chapter 11,
Ang mga tauhan at mga pangyayari ay pawang kathang isip lamang. Hindi hango sa tunay na buhay o karanasan. Ang anumang pagkakahawig sa tunay na buhay ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. Walang bahagi ng kuwentong ito ang maaring ilathala at gamitin sa anumang paraan nang walang pahintulot ng may-akda.
Lunes
[Francis]
Isang linggo na lang graduation na. May practice na naman. Kumpleto ang batch. Bawal umabsent. Hindi makakapagmartsa.
Nakaupo ako sa pwesto ko, nag-aantay na magsimula ang rehearsal. Bigla akong napatingin sa bandang harap. Magkasama na naman sina Sophia at Ryan. Parati na lang silang magkausap. Ano bang meron sa kanila?
“Oy Francis! Nakatingin ka na naman dun. Selos ka na naman!” pang-aasar sa akin ni Martin.
“’Ra ulo! Wala ka na namang magawa!” sagot ko.
“Mas sira ulo mo! Bakit kasi iniwanan mo noon tas selos-selos ka ngayon!” natatawa niyang sinabi.
Bakit nga ba? Bakit ko nga ba mas pinili si Lauren? Siguro kasi mas masayang kasama si Lauren kesa kay Sophia, mas maingay, mas makulit. Pero sandali lang pala yun. Nalaman kong mas importante pala talaga sa akin si Sophia...
“Ryan! Yari ka kay Francis!” pang-aasar pa rin ni Martin. “Nagseselos na to o!”
[Sophia]
Napalingon kami ni Ryan dahil sa sinabi ni Martin. Nakita kong binatukan siya ni Francis. Totoo nga kaya? Pero… Ano naman? Masasaktan lang ako kung aasa na naman ako.
“Che! Wala ka na namang magawa Martin!” sabi ko na lang bago humarap ulit.
“Ayos ka lang?” tanong sa akin ni Ryan.
“Oo naman. Bakit? May dapat ba akong problemahin?” sabi ko sa kanya.
“Oi kahit isang taon pa lang tayong mag-bestfriend, kabisado na kita. May malalim kang iniisip,” pangungulit niya sa akin.
Bakit kasi kailangang sa manhid, paasa, malabo pa ako nagkagusto? Sa bagay mabait rin naman tsaka gentleman. Pero ang punto ko lang naman ay... masakit maloko, maiwanan, at maipagpalit. Teka nga, itigil na nga ‘to. Dalawang taon na! Gahh! Ang engot mo talaga, Sophia!
“Ano ka ba! Pagod lang talaga ako. Wala akong paki diyan kay Francis,” sagot ko na lang. Ngumiti ako. Sana hindi mukhang pilit.
Miyerkules
[Francis]
“Eto, tubig.”
Pagbalik namin nila Martin, Nathan, at Vincent ng Multi, nakita kong inaabot ni Ryan kay Sophia ang isang boteng tubig.
“Grabe, grad practice lang hinihingal ka na!” sabi niya, sabay kurot sa pisngi ni Sophia.
“Ang init kaya!” sagot niya nang nakangiti.
Ako lang gumagawa kay Sophia niyan!!! Dati… Mukhang masaya naman si Sophia sa mga kasama niya. Kapag binalikan ko siya, baka lalo lang gumulo buhay niya.
“Alam mo kasi ganito lang yan eh… Kung mahal mo pa, e di balikan mo! Ganun lang ka-simple yun!” biglang singit ni Martin, nawala tuloy yung tingin ko kay Sophia. “Gagraduate ka nang di naayos yan? Kawawa ka!”
Konti na lang talaga masasapak ko na ‘tong si Martin eh.
“Talaga ‘tol? Kups ka alam mo yon? Pahawak na nga lang nitong phone ko! Tsaka yung bag ko pabantay. Bibili lang ako sa canteen.”
Pero tama rin naman siya… Francis! Ang tanga mo!
Di pa ako nakakalabas ng Multi, sumigaw si Martin.
“’Tol! Si Lauren! Nagtext, usap daw kayo!”
Gags talaga ‘tong si Martin!
Napalingon agad ako at nabaling ang tingin ko kay Sophia. Nakikipagkulitan pa rin siya kay Ryan at sa mga kaibigan niya.
Tama nga ako, hindi ko na dapat siyang guluhin pa.
[Sophia]
Malinaw na malinaw yung pagsigaw ni Martin, sino ba naman hindi makakarinig nung sinigaw niya.
Muntikan na akong mapatingin kay Francis pero pinigilan ko. Tumawa na lang ako kahit na halatang pilit. Onti na lang, tutulo na naman luha ko kaya kailangan kong pigilan ‘to. Wala na nga kasi sa akin di ba?
Si Lauren na naman. Siya na lang lagi. Simula nung nagbreak kami… hindi… bago pa nun, yung lower batch na yun yung lagi niyang kasama.
“Uy Sophia, tulala ka dyan,” sabi ni Aya.
“Ah… eh… Wala…” sagot ko.
“Sigurado ka? Parang nalungkot ka bigla,” nag-aalala niyang sinabi.
“Ok lang. Pagod lang talaga ako. Hehe,” sagot ko.
Pagod naman talaga ako. Pagod na akong umasang magkakabalikan pa kami. Hay! Tama na nga Sophia, nasasaktan ka lang!
Biyernes
[Francis]
Pagdating sa school, dumiretso agad kami ni Nathan sa Guidance para kunin yung toga namin. Palabas na kami nang pumasok sina Sophia at Clara.
“Tara, kain muna tayo,” yaya ni Nathan.
“Sunod na lang ako ‘tol,” sabi ko.
“Bakit? Wala akong kasama!”
“Kaya mo ‘yan. Malaki ka na! Susunod ako agad,” pagpipilit ko, sabay tulak sa kanya paalis.
Nang makalayo si Nathan, pumasok ulit ako ng Guidance.
[Sophia]
Binabasa ko ang mga naka-post sa whiteboard habang inaantay si Clara nang biglang may tumapik sa likod ko.
“Uy Soph…”
Boses niya yun. Saka, sino pa ba tatawag sa akin ng Soph?
Humarap ako at ngumiti, “Oh bakit Francis?”
“Soph, tulungan mo naman ako…” sabi niya, hindi makatingin ng diretso sa akin.
Nagulat ako. “Ha? Saan?” tanong ko na lang.
“Kasi… Balak ko sana regaluhan yung crush ko sa grad. Eh alam kong magaling ka dun kaya kung pwede…”
Sa akin pa talaga siya hihingi ng tulong? Alam kong medyo okay na tayo mula nung magbreak tayo pero... sa dami ng pwedeng hingian ng tulong, ako pa talaga??? Ganun ka na ba ka-manhid, Francis?
“Bakit ako pa?” Hala! Parang iba dating nung tanong ko ah.
“Joke! Ah… wala naman ata akong gagawin bukas eh,” bawi ko. “Teka, sino ba yan? Ayiee, ikaw ha! May bago ka na, di ka nagsasabi,” pang-aasar ko pa.
“Haha, basta. Sige bukas ha. 11 am sa mall,” sabi niya. “Lagot ka sa akin kapag di ka pumunta. Text kita, Soph! Bye!”
Naiwan akong nakatayo sa Guidance. Tulala, wala sa tamang pag-iisip. Bakit ako pumayag?
[Francis]
Habang naglalakad papuntang canteen, nasalubong ko sina Aya at Martin. Hay, buti pa ‘tong dalawa, nagkakamabutihan na.
“O? Anyare? Abot tenga ngiti mo ha,” bati ni Martin.
“Kasi ‘tol! Niyaya kong lumabas si Soph bukas.”
“Yon naman!” sabi ni Martin na nakipag-apir pa sa akin. “Sabi na eh. Sa mukha mong yan, halatang masaya ka!”
Siniko siya ni Aya. “Uy Francis, umayos ka ha. Kapag yan si Sophia umiyak ulit dahil sayo…”
Inakbayan siya ni Martin. “Ikaw naman… Natuto na yan!”
“Basta… pakabait ka,” sabi sa akin ni Aya.
“Oo naman! Ako pa!”
Nginitian ako ni Aya at nagpunta na rin sila sa guidance para kunin yung toga nila.
Oo, hindi ko na ulit papaiyakin si Sophia. Sisiguraduhin ko yan.
Sabado
[Sophia]
Bakit nga ba ako pumayag dito? Teka, ‘di pala ako pumayag. Eh bakit ako nandito? Kalma lang, Sophia.
Parang dati lang naman ‘to. Nagpasama din ako sa kanya bumili ng regalo sa friend ko nung mga panahong nagiging close pa lang kami…
Tsaka siguro okay na rin ‘to… Friends naman kami eh.
“Uy! Sorry late ako. Game na?” bati sa akin ni Francis.
“Game.”
Game na ako masaktan.
Una naming pinuntahan ang Fully Booked. Bakit kami nandito? Mahilig din ba sa libro yung crush niya ngayon? Parang dati lang tumatambay kami dito kahit alam kong bagot na bagot na siya dahil hindi naman niya hilig yun.
“Ano bang magandang libro ngayon? Mahilig kasi siya sa libro.”
Bakit ka pa naghanap ng iba kung mahilig din naman ako sa libro? Hay. Stop, Sophia.
“Ito, maganda ‘to!” sagot ko na lang sa kanya, sabay kuha ng librong nakita ko.
“Gusto mo ba yan?” tanong niya.
“Bakit ako tinatanong mo? Basta ang alam ko lang maganda yan…”
Agad naman niyang binili yung libro. Sana… Hay… Ano ba Sophia?! Akala ko ba kakalimutan mo na? Nandito ka para samahan lang siya para bumili ng regalo sa babaeng gusto niya. Hindi ka pa ba titigil?
---
[Francis]
“Wait lang!!! Ang ganda nung dress, pwedeng pang-grad ball!” sabi ni Sophia nang mapadaan kami sa tapat ng F21. Agad siyang pumasok at pumunta dun sa dress. Aba, iniwan ako. Nagmamadali akong sumunod.
Naalala ko tuloy nung Acquaintance namin last last year, sinamahan niya ako pumili ng damit ko. Naalala pa kaya niya yun?
“Anong mas magandang kulay, France?”
Natigilan ako sandali nung tawagin niya ako sa palayaw niya sa akin.
“Uh… Y-yung b-black.”
“Pweds na. Babalikan ko ‘to! Tara na. Ano pa ba kailangan mo?”
Ikaw. Ikaw ang kailangan ko.
“Stuffed toy. Sa The Gift Factory tayo.”
[Sophia]
“Ano bang gusto niya?” tanong ko sa kanya pagdating namin dun.
“Galit? Di ko alam. Ano bang gusto mo? Baka yun din gusto niya.”
Gusto ko? Iba kasi gusto ko…
“Hala. Crush mo tapos hindi mo alam kung ano gusto? Itong rabbit, cute oh.”
“Yung mas malaki, Soph.”
Natigilan na naman ako. Bakit ba kailangan nila ako tawagin sa pangalan na yun.
Kinuha niya yung malaking rabbit stuff toy na white. Naalala ko tuloy yung binigay niya sa aking keychain nung kami pa, rabbit din yun. Tig-isa pa kami. Nasa kanya pa kaya?
“Tara, kain tayo,” aya niya. “Panigurado, gutom ka na.”
---
[Francis]
Dinala ko siya sa Taco Bell. Dito kami unang kumain ni Sophia nung naging MU kami, Malabong Usapan ba. Naalala pa kaya niya?
“Ikaw na bahala sa order ko ah, maghuhugas lang ako ng kamay,” sabi niya sa akin. Kabisadong kabisado ko naman yung lagi niyang ino-order.
Pagdating ng order namin, hinalo-halo ko yung Pepsi, 7-UP, Mirinda at Sprite. Gawain namin ‘to dati. Sana naaalala niya pa.
Pagbalik niya, tinignan niya yung baso. Hindi ko alam kung ngiti ba yung nakita ko. Iniwas niya yung tingin niya sa akin.
I missed you, Soph, so much.
Lunes
-- Graduation --
[Sophia]
This is it pansit! Graduate na ako! Masaya ako na hindi ko na makikita si Francis pero malungkot pa rin talagang maiwan ang UPIS. Alam mo yun, isang dekada mahigit din yun…
Picture doon, picture dito. Yakap dito, yakap doon. Kalat na ata yung make-up ko sa patuloy na pagtulo ng luha ko.
Lalo pang tumulo luha ko nung nakita ko si Francis. Hawak niya lahat nung binili namin. Back-up pa niya si Vincent na taga-hawak ng roses. Teka... roses? Hanggang sa bulaklak ba naman nananadya yung crush niya?
Pero palabas na sila. Sino nga kaya? Sino yung maswerteng babaeng napupusuan niya?
[Francis]
Tagal naman ni Soph lumabas. Nangangawit na ako sa pagdala ng stuffed toy na ‘to.
Maya-maya pa ay lumabas na siya. Teka, bakit doon siya dumaan sa kabila? Iniiwasan niya ba talaga ako?
“Soph! Teka lang!” sigaw ko sa kanya. Derederecho lang siya. Hindi ata ako naririnig.
“Vince, teka, akin na yan. Pahawak muna nito,” sabay abot ng stuffed toy.
“Sophia, teka!” habol ko sa kanya.
Hindi ko pwedeng palagpasin ‘tong pagkakataon na ‘to, gusto ko nang gawin yung matagal ko na dapat ginawa.
[Sophia]
‘Wag kang titigil, Sophia, kunwari ‘di mo naririnig. Lakad lang.
“Soph!” sabay hawak sa braso ko. Tumigil na naman sandali yung puso ko pero nilingon ko siya.
“Bakit, Francis?”
“Uhm… Bakit ka umiiyak?”
Manhid ka ba talaga?
“Malamang! Sino ba namang hindi iiyak, graduate na tayo!” ngiti ko.
Nagulat ako nang bigla niyang inabot yung roses sa akin.
Hindi ako nakapagsalita.
“Soph, sorry sa mga nagawa ko noon. Sorry talaga, kung pwede lang i-rewind yung dati, ikaw yung pipiliin ko…”
Totoo ba ‘tong naririnig ko? Hindi ko alam ang isasagot ko ko.
“Never tayong nakapag-usap ng maayos,” pagpapatuloy niya. “Hindi ko napaintindi sa ‘yo. Sorry Sophia, sorry talaga. Pinagsisisihan ko lahat.”
Hindi ako umimik. Tinitigan ko lang yung mga binigay niya sa akin. Bakit ngayon pa, Francis? Bakit ngayon kung kailan nakapag-move on na ako? Kung kailan sumuko na ako sa 'yo?
Tinalikuran ko siya at naglakad.
“Soph, sandali, kausapin mo naman ako oh. Please. Hayaan mong itama ko yung pagkakamali ko noon…”
Lalo lang tumulo ang luha ko.
[Francis]
“Itama? Paano natin matatama kung wala nang itatama?” sabi niya. “Tigilan mo na ‘ko Francis, please…”
“One chance, Soph,” pagmamakaawa ko.
Please Sophia, isang pagkakataon na lang. Yun lang hinihingi ko.
“Be my Grad Ball date,” sabi ko sa kanya nang nakayuko.
“M-May date na ako s-sa Grad Ball,” sagot niya sa akin, sabay talikod at umalis.
Bakit ang sakit? Kapalit ba ‘to ng lahat ng ginawa ko sa kanya noon?
“Sophia…”
Lumingon siya, ngumiti at sinabing,
“France, tama na… Wag na nating ibalik. Tapos na tayo.” ●
TRESE: Chapter 11 - Abril
Ang Trese ay isang serye ng iba't ibang magkakaugnay na kuwento na binuo, sinulat at pinaghirapan ng Media Center 2013 staff bilang kanilang creative writing project.Ang mga tauhan at mga pangyayari ay pawang kathang isip lamang. Hindi hango sa tunay na buhay o karanasan. Ang anumang pagkakahawig sa tunay na buhay ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. Walang bahagi ng kuwentong ito ang maaring ilathala at gamitin sa anumang paraan nang walang pahintulot ng may-akda.

aray naman nito! shet! :((( #13est
ReplyDeleteHindi ko po maintindihan yung concept ni Sophia ng "move-on". Kasi, kung naka-move-on na siya, bakit siya nasasaktan?
ReplyDelete