one. Ang mainit na labanan sa pagitan nina Caila Cadiz at Gabriel Brian. (c) T. Badong, D. Lilang, S. De La Paz |

0 comments: