chapter 13,
Ang mga tauhan at mga pangyayari ay pawang kathang isip lamang. Hindi hango sa tunay na buhay o karanasan. Ang anumang pagkakahawig sa tunay na buhay ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. Walang bahagi ng kuwentong ito ang maaring ilathala at gamitin sa anumang paraan nang walang pahintulot ng may-akda.
[Ryan]
“P’re lapit ka pa kay Tita. Yan. Okay! Smile! 1, 2, 3! *click* Okay na po!”
Kinamayan ko ang groom sabay sabing, “Congrats ‘tol! Gwapo mo ngayon ah!”
“Salamat p’re! Kinakabahan na ako,” sagot niya.
Sabi na nga ba ‘tong dalawang ‘to ang mauuwi sa kasalan. Hihi.
“Ikaw na dito sa labas. Ako na sa guests sa loob,” sabi ko sa assistant kong photographer.
Nakita ko si Suzy na may dalang mga bulaklak para sa bridesmaids. Siya siguro ang kinuha nilang florist. Pero bat ang lungkot nya? Tss. Makuhaan nga ‘to. Tamo na, kasal na kasal nakasimangot. Ano bang iniisip nito?
[Suzy]
Minsan ayokong umattend ng mga ganitong okasyon. Pero wala akong magagawa, ito ang negosyo ko eh. Hangga’t maaari ayoko rin sanang pumunta kahit pa mga ka-batch ko sila. Marami akong naaalala.
Siyam na taon na ang nakalipas mula nang mamatay si Sean. Hanggang ngayon, naiinis pa rin ako sa kaniya. Sana nagsabi siya agad kung anong sakit niya… sana hindi ako nagalit. Naiiyak na naman ako. Naalala ko na naman yung araw na ibinalita sa aking wala na siya.
Hay. Pero ano naman kung wala na siya? Mag-isa na lang talaga ako sa buhay. Ayoko na. Natatakot ako baka maulit na naman.
Naku, tama na nga drama… nagdadatingan na sila…
“Hi Suzy!” bumeso si Dina sa akin. “Ganda naman ng flowers, girl!” sabi niya.
[Dina]
Mukha pa ring yaya si Suzy hanggang ngayon. Hahaha.
“Hehe. Thank you! Sa wedding mo, ako ang kunin mo ha!” sagot niya sa akin.
Binigyan ko na lang siya ng sweet smile. Hay nako. Aabot kaya ako sa ganito? Okay lang naman kahit hindi. I’m too gorgeous to be tied down!
Ah basta, congrats sa ikakasal at sana magmana sa mala-diyosa kong kagandahan ang mga magiging anak nila.
Pupunta kaya si Dong?
Lumingon-lingon ako baka sakaling makita ko siya. Wala lang, for old times’ sake. Siya kaya ‘yung nasa gilid?
[Dong]
Sa wakas, may magpapakasal na sa batch ko. Akalain mo, nagtagal sila. Hehehe. Ako? Eto, single… pero oks lang, masaya naman ako sa pagiging dj! Wooh.
Naghahanap ako ng mauupuan nang biglang may tumapik sa balikat ko.
“DJ Dong!!! Kamusta?” bati ni Gino.
“Eto, maraming fans! Sikat na,” sagot ko.
“Hahaha. Di andami mong chicks? Pakilala mo naman ako,” sabi niya.
Paglingon ko sa may pinto ng simbahan, nakita ko si Clara, na isa sa mga bridesmaids.
“Ayan o, si Clara. Gusto mo pakilala kita?”
“Kups!” sabay batok sa akin.
[Gino]
“Buti nakaattend ka. Di ba may laban ka?” sabi ni Dong.
“Training pa lang. Next month pa alis namin,” sagot ko.
“Ah… so nagamit mo pa yung kabayong panlaban mo papunta dito?” biro ni Dong.
“Loko ka!” sabi ko. Bakit kaya hindi sila makapaniwala na naging equestrian ako? Hindi ba convincing?
Napangiti ako at napatingin kay Clara. Kinawayan ko siya para lumapit sa amin. Siniko ako ni Dong, “Naging kayo di ba?” bulong niya.
Natawa ako ng malakas. “Hahaha! Nino? Ni Clara?”
Naalala ko tuloy ang mga bagay na dapat pinagtatawanan na lang. Masyadong pambata. Nakikita ko rin sa mga mata niyang naaalala niya ang mga ito. Pero kahit minsan, hindi ko talaga naisip na magiging kami.
[Clara]
“Hanggang teatro lang ang mga linya ko…”
Sampung taon na pero di ko pa rin makalimutan ang mga salitang binitawan niya sa akin. Nakakatawa na lang ngayon pero naalala kong sobra akong nasaktan noon. Friends na kami ngayon. Tinext pa nga niya ako nang marinig niyang binanggit sa isang teleseryeng sinusulat ko ang linyang yon.
“Oh sorry, Clara!” sabi ng Ingliserong nakabangga sa akin habang papalapit kina Gino. Teka, si Matt ba ‘to? Iba na talaga itsura niya ngayon ah. Iba talaga pag napupunta ng States. Tunog imported, mukhang imported, amoy imported.
“Hi Matt! How are you?”
“Okay lang. Ikaw? Si Abi… darating ba?” sabi niyang may accent.
Wow ah. Si Abi pa rin kaya ang gusto niya ngayon? Hmmm. Gamitin ko kaya ang kwento nila?
“Ah… alam ko darating.”
[Abi]
Hinahanap ko si Clara para ibigay sa kanya yung pinadala niyang safety pin. Nakita kong magkausap sila. Huminga ako ng malalim, inayos ko ang buhok ko at ang damit ko, at nakangiting lumapit sa kanila.
“Uy Matt, long time no see ahh!” bungad ko sa kaniya.
Sampung taon na ang lumipas, pero patuloy pa rin ang pagtakbo ng oras sa relong ibinigay niya. Nakatago ito kasama ang lahat ng ibinigay niya dahil ayaw ko itong mawala kasabay ng paglisan niya.
“Uy Abi! Ikaw din! Ikaw ah, blooming as always. Kasama mo boyfriend mo?” tanong ni Matt sa akin.
Ha? Boyfriend? Sinong boyfriend? Wala naman akong..
“Ah…” sagot ko, “ehh…”
“Ito naman, di mabiro!”
Biro? Dun nagsimula ang lahat eh, sa biro-biro. Hanggang sa umabot sa point na akala ko, forever na. Pero sa nakikita ko, matagal nang natapos… ang forever.
[Matt]
Di nagbago si Abi, pero nagbago na siguro ang puso niya. Akala ko dati ako ang gusto niya pero ngayon baka may iba na.
Pag-alis ko, sinubukan pa naming regular na mag-usap. Akala ko hihintayin niya ako. Sinabi ko namang babalik ako eh. Mukhang nalimutan na niya ako. Parang ang saya-saya niya eh.
Hindi na rin niya suot ang relong binigay ko. Siguro tumigil na rin yun, kasabay ng pagtigil ng lahat ng nangyari noon. Wala na, tama na. Dapat pala, hindi na kita binitawan pa.
“Sige babalik na ko doon,” sabi ni Clara. “Magsisimula na yata. See you later!”
[Sophia]
Ayan, pinapapila na kami. Maid of Honor lang ako pero kabadong-kabado na ako. Paano pa kaya yung bride? Pero kanina habang nagpeprepare mukhang di naman siya kinakabahan. Masayang-masaya siya. Hay. Nakakatuwa talagang isipin na ikakasal na sila.
Nagsimula nang maglakad sina Clara at yung partner niya. Inantay ko ang signal ng coordinator at nung tinanguan niya ako, dahan-dahan akong naglakad papunta sa altar. Natanaw ko sina Francis at Bea sa harapan ko.
“One chance, Soph...”
Kahit masaya na ko sa buhay ko ngayon, minsan bumabalik pa rin sa akin yung nangyari nung graduation. Pag naaalala ko yung mga kacornyhan namin, natatawa at nahihiya ako. Haha. Pero ano kaya kung binigyan ko siya ng chance 10 years ago? Aabot rin kaya kami sa ganito?
[Francis]
Nakatayo na ako sa pwesto ko. Tumingin ako sa may pintuan ng simbahan. Si Sophia na ang naglalakad. Ang ganda pa rin niya. Nagkausap kami sandali bago magsimula ang kasal. Nakakatuwa siya. Parang walang pinagbago.
“France, tama na... wag na nating ibalik. Tapos na tayo.”
Matagal ko bago natanggap na tama siya. May mga bagay talagang hindi na dapat binabalikan. Masaya na ko ngayon. Steady na. Alam ko masaya na rin siya.
Naglalakad na ang bride. Siniko ako ni Vincent, na kapwa ko groomsman at tinuro ang brad namin.
“Tingnan mo parang iiyak na,” natatawang sabi niya.
Natawa na lang ako. Sino ba naman kasing mag-aakala na itong mokong na ‘to ang unang ikakasal?
[Vincent]
“Wala. In lab na in lab talaga ‘yan,” sabi ko kay Francis.
“Di ba halata?” natatawang sagot niya. “Tumigil ka na,” saway niya sa akin.
Nasa first reading na nang mahalata kong may bagong dumating. Lumingon ako sa kanan ko. Si Andrea. Di ako pwedeng magkamali. Sinundan ko siya ng tingin hanggang makaupo siya pero hindi niya ako tiningnan.
Hindi na niya ako kinausap mula nung sinabi ko sa kanyang ayaw ko na muna. Oo, sampung taon. Sinubukan ko namang maging okay kami, magpaliwanag, pero hindi na niya talaga ako pinansin. Kapag may mga batch party, hindi siya nagpupunta. Alam ko, iniiwasan niya talaga ako.
Gusto kong sabihing antayin niya ako. Gusto ko lang naman mag-aral muna, masiguradong magiging successful ako. Pero hindi ako nabigyan ng pagkakataon.
Nasaktan ako nung nalaman kong may boyfriend na siya. Kasalanan ko, alam ko. Pero nakakapanghinayang pa rin.
[Andrea]
Ayy, tapos na yung processional. Late na talaga ako. Di ko man lang naabutan yung paglakad nung bride.
Awww…ang ganda ganda talaga niya! Bagay na bagay yung gown at make-up niya. At bagay na bagay sila. Haaay! Kakilig!
Naalala ko nung high school pinagseselosan ko pa siya. Hahaha. Ngayon super friends na kami. Siya ang nagpaintindi sa akin na bawas-bawasan ang pagka-clingy at bitter ko. At siya ang nagpakilala sa amin ng boyfriend ko ngayon na blockmate niya nung college. Hehe. Mapagbiro talaga ang tadhana.
Nakita ko si Vincent kasama yung ibang abay. Alam kong nakita niya ko pero hindi ko siya tiningnan. Wala na talaga yun sa akin. Naka-move on na ako pero hindi ko pa rin siya kayang kausapin. Ewan ko ba. Nakakailang.
[Karil]
“Hi, late ka na naman,” sabi ko kay Andrea.
“Ang traffic eh! Tapos naligaw pa ako,” sabi niya. “May salamin ka ba? Parang hulas na yung make-up ko eh.”
“Nagmimisa na, ano ba!” sabi ko.
“Eh baka makita ako sa video, pangit ako!”
Inirapan ko siya bago binuksan ang bag ko. Inabot ko sa kanya ang salamin. Teka, nasaan na yung phone ko? Kinapa ko yung loob ng bag ko. Nailabas ko na lahat ng gamit ko. Wala!!! Halaaaaa. Hindi ko naman naiwan sa bahay. Ginamit ko yun kanina eh! Nasa kotse kaya? Halaaaaa.
“Ito ba hinahanap mo?” sabi ni Adrian sa akin.
Hinampas ko siya. “Ikaw talaga! Nangunguha ka ng gamit!” sabi ko, sabay hablot ng phone ko.
“Tingnan mo ‘to! Naiwan mo kaya dun sa upuan natin kanina. Buti nga kinuha ko eh.”
Napangiti na lang ako. “Sorry!”
[Adrian]
“Hanggang ngayon burara ka pa rin!” sabi ko.
Natawa kami pareho. Alam kong naalala niya rin yung na-lock kami sa New Building kasi binalikan niya yung maskara niya. Ilang oras kaming nag-antay dun. Muntik na kaming makatulog. Buti na lang nadaanan kami ni Kuya Guard nung mag-rounds siya. Mula noon, naging matalik na magkaibigan na kami ni Karil. Lagi kaming inaasar sa isa’t isa pero natatawa na lang kami.
Nakita ko sina Abe at Leia sa kabilang linya ng mga upuan. Best friends. Ganyan rin kami. Pwede naman talagang maging magkaibigan lang ang babae at lalaki. Bakit ba di sila naniniwala?
----
[Leia]
Tatlong buwan na ang lumipas mula nung tanungin ako ni Dan. Tatlong buwan na lang rin bago kami susunod sa yapak ng mga unang kinasal sa batch namin.
Katabi ko si Abe. Matagal-tagal na rin kasi kaming hindi nag-uusap. Busy na kasi sa buhay. Nakakamiss din pala ‘tong lokong ‘to.
Naalala ko yung usapan namin kanina sa labas...
“Uy, Abe!”
“Leia! You look good! Grabe, ang tagal na. kamusta?”
Nginitian ko lang siya. Ang awkward. Pero nawala rin naman agad. Ganun talaga siguro pag matagal mo nang kaibigan.
[Abe]
Anim na taon at limang buwan. Ganun na katagal kong hindi nakakausap si Leia. Ewan ko ba, pero medyo magkalayo kami nung college. Namiss ko siya.
Nabalitaan kong ikakasal na siya. Ang bilis nga naman ng panahon. Mamaya... maraming oras para mag-usap.
“You may now kiss the bride.”
Naramdaman kong may humawak ng mahigpit sa kamay ko. Si Sharon. Tiningnan ko siya at nginitian. Alam kong masaya siya para sa bagong kasal. Pinisil ko ang kamay niya. Tayo rin, Sharon... malapit na.
-- Reception --
[Erin]
Pinagtinginan na naman ako ng mga tao. Tama talagang gumastos ako nang malaki para sa gray dress na to from Shopping Center. O ha! Afford ba nila yun? Ay teka, nasaan na nga ba ‘yung – OMG. AYUN!
Habang sumusugod papunta sa buffet table, may bigla pang nakabunggo sa ‘kin. Ang shunga naman nito. Wait…. Could this be?
“Uy, nilipat na pala ang Great Wall of China sa Pilipinas.”
…Ezra.
Sige, hindi na ‘ko maka-hirit. Mas lalo siya naging HOT EH. HAHAHAHAHA. PLIS LANG WITH ALL THE FEELINGS.
[Ezra]
As always, pinagtinginan na naman ako ng mga tao. Irresistible eh. Homaygad.
Ouch! Bakit may nakaharang dito?
“Uy, nilipat na pala ang Great Wall of China sa Pilipinas!” biglang bati ko.
Si Erin pala.
Ew.
Nakakapagod talaga maging emcee pero… who brought it upon myself? Hay nako. At least may benefits! Inalok kasi ako ng couple na ‘to maging emcee, hindi yata nila matiis appeal ko. At siyempre, dahil mahal ko ang groom, kahit masakit, gora na gora ako! Gusto ko ngang sabihin sa kanya eh na “Hay nako, I know you’re the one for me, but she got you first.” Pero keri lang. Move on na!
Pumunta na ako sa harap at pinakita ang aking million dollar smile! Cue, AVP na!
[Nathan]
Nagpalabas ng AVP sa reception. Pinakita ang mga pinagdaanan nila—mula nung high school, nung hindi pa sila at hindi pa nila tanggap na gusto nila ang isa’t isa. Grabe yung high school memories.
Panahon na. Sampung taon na rin kami ni Elise ah. Kinasal na best friend ko, may trabaho na rin naman ako. Handa na rin siguro kami…
Habang ipinapalabas ‘yun, binulungan ko si Elise.
“Lis, handa ka ba kung tayo naman?”
[Elise]
Nagulat at napangiti na lang ako sa sinabi niya.
Sana kami na rin. Kung alam lang ni Nathan… matagal ko na ring gusto. Halos sampung taon na rin naman kaming magkasama. Since high school pa. Medyo matagal na talaga akong naghihintay…
[Bea]
Mabagal na musika ang pinapatugtog nila at ang libu-libong boses at tunog ng mga kubyertos ang maririnig mo sa napakagandang lugar na ito. Napangiti ako sa pagsasayaw ng bagong kasal.
Kalian kaya ako magiging ganyan? Napatingin ako kay Rai.
Sampung taon na rin ang lumipas, hindi ko talaga inakala noong una na magkakagusto siya sa ’kin. Hindi ko rin inakala na susuyuin niya ako. Hindi ko talaga inexpect na aabot kami sa ganito. Naging masaya ang 5 taon na iyon. Siyempre, mayroon din paghihirap kasi iba yung mga kurso naming at minsan nagtatampuhan pero nalagpasan din naming. Patuloy akong nanood sa mga taong nagsasayaw sa cheesy na musika. Grabe… wala na ba silang iba?
Nabigla na lang ako noong may kumalabit sa akin at pagtingin ko ay nakatayo na si Ryan at nakaabot sa akin ang kaniyang mga kamay.
“May I have this dance?”
[Ryan]
Tila saglit na tumigil yung puso ko sa ngitining sinagot niya sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at tumayo. Nilakad ko siya sa gitna, nilagay ko ang isang kamay ko sa may bewang niya, kinuha ko yung isang kamay niya at pinatong ko sa balikat ko, at nagsimula kaming sumayaw.
“Ang swerte ko talaga.” Ang ganda niya.
“Huh?”
“Wala, sabi ko ang swerte ko sa’yo.”
Nginitian niya na lang ako pabalik.
Umalis kami sa dance floor para ibigay sa bagong kasal ang sayawan.
[Aya]
Hindi maalis ang ngiti sa mukha niya habang nagsasayaw kami. Siguradong ganito rin katamis ang mga ngiti ko. Hindi pa rin ako makapaniwala.
Sa hindi inaasahang pagkakataon, naging kapareha ko siya. Isang taong maangas at sobrang mayabang. Sino ba mag-aakalang siya na pala ang sasabihan ko ng “I do”?
Sa loob ng maraming taon, hindi niya ako iniwan. Nanatili siya sa tabi ko. Ito na siguro yung “true love” na sinasabi nila… isang bagay na hindi kayang i-explain ng sinumang mathematician na hinahangaan ko.
Sana manatili siya bilang Martin na mahal na mahal ko. Ngayon, masasabi kong… ako na ang pinakaswerteng babae sa mundo.
[Martin]
Minsan talaga, kung sino yung hindi mo inaasahang magugustuhan mo, yun ang makakatuluyan mo. Ang bait ng tadhana sa akin.
Di ako makapaniwala… naalala ko pa yung araw kung saan nagsimula lahat ng ‘to.
Rumampa kami, ayaw ko pa siyang partner nun, at pagkatapos palagi na kaming inaasar ng mga kups naming kabatch…
Salamat sa kanilang lahat.
Ngayon ay sigurado na akong siya dapat ang partner ko. Si Aya lang.
Mamahalin ko siya, sa hirap at ginhawa, anumang pagsubok ang aming pagdaanan, hanggang sa kamatayan… pinapangako ko, kami pa rin ang magkasama at mananatili ang pag-ibig ko sa kaniya.
Ako na. Ako na ang pinakamasuwerteng lalaki sa mundo. ●
TRESE: Chapter 13 - 10 Years After....
Ang Trese ay isang serye ng iba't ibang magkakaugnay na kuwento na binuo, sinulat at pinaghirapan ng Media Center 2013 staff bilang kanilang creative writing project.Ang mga tauhan at mga pangyayari ay pawang kathang isip lamang. Hindi hango sa tunay na buhay o karanasan. Ang anumang pagkakahawig sa tunay na buhay ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. Walang bahagi ng kuwentong ito ang maaring ilathala at gamitin sa anumang paraan nang walang pahintulot ng may-akda.

nakakaloka di ko na matandaan kung sino ba yun mga characters...............
ReplyDeleteAng cute po ng ending. :"""">
ReplyDeletenasJFNAJSCNJEHFAH NAKAKAKILIG GRABE
ReplyDeleteSobrang nakakaiyak na hindi maintindihan yung last part. :"( xD
ReplyDeleteGrabeh, ang cute naman =)
ReplyDelete