aaron lina,
Mainit ang simula ng Dao nang maagang mag-init ang star player na si Melvin Sangalang. Tumulong din sa pagkuha ng lamang ang mga gwapo na sina Jerem Esguerra, Juanito Gregorio, at Migo Carreon na naka-ilang puntos rin. Nakuha ng Dao ang unang laban, 15-8.
Bumawi naman kaagad ang Molave sa pangunguna ng napakatinding si Herwin Lor na nagpakita ng kanyang gilas at talento sa paglalaro ng basketball. Tinulungan din siya ng nag-iisang VAAS ng basketball na si Russell Mercado at import na si Patrick Sajol na galing Kamagong. Nagbaboy ng laro ang Dao ng kaunti na naging rason ng pagkuha ng Molave ng tagumpay sa pangalawang laban sa iskor na 15-11.
Naging mainit ang pangatlong laban ng mapagtanto ng parehong koponan na may mango shake na nakapusta. Nasimulan ng Dao ang pangatlong laban sa pangunguna ng Black Mamba King na si Gabo Galao na tinulungan din ng sidekick niyang si Sangalang. Ngunit nagliyab ang kamay ng big 3 na si Mercado, Lor at Sajol na nagpaulan ng sunod-sunod tres. Naging sapat na ang apat na tres upang makamit nila ang panalo sa huling laro 15-13.
Sa kasamaang palad ay walang dalang pera ang mga manlalaro ng Dao kaya nauwi na lamang sa dalawang boteng Summit ang napalunan ng Molave. ● nina Juanito Gregorio at Aaron Lina
Izportz: Molave itinaob ang Dao
Tinalo ng Molave ang Dao sa best-of-three na labanan sa basketball na ginananap sa Boston Garden nitong nakaraang linggo lamang.Mainit ang simula ng Dao nang maagang mag-init ang star player na si Melvin Sangalang. Tumulong din sa pagkuha ng lamang ang mga gwapo na sina Jerem Esguerra, Juanito Gregorio, at Migo Carreon na naka-ilang puntos rin. Nakuha ng Dao ang unang laban, 15-8.

0 comments: