DiMaAninag,

Literature: Perks of being a Pogi

10/03/2012 08:22:00 PM Media Center 1 Comments

Dear Friend,

Ang hirap palang maging handsome. Everywhere I go, the chicks look at me and promise, kinikilig sila. Pero ok lang, di ko sila masisi.

Kanina, habang nagkaklase kami, nilapitan ako ng classmate kong crush ng bayan na si Rosana. Maganda siya, sexy, makinis ang mukha. Pwede na rin siya pero masyado akong pogi para sa kanya. So ayun, lumapit siya sa akin pero hindi ko siya pinansin. Bakit? Kasi gwapo ako.

Nagulat ako ng ipanatawag ako ni Ma'am Katie sa English Department. Ano kayang kasalanan ko? Masyadong pogi o masyadong hot? Siguro both. Pagdating ko dun, hindi pala. Bibigyan daw niya ako ng 100 sa card dahil pogi ako. Grabe, iba talaga karisma ko, pero sabi ko sa kanya, "Ma'am, nakakahiya naman po. Pwede po bang 99 na lang?"

Naglalakad ako pauwi nang biglang pinagpawisan ako. Grabe ang init! Sa una, akala ko mainit lang talaga ang panahon pero ako lang pala yun. So hot ko talaga. Nasa may Philcoa na ako nang nilapitan ako ng isang bakla. Sabi niya, "Hey babe! Php 3000, you want?" Sagot kong mabilis, "Php 3000? Are you underestimating my handsomeness? And on the other hand, sorry, pag-aaral muna uunahin ko." The gay went away devastated.

Ayan, natapos araw ko nang sobrang pagod na ako. Di ko nga alam ba't ang pogi ko pa rin eh.

XOXO,
Pogi

You Might Also Like

1 comment: