ada bayobay,

TRESEkel

10/03/2012 08:07:00 PM Media Center 0 Comments

Ang Tresekel ay isang kuwento na ginawa ng #MChika 2013 staff bilang kanilang creative writing project.

Ang mga tauhan at mga pangyayari ay pawang kathang isip lamang. Hindi hango sa tunay na buhay o karanasan. Ang anumang pagkakahawig sa tunay na buhay ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. Walang bahagi ng kuwentong ito ang maaring ilathala at gamitin sa anumang paraan nang walang pahintulot ng may-akda.

Kwento nina Camille Babaran at Ada Bayobay
Guhit ni Ada Bayobay



Badtrip. Pinapacommute na naman ako. Sa dinami-dami ng kotse namin, ni isa, walang gas?
 Ang dami pang tao, traffic na tuloy. Ano ba namang buhay to! Hay, polusyon, magtutuos na naman tayo!

Anong sasakyan ko? Jeep? Hindi pwede, masyadong mura para sa akin. FX? Ayoko nga. Sawang-sawa na ako sa aircon.
 Tricycle na lang. Wala na sa likod. Ang init ngayon at ayokong umupo sa loob. Hay. Pero, late na ako. Bahala na nga. Experience din ‘to.

Si Mollie itong katabi ko ah. Naka-earphones at mukhang ‘di napapansin na napapakanta na siya.
Tagal na kaming ‘di nag-uusap. Parehas naman kami ng school pero hindi kami nagpapansinan. Magkaiba kasi kami.
Sampung mga daliri nawala ang lima. Hinanap ko, hinanap ko. Nasa iyo pala.

Naaalala ko tuloy yung mga panahong naglalaro kami. Ibang-iba pa siya noon.
Mabait. Palakaibigan. Kapag ngumiti, mapapangiti ka rin.
Ngayon, hindi ko na siya makausap. Sobrang nag-iba na siya.
Iba na rin ang lahat. Naglayo na ang mga mundo namin.
Tapos na ang lakbay namin. Buong biyahe kumanta lang siya.
Sana noon pa man nasabi ko...
...ang tatlong salitang iyon...



SINTUNADO BOSES MO. (Wakas)


You Might Also Like

0 comments: