chapter 12,
Ang mga tauhan at mga pangyayari ay pawang kathang isip lamang. Hindi hango sa tunay na buhay o karanasan. Ang anumang pagkakahawig sa tunay na buhay ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. Walang bahagi ng kuwentong ito ang maaring ilathala at gamitin sa anumang paraan nang walang pahintulot ng may-akda.
[Ryan]
08 May
Onting tiis na lang, college student na talaga ako.
Nagmamadali akong umalis ng Registrar. Namimilipit na ang tiyan ko sa gutom. Ba’t kasi ‘di na naman ako nag-almusal kanina. Palagi na lang gan’to.
Naglakad na ako papuntang CASAA. Tirik ang araw. Grabe. Jinajabar na ako kanina pa. Ang baho ko na. Buti Downy Passion gamit namin.
Nasa may kanto na ako sa likod ng AS, nang may narinig akong tumawag sa pangalan ko.
“Ryan!”
Napalingon ako. Sa may tapat ng Zoology Building, may nakita akong babae, kumakaway sa akin.
“Ryaaaaaan! Hiiiiiiii!”
Uy, si Bea! Wagas naman makatawag ‘to. Haha. Kumaway ako pabalik. Nagmamadali siyang lumapit sa ‘kin.
“Uy, kamusta na?” tanong ko.
“Eto, tapos na ‘ko sa registration.”
“Naks. Buti ka pa.”
“’Kaw ba?”
“Hindi pa nga eh, kakain muna ‘ko, gutom na ‘ko eh,”sabay turo sa CASAA.”
“Tara sabay na tayo.”
Kasabay ko siya ngayong magla-lunch. Tadhana nga naman. Hihi.
Bago pa man kami makapasok, rinig mo na ang ingay ng mga estudyante. Ayun nga, tulad ng inaasahan, pagpasok namin, andaming tao. Buti nakahanap pa kami ng upuan sa may tapat ng Sizzler.
“Ano gusto mo Bey?
“Huh? Ako na!” sabi niya.
“Bakit ililibre ba kita?”
“Wag na ‘no.”
“Joke lang. Pero seryoso, ano gusto mo?”
“Yung pancit.”
“Okay. Ate, sisig nga po tsaka pancit, dine-in.”
“Ay. Okay. Salamat,” sabay ngiti sa akin.
Uy, wag mo kong ngitian. Kinikilig ako ano ba!
Pag-upo namin, inusog niya ang mga gamit niya. Nakita ko yung notebook niya. Puro doodle ang cover. Parang pamilyar...
“Ginagamit mo pa yan?” tanong ko.
“Ha? Alin?”
“Yung notebook. Di ba notebook mo sa Econ yan last year?”
“Ah... haha... yan kasi nadala ko eh,” sagot niya.
May naalala tuloy ako...
----
Last year, 28 September
Grade 10 – 2nd quarter, Lunch
“Goodbye and thank you, Sir Julius.”
Sa wakas, tapos na rin Health. Ang sakit na nung mata ko kapipilit ko lang magising. Nakakaantok talaga pag si Sir, ST kasi eh.
Gutom na ‘ko.
“Tara Ryan, kain,” yaya nina Francis at Nathan. Nako eto na si Martin. Mambuburaot na naman.
“Tara.” Pagtingin ko sa baon ko, sisig. Shet. ‘Di ako mamimigay. Haha.
Makalipas ang ilang minuto, dumating si Leia, may dalang pagkain galing sa canteen. Nilapitan niya ako.
“Rai, paano yung sa Social natin? Yung photo exhibit?”
“Ay shet onga! Sorry nakalimutan ko. Sobrang busy. Mamaya, usap tayo sa lib. Sabihan ko si Francis.”
“Sige, sige.”
Pagkatapos ko kumain, nauna na ‘ko papuntang library. May hahanapin din pala akong libro para sa English.
Pagdating ko, walang ibang estudyante. Umupo ako at nilapag ko yung bag ko. Nilabas ko yung notebook ko sa Social. Hinanap ko yung page kung saan ko dinikit yung guideline sa project, pero may iba akong nakita.
May nakaipit na pink na post-it. Ano ‘to?
Sino ba talaga ‘to?!
Biglang dumating sina Francis at Gab.
“Rai! ‘Di ko na makita yung iba eh. Tayong tatlo na lang mag-usap,” sabi ni Francis.
“Uy, ano yang hawak mo?” tanong ni Gab.
“Ice cream, hindi ba halata?”
Nanlaki mga mata ni Francis. “Uy! Galing kay Mystery Girl na naman?”
“Yeah, eto oh.” Inabot ko sa kanilang dalawa yung post-it.
“Sino kaya talaga ‘to? Nakakalima ka na ah. Gwapo mo kasi talaga eh,” sabi ni Francis.
“Alam ko. Pero ang galing niya talaga. Timing siya palagi kung kailan down ako.”
“Ngayon ko lang nalaman ‘to ah! May secret admirer ka pala Rai. Haha,”sabi ni Gab.
“Admirer amp.” Pero sino kaya talaga ‘to? Panglima ko nang post-it ‘to mula sa kanya ah. Kahit hindi kita kilala, nagugustuhan na kita ah. Hihi.
----
Nalaglag yung tinidor na hawak ko. Bumalik yung utak ko sa CASAA. Bumalik yung ingay ng mga estudyante. Napatitig ako sa kanya. In-obserbahan ko siya.
“Bakit ganyan tingin mo?!” tanong niya.
“H-ha? Ah, eh, wala. May dumi ka sa pisngi.” Whew, muntik na.
[Bea]
Pinahid ko yung pisngi ko. “Meron pa ba?”
“Wala na,” sabi niya. Iniba niya ang usapan. “Ang galing mo mag-drawing,” sabay turo sa notebook ko.
“Haha. Sinabi mo na ‘yan dati, Rai...”
----
Last year, 4 September
Grade 10 – 2nd quarter
Lunch na. Busy ang lahat. Buwan ng Wika, function, thesis. Dagdag pa yung mga problema namin sa buhay.
Dalawa lang kami sa room. Siya at ako. Nakayuko siya at parang wala dito sa mundo. Tinitigan ko lang siya. Kanina pa parang may pinoproblema ‘to, pagpasok pa lang , nakasimangot na.
Inangat niya ang ulo niya at inalis ko ang tingin ko sa kanya. Kunwari may hinahanap ako sa bag ko.
Naramdaman kong tumayo siya.
“Bea, pabantay ng mga gamit ha. Canteen lang ako,” sabi niya.
Tumango na lang ako, ngumiti at kunwaring bumalik sa paghahanap sa bag ko. Kinuha ko yung file case ko nang hindi ko alam kung bakit. Pumunit ako ng papel at nag-doodle.
Natapatan ng fan ang mga papel niya at nilipad lahat. Pinulot ko isa-isa. Hindi ko namalayan na nandyan na pala siya,
“Bey?”
“Ay ikaw pala. Nilipad yung mga papel mo, inayos ko lang.”
“Salamat ha,” sabi niya. Bumalik ako sa upuan ako nang biglang, “Uy di akin to. Sa yo ba to?”
Yung drawing ko, nasama pala. “Ah... oo. Salamat.”
“Ang galing mo mag-drawing,” sabay-ngiti. Iba talaga yung ngiti niya.
----
[Ryan]
“Magaling naman talaga eh. Kaya nga di ba ikaw yung pinag-drawing nung para sa ticket sa function?”
“Demanding ka eh! Di ako makatanggi,” sagot niya.
“Ambaduy naman. Kain na nga lang tayo.”
Pero naalala ko yun. Hindi ko yun makakalimutan...
----
Last year, 2 October
“Uy, ang sweet niyo ah! Kayo na?”
Pasaway talaga ‘tong si Nathan. Perfect timing palagi.
“H-huh? Para kasi sa Function ‘to,” depensa ni Bea.
Sana nga, tayo na lang eh.
“Wushu, okay. Ryan tara na. Pinauuwi na kasi ako eh. Mag-shoot na tayo.”
“Sorry. May gagawin pa kasi talaga kami eh. Kaya mo na ba yan?” tanong ko kay Bea.
Ito naman kasing si Nathan eh.
“Onaman kaya ko na ‘to. Gawin niyo na yung Health project niyo, ako na bahala rito. Matagal pa naman yung sundo ko eh.”
Sayang. Gusto pa kitang makasama eh.
“Sigurado ka? Tsk. Sige na nga.”
“Ryan tara na pinauuwi na ako oh!” yaya ni Nathan.
“Oo na, eto na.”
Tumingin ako saglit kay Bea, pero nauna na siyang nakatingin sa ‘kin.
“Bye,” sabi ko na may kasamang ngiti.
Kinuha ko na yung mga gamit ko at lumabas ng homeroom. Hay.
“May battery ba yang SLR mo?” tanong ko kay Nathan.
Napangiti siyang nakakaasar. “Ba’t parang naiirita ka? Yiee, ikaw ah.”
“May battery ba yang SLR mo?”
“Oo nam-“
“Teka teka! Naiwan ko pala yung notebook ko. Kukunin ko lang.”
Pagbalik ko ng homeroom, nandun pa rin si Bea. At nagsusulat siya.
Sa post-it?
“Uh Bea, nakita mo yung notebook ko?”
Nagulat siya. Agad niyang tinago yung sinusulat niya.
“H-ha? Ah, ano. Ayun oh!”
Tinuro niya yung upuan dun sa may kanto. Doon nakapatong yung notebook ko.
“Uh, s-salamat. Bye.”
Nagmamadali akong umalis. Ang awkward ng eksena.
Sa post-it ba siya nagsusulat kanina? Teka, anong iniisip mo Ryan? Na siya si Mystery Girl? Ano ka sinuswerte?
----
Dalawang linggo ang lumipas at wala na akong natatanggap na post-it. Si Bea nga kaya talaga yun? Pero hindi talaga pwede eh. Magkaiba sulat nila. Mahiyain siya, ‘di niya magagawa yun. At, at isa pa. May Gab na yun...
Pero, Grade 6 pa lang may gusto ka na sa kanya. Ilang taon na ang lumipas. Pano kung siya nga? Eto na yung pagkakataon mo. Tanungin mo na.
Tiningnan ko yung wristwatch ko. 13:54.
“Nako! Pipila pa ‘ko sa Eng’g!”
“Ay oo nga, ‘di ka pa pala tapos,” sabi niya.
“Onga eh. Kailangan ko nang umalis.”
Nakakainis. Kung ‘di ko lang dapat matapos ‘to ngayon eh. Gusto pa kitang makasama.
[Bea]
“So, sige na?” tanong ko.
Nanghihinayang talaga ako. Baka hindi na tayo magkita ulit.
“Uh, wait. Bea. May itatanong kasi ako.”
Whoa. Ang seryoso ng boses niya ah.
“Ano yun?” tanong ko.
Parang kinakabahan ako.
[Ryan]
Parang kinakabahan ako.
“Uh, kasi ano. I-ikaw ba si, ano?”
“Huh? Sino?”
Ugh deym. Eto na nga!
“Ikawbayungsumusulatsakindatisapostits?”
[Bea]
“Huh? Am-ambilis mo magsalita, ‘di ko naintindihan!” pagsisinungaling ko.
Hala. Naalala niya ba yung nakita niya ‘kong sumusulat sa pink na post-it?! O sinabi ba ni Gab sa kanya? Nakooooo.
----
“Weh? Crush mo si Ryan?!”
“Wag ka maingay Gab! Baka may makarinig sayo!”
Nagmasid ako sa paligid ng Lover’s Lane. Wala namang tao, kaming dalawa lang.
“Ibig sabihin... Ikaw si Mystery Girl?” bulong niya sa akin.
Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya. Binaling ko ang tingin ko sa mesang kinauupan amin. Donated by Batch ’86. Inobserbahan ko na lang ang mga butil ng bato sa lamesa.
“Uy magsalita ka,” pilit niya.
Bakit ko pa kasi sinabi? Wala na. ‘Di ko na mababawi ‘to.
“Uy sumagot ka naman. ‘Ikaw nga ba si Mystery Girl?” Ang kuliiiiit ni Gab!
Pinagmasdan niya akong mabuti. Pakiramdam ko para akong ine-x-ray.
“Oo.”Asdfghjkl, nahihiya na akooo.
“Tama nga ako! Hahaha!”
“Eeeehhhhhh.” Inaasar pa ‘ko, nakakainis namang bestfriend ‘to.
Nakaramdam si Gab. Tumahimik at tumingin na lang siya sa lupa. Tumahimik na lang din ako..
Narinig namin ang mga batang nagtatakbuhan. Papunta silang New Building. Napansin nila kami.
“Yieee! nagde-date sila!” sabay takbo palayo.
“Ay grabe.” Napailing na lang ako.
“Teka Bey, ano bang nagustuhan mo kay Ryan?”
Uh... Matalino, sobrang humorous, musically-inclined, sporty, weird.
“Hindi ko alam.” Yun na lang nasagot ko.
“Pero, kailan pa?”
“Uh, nitong 2nd quarter lang. Lunch nun. Wala, first time ko siya nakitang tulala. Mukha talaga siyang malungkot. Kaya magmula nun ay parang gusto ko siyang pasayahin. Tapos, gusto ko malaman kung ano yung mga iniisip niya o kaya ang pananaw niya sa mundo at sa buhay.”
Tumatango lang si Gab.
“Eh ‘di ba nga seatmates kami sa halos lahat ng klase? Nanibago ako. Dati ang daldal niya, nung Elem pa lang tayo ang kulit-kulit niya na eh. Tapos bigla na lang siya naging reserved. Kaya ayun, na-curious ako.”
Awkward silence.
Biglang nagsalita si Gab at binasag ang katahimikan.
“Oh. Kaya ka nagbibigay ng post-its with words of encouragement?”
----
Nilakasan niya ulit yung tanong niya. “Sa-sabi ko, i-ikaw ba yung sumusulat sa ‘kin dati sa post-its?”
Nako Bea. Aamin ka na ba?
“A-ano yun?”
Ba’t ka pa nagsisinungaling?!
“Yung ano, uh, wa-wala. Wala. Wag mo ‘kong intindihin. Haha.” sabi niya.
Yan tuloy! Aynako, Bea!
Hindi, hindi pwedeng gan’to na lang.
[Ryan]
Sa itsura niya kanina, parang hindi niya alam yung sinasabi ko. Assuming lang ata talaga ako.
“Teka, magsi-cr lang ako.” Ugh, it’s so depressing.
“Sige Rai, mauuna na rin pala ako. May kailangan pa ‘kong puntahan eh.”
“Oh, ganun ba. Sige...”
“Bye. Salamat nga pala ulit.” Nginitian niya na naman ako. Pero ang lungkot ko pa rin.
Naghilamos ako sa cr. Tumingin ako sa salamin.
Hindi na pwede. May Gab na yun. Hindi na ko pwedeng umasa.
Lumabas na ‘ko para kunin yung gamit ko. Pagbalik ko sa lamesa, may nakita akong nakadikit sa bag ko.
Pink na post-it.
Napangiti ako. ●
TRESE: Chapter 12 - Mayo
Ang Trese ay isang serye ng iba't ibang magkakaugnay na kuwento na binuo, sinulat at pinaghirapan ng Media Center 2013 staff bilang kanilang creative writing project.Ang mga tauhan at mga pangyayari ay pawang kathang isip lamang. Hindi hango sa tunay na buhay o karanasan. Ang anumang pagkakahawig sa tunay na buhay ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. Walang bahagi ng kuwentong ito ang maaring ilathala at gamitin sa anumang paraan nang walang pahintulot ng may-akda.
[Ryan]
08 May
Onting tiis na lang, college student na talaga ako.
Nagmamadali akong umalis ng Registrar. Namimilipit na ang tiyan ko sa gutom. Ba’t kasi ‘di na naman ako nag-almusal kanina. Palagi na lang gan’to.
Naglakad na ako papuntang CASAA. Tirik ang araw. Grabe. Jinajabar na ako kanina pa. Ang baho ko na. Buti Downy Passion gamit namin.
Nasa may kanto na ako sa likod ng AS, nang may narinig akong tumawag sa pangalan ko.
“Ryan!”
Napalingon ako. Sa may tapat ng Zoology Building, may nakita akong babae, kumakaway sa akin.
“Ryaaaaaan! Hiiiiiiii!”
Uy, si Bea! Wagas naman makatawag ‘to. Haha. Kumaway ako pabalik. Nagmamadali siyang lumapit sa ‘kin.
“Uy, kamusta na?” tanong ko.
“Eto, tapos na ‘ko sa registration.”
“Naks. Buti ka pa.”
“’Kaw ba?”
“Hindi pa nga eh, kakain muna ‘ko, gutom na ‘ko eh,”sabay turo sa CASAA.”
“Tara sabay na tayo.”
Kasabay ko siya ngayong magla-lunch. Tadhana nga naman. Hihi.
Bago pa man kami makapasok, rinig mo na ang ingay ng mga estudyante. Ayun nga, tulad ng inaasahan, pagpasok namin, andaming tao. Buti nakahanap pa kami ng upuan sa may tapat ng Sizzler.
“Ano gusto mo Bey?
“Huh? Ako na!” sabi niya.
“Bakit ililibre ba kita?”
“Wag na ‘no.”
“Joke lang. Pero seryoso, ano gusto mo?”
“Yung pancit.”
“Okay. Ate, sisig nga po tsaka pancit, dine-in.”
“Ay. Okay. Salamat,” sabay ngiti sa akin.
Uy, wag mo kong ngitian. Kinikilig ako ano ba!
Pag-upo namin, inusog niya ang mga gamit niya. Nakita ko yung notebook niya. Puro doodle ang cover. Parang pamilyar...
“Ginagamit mo pa yan?” tanong ko.
“Ha? Alin?”
“Yung notebook. Di ba notebook mo sa Econ yan last year?”
“Ah... haha... yan kasi nadala ko eh,” sagot niya.
May naalala tuloy ako...
----
Last year, 28 September
Grade 10 – 2nd quarter, Lunch
“Goodbye and thank you, Sir Julius.”
Sa wakas, tapos na rin Health. Ang sakit na nung mata ko kapipilit ko lang magising. Nakakaantok talaga pag si Sir, ST kasi eh.
Gutom na ‘ko.
“Tara Ryan, kain,” yaya nina Francis at Nathan. Nako eto na si Martin. Mambuburaot na naman.
“Tara.” Pagtingin ko sa baon ko, sisig. Shet. ‘Di ako mamimigay. Haha.
Makalipas ang ilang minuto, dumating si Leia, may dalang pagkain galing sa canteen. Nilapitan niya ako.
“Rai, paano yung sa Social natin? Yung photo exhibit?”
“Ay shet onga! Sorry nakalimutan ko. Sobrang busy. Mamaya, usap tayo sa lib. Sabihan ko si Francis.”
“Sige, sige.”
Pagkatapos ko kumain, nauna na ‘ko papuntang library. May hahanapin din pala akong libro para sa English.
Pagdating ko, walang ibang estudyante. Umupo ako at nilapag ko yung bag ko. Nilabas ko yung notebook ko sa Social. Hinanap ko yung page kung saan ko dinikit yung guideline sa project, pero may iba akong nakita.
May nakaipit na pink na post-it. Ano ‘to?
“Hi Rai!
Wag ka masyado magpa-stress ha?
Give yourself time to relax. :)”
Sino ba talaga ‘to?!
Biglang dumating sina Francis at Gab.
“Rai! ‘Di ko na makita yung iba eh. Tayong tatlo na lang mag-usap,” sabi ni Francis.
“Uy, ano yang hawak mo?” tanong ni Gab.
“Ice cream, hindi ba halata?”
Nanlaki mga mata ni Francis. “Uy! Galing kay Mystery Girl na naman?”
“Yeah, eto oh.” Inabot ko sa kanilang dalawa yung post-it.
“Sino kaya talaga ‘to? Nakakalima ka na ah. Gwapo mo kasi talaga eh,” sabi ni Francis.
“Alam ko. Pero ang galing niya talaga. Timing siya palagi kung kailan down ako.”
“Ngayon ko lang nalaman ‘to ah! May secret admirer ka pala Rai. Haha,”sabi ni Gab.
“Admirer amp.” Pero sino kaya talaga ‘to? Panglima ko nang post-it ‘to mula sa kanya ah. Kahit hindi kita kilala, nagugustuhan na kita ah. Hihi.
----
Nalaglag yung tinidor na hawak ko. Bumalik yung utak ko sa CASAA. Bumalik yung ingay ng mga estudyante. Napatitig ako sa kanya. In-obserbahan ko siya.
“Bakit ganyan tingin mo?!” tanong niya.
“H-ha? Ah, eh, wala. May dumi ka sa pisngi.” Whew, muntik na.
[Bea]
Pinahid ko yung pisngi ko. “Meron pa ba?”
“Wala na,” sabi niya. Iniba niya ang usapan. “Ang galing mo mag-drawing,” sabay turo sa notebook ko.
“Haha. Sinabi mo na ‘yan dati, Rai...”
----
Last year, 4 September
Grade 10 – 2nd quarter
Lunch na. Busy ang lahat. Buwan ng Wika, function, thesis. Dagdag pa yung mga problema namin sa buhay.
Dalawa lang kami sa room. Siya at ako. Nakayuko siya at parang wala dito sa mundo. Tinitigan ko lang siya. Kanina pa parang may pinoproblema ‘to, pagpasok pa lang , nakasimangot na.
Inangat niya ang ulo niya at inalis ko ang tingin ko sa kanya. Kunwari may hinahanap ako sa bag ko.
Naramdaman kong tumayo siya.
“Bea, pabantay ng mga gamit ha. Canteen lang ako,” sabi niya.
Tumango na lang ako, ngumiti at kunwaring bumalik sa paghahanap sa bag ko. Kinuha ko yung file case ko nang hindi ko alam kung bakit. Pumunit ako ng papel at nag-doodle.
Natapatan ng fan ang mga papel niya at nilipad lahat. Pinulot ko isa-isa. Hindi ko namalayan na nandyan na pala siya,
“Bey?”
“Ay ikaw pala. Nilipad yung mga papel mo, inayos ko lang.”
“Salamat ha,” sabi niya. Bumalik ako sa upuan ako nang biglang, “Uy di akin to. Sa yo ba to?”
Yung drawing ko, nasama pala. “Ah... oo. Salamat.”
“Ang galing mo mag-drawing,” sabay-ngiti. Iba talaga yung ngiti niya.
----
[Ryan]
“Magaling naman talaga eh. Kaya nga di ba ikaw yung pinag-drawing nung para sa ticket sa function?”
“Demanding ka eh! Di ako makatanggi,” sagot niya.
“Ambaduy naman. Kain na nga lang tayo.”
Pero naalala ko yun. Hindi ko yun makakalimutan...
----
Last year, 2 October
“Uy, ang sweet niyo ah! Kayo na?”
Pasaway talaga ‘tong si Nathan. Perfect timing palagi.
“H-huh? Para kasi sa Function ‘to,” depensa ni Bea.
Sana nga, tayo na lang eh.
“Wushu, okay. Ryan tara na. Pinauuwi na kasi ako eh. Mag-shoot na tayo.”
“Sorry. May gagawin pa kasi talaga kami eh. Kaya mo na ba yan?” tanong ko kay Bea.
Ito naman kasing si Nathan eh.
“Onaman kaya ko na ‘to. Gawin niyo na yung Health project niyo, ako na bahala rito. Matagal pa naman yung sundo ko eh.”
Sayang. Gusto pa kitang makasama eh.
“Sigurado ka? Tsk. Sige na nga.”
“Ryan tara na pinauuwi na ako oh!” yaya ni Nathan.
“Oo na, eto na.”
Tumingin ako saglit kay Bea, pero nauna na siyang nakatingin sa ‘kin.
“Bye,” sabi ko na may kasamang ngiti.
Kinuha ko na yung mga gamit ko at lumabas ng homeroom. Hay.
“May battery ba yang SLR mo?” tanong ko kay Nathan.
Napangiti siyang nakakaasar. “Ba’t parang naiirita ka? Yiee, ikaw ah.”
“May battery ba yang SLR mo?”
“Oo nam-“
“Teka teka! Naiwan ko pala yung notebook ko. Kukunin ko lang.”
Pagbalik ko ng homeroom, nandun pa rin si Bea. At nagsusulat siya.
Sa post-it?
“Uh Bea, nakita mo yung notebook ko?”
Nagulat siya. Agad niyang tinago yung sinusulat niya.
“H-ha? Ah, ano. Ayun oh!”
Tinuro niya yung upuan dun sa may kanto. Doon nakapatong yung notebook ko.
“Uh, s-salamat. Bye.”
Nagmamadali akong umalis. Ang awkward ng eksena.
Sa post-it ba siya nagsusulat kanina? Teka, anong iniisip mo Ryan? Na siya si Mystery Girl? Ano ka sinuswerte?
----
Dalawang linggo ang lumipas at wala na akong natatanggap na post-it. Si Bea nga kaya talaga yun? Pero hindi talaga pwede eh. Magkaiba sulat nila. Mahiyain siya, ‘di niya magagawa yun. At, at isa pa. May Gab na yun...
Pero, Grade 6 pa lang may gusto ka na sa kanya. Ilang taon na ang lumipas. Pano kung siya nga? Eto na yung pagkakataon mo. Tanungin mo na.
Tiningnan ko yung wristwatch ko. 13:54.
“Nako! Pipila pa ‘ko sa Eng’g!”
“Ay oo nga, ‘di ka pa pala tapos,” sabi niya.
“Onga eh. Kailangan ko nang umalis.”
Nakakainis. Kung ‘di ko lang dapat matapos ‘to ngayon eh. Gusto pa kitang makasama.
[Bea]
“So, sige na?” tanong ko.
Nanghihinayang talaga ako. Baka hindi na tayo magkita ulit.
“Uh, wait. Bea. May itatanong kasi ako.”
Whoa. Ang seryoso ng boses niya ah.
“Ano yun?” tanong ko.
Parang kinakabahan ako.
[Ryan]
Parang kinakabahan ako.
“Uh, kasi ano. I-ikaw ba si, ano?”
“Huh? Sino?”
Ugh deym. Eto na nga!
“Ikawbayungsumusulatsakindatisapostits?”
[Bea]
“Huh? Am-ambilis mo magsalita, ‘di ko naintindihan!” pagsisinungaling ko.
Hala. Naalala niya ba yung nakita niya ‘kong sumusulat sa pink na post-it?! O sinabi ba ni Gab sa kanya? Nakooooo.
----
“Weh? Crush mo si Ryan?!”
“Wag ka maingay Gab! Baka may makarinig sayo!”
Nagmasid ako sa paligid ng Lover’s Lane. Wala namang tao, kaming dalawa lang.
“Ibig sabihin... Ikaw si Mystery Girl?” bulong niya sa akin.
Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya. Binaling ko ang tingin ko sa mesang kinauupan amin. Donated by Batch ’86. Inobserbahan ko na lang ang mga butil ng bato sa lamesa.
“Uy magsalita ka,” pilit niya.
Bakit ko pa kasi sinabi? Wala na. ‘Di ko na mababawi ‘to.
“Uy sumagot ka naman. ‘Ikaw nga ba si Mystery Girl?” Ang kuliiiiit ni Gab!
Pinagmasdan niya akong mabuti. Pakiramdam ko para akong ine-x-ray.
“Oo.”Asdfghjkl, nahihiya na akooo.
“Tama nga ako! Hahaha!”
“Eeeehhhhhh.” Inaasar pa ‘ko, nakakainis namang bestfriend ‘to.
Nakaramdam si Gab. Tumahimik at tumingin na lang siya sa lupa. Tumahimik na lang din ako..
Narinig namin ang mga batang nagtatakbuhan. Papunta silang New Building. Napansin nila kami.
“Yieee! nagde-date sila!” sabay takbo palayo.
“Ay grabe.” Napailing na lang ako.
“Teka Bey, ano bang nagustuhan mo kay Ryan?”
Uh... Matalino, sobrang humorous, musically-inclined, sporty, weird.
“Hindi ko alam.” Yun na lang nasagot ko.
“Pero, kailan pa?”
“Uh, nitong 2nd quarter lang. Lunch nun. Wala, first time ko siya nakitang tulala. Mukha talaga siyang malungkot. Kaya magmula nun ay parang gusto ko siyang pasayahin. Tapos, gusto ko malaman kung ano yung mga iniisip niya o kaya ang pananaw niya sa mundo at sa buhay.”
Tumatango lang si Gab.
“Eh ‘di ba nga seatmates kami sa halos lahat ng klase? Nanibago ako. Dati ang daldal niya, nung Elem pa lang tayo ang kulit-kulit niya na eh. Tapos bigla na lang siya naging reserved. Kaya ayun, na-curious ako.”
Awkward silence.
Biglang nagsalita si Gab at binasag ang katahimikan.
“Oh. Kaya ka nagbibigay ng post-its with words of encouragement?”
----
Nilakasan niya ulit yung tanong niya. “Sa-sabi ko, i-ikaw ba yung sumusulat sa ‘kin dati sa post-its?”
Nako Bea. Aamin ka na ba?
“A-ano yun?”
Ba’t ka pa nagsisinungaling?!
“Yung ano, uh, wa-wala. Wala. Wag mo ‘kong intindihin. Haha.” sabi niya.
Yan tuloy! Aynako, Bea!
Hindi, hindi pwedeng gan’to na lang.
[Ryan]
Sa itsura niya kanina, parang hindi niya alam yung sinasabi ko. Assuming lang ata talaga ako.
“Teka, magsi-cr lang ako.” Ugh, it’s so depressing.
“Sige Rai, mauuna na rin pala ako. May kailangan pa ‘kong puntahan eh.”
“Oh, ganun ba. Sige...”
“Bye. Salamat nga pala ulit.” Nginitian niya na naman ako. Pero ang lungkot ko pa rin.
Naghilamos ako sa cr. Tumingin ako sa salamin.
Hindi na pwede. May Gab na yun. Hindi na ko pwedeng umasa.
Lumabas na ‘ko para kunin yung gamit ko. Pagbalik ko sa lamesa, may nakita akong nakadikit sa bag ko.
Pink na post-it.
“Hi Rai!
Wag ka masyado magpa-stress ha?
Give yourself time to relax. :)
- Bea”
Napangiti ako. ●
kyooot
ReplyDeleteang astig naman! :) ang cute ng story :) #13est :)
ReplyDeletekiligz
ReplyDelete