chapter 10,

TRESE: Chapter 10 - Marso

10/09/2012 08:00:00 PM Media Center 2 Comments

Ang Trese ay isang serye ng iba't ibang magkakaugnay na kuwento na binuo, sinulat at pinaghirapan ng Media Center 2013 staff bilang kanilang creative writing project.

Ang mga tauhan at mga pangyayari ay pawang kathang isip lamang. Hindi hango sa tunay na buhay o karanasan. Ang anumang pagkakahawig sa tunay na buhay ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. Walang bahagi ng kuwentong ito ang maaring ilathala at gamitin sa anumang paraan nang walang pahintulot ng may-akda.




Biyernes


[Abe]

Umuulan.

Summer na pero umuulan. Kamalasan ko talaga, kung kelan mag-isa lang akong pupunta sa school, kung kelan nag-away na naman kami ni mommy. Maglalakad sa ulan. Leche, umaga pa lang BV na.


[Leia]

Umuulan.

Buti maaga yung service, aabot pa naman ata kami sa time, mas okay na di magka-pink slip noh.

Bakit ba puro reklamo yung mga kasama ko sa ulan? Gusto ko kaya yung ulan. Parang mas lumilinaw ang mga bagay… pwede ba yun? Kaso... Marso? Kakaiba naman. May mangyayari kaya?


[Abe]

“Uyyyy, Abe, ba’t ka naka-simangot? Alam ko na! May joke ako! Sinong superhero ang hindi makaamin sa gusto niya?”

Hindi ko masagot si Leia. Nadadala talaga ako ng inis ko.

“Edi si Thor-pe! Uy, tawa ka naman!”

Parang ewan talaga tong si Leia, buti na lang ganda niya.

“Lunch naman tayo, Abe! Sige na! Tagal ko nang di nakakasama best friend ko eh. Sa Birdcage tayo! Pleaaaasee!”

“Sorry Leia ah, may SC meeting eh. Sa susunod na lang. Hanapin mo na lang muna si Dan.”


[Leia]

Ang lakas talaga ng kutob kong iniiwasan ako ni Abe. Hay nako. Ano na naman nangyari dun? Nanay niya kaya? Bahala na nga muna. Mag-aaral na la-

“Leia!”

Uy, si Dan...


Balak ko pa naman siyang iwasan ngayon pero nandito na siya, wala na akong magagawa.
Ka-stress naman kasi. Dami-daming kailangan gawin: May forms, mga requirements, kailangan ko mag-maintain ng average para sa honors. Minsan, nahuhuli na yung sarili ko. Tapos, iniiwasan pa ako ni Abe.

"Leia.."

Biglang nagising ako sa kakaisip, kinakausap pala ako ni Dan.

"Ano ulit?" sagot ko.

Ngumiti siya.

"Tinatanong ko lang kung kumain ka na ba."

"Ano ba, Dan! Pwede ba wag ka munang tanong ng tanong, hanggang sa’yo ba naman! Stressed na stressed na nga ako eh!"

Nakita kong bumagsak mukha niya bago ako umalis pero kinailangan kong mag-isa.
Balak kong magtago sa Lovers Lane kaso andun sina Francis at Ryan, ayokong magpakitang ganito, baka sabihin pa kay Abe, mag-alala pa. Kaya napadpad ako sa library buong lunch.

Uuwi na lang din ako nang maaga, nakaka-bad mood naman kasi eh.



[Abe]

Napansin din ata ni Sharon yung mood ko, nag-joke din siya sa akin. Pero wala talaga eh. Naiiinis lang talaga ako.

Paulit-ulit akong tinatanong kung saan ako magka-college, anong balak ko...

“Ano ba meron?” tanong ni Sharon.

“Ah, kasi hindi ko masyadong kinibo si Leia kanina,” sagot ko.

“Ha? Bakit? Naku, magtatampo yang best friend mo. Kilala mo naman yun. Madaling magalit, mahirap magpatawad.”

Tama si Sharon. Kailangan kong bumawi.

Sinubukan kong habulin si Leia nung uwian kaso nagmamadali ata. Di ko tuloy naabutan. Sayang.


Lunes


[Abe]

Buti na lang may NSTP. Kaso ang layo ni Leia. Di ko tuloy makausap. Si Sharon naman, nandito para sa Cadet meeting kaya siya ang katabi ko, siya ang nangungulit sa’kin. Di ko lang siya masyado mapansin, ang daming nasa isip ko.

“Abe, alam mo ba...” satsat ni Sharon.

Binalik ko ang tingin ko kay Leia. Mamaya na lang pagkatapos nito.

----

Wala nang masyadong tao pagkatapos ng NSTP. Kami-kami na lang magkakabarkada naghihintay ng sundo.

“Uy! May shopping cart!!” sigaw ni Leia.

“Kunin niyo, dali!!!” sigaw naman ni Bea.

“Papagalitan tayo, uy! Baka masistante pa ako sa pagka-president ng SC!”

“Nako, Abe, chill. Let loose. Kaya ka BV lagi eh. Minsan lang.” Nginitian ako ni Leia. Sino ba naman kasi makakatanggi sa ngiting yun?


[Leia]

“RYAN!!! IKOT!!!!” Ang lakas ng sigaw ko habang tinutulak kami sa shopping cart.

Magkakatabi kami nina Bea at Abe. Ang saya talaga kasama ng mga ‘to, yung tipong nawawala mga problema mo kahit sandali.

“Leia, pagod na ako. Iba naman.” Talaga naman tong si Ryan.

“Ikaw naman Abe!” Nagreklamo muna siya pero tinuloy naman nung kumag.


[Abe]

Nagsiuwian na yung barkada kaya niyaya ko si Leia bumili ng milk tea. Magdidilim na pero wala pa rin sundo niya. Wala na akong maisip na itanong o sabihin.

"Kumusta na kayo ni Dan?"

Tae. Nagtatanong ako ng ayaw ko naman malaman yung sagot.

"Eto, malabo. Nagalit ako nung isang araw kahit wala naman siyang ginagawa. Kasalanan ko..."

Masaya ako kaso hindi dapat. Kaibigan ko rin si Dan, pero… ewan.

Sabay bigla na namang umulan.

"ANO BA YAN! ULAN NA NAMAN!" Inis na ang boses ko pero natutuwa na ako. Wala na akong pake sa ulan.

"Relax lang, Abe! Ulan lang yan! Tao? Tao? O, ikaw, musta love life?"

Je pense que je t'aime. Gusto ko sabihin. Kumakabog ang puso ko. "I think that I love you." Kaya ko bang sabihin?

Tumawa na lang ako. "Ewan ko rin eh. Wala. Malungkot pa rin. Wala namang nagkakagusto sa akin eh."

Bigla siyang lumapit.

Labi niya sa pisngi ko.

Dumating na yung sundo ni Leia.

Nagsisimula na akong matuwa sa ulan.


[Leia]

Hindi ko maalis sa isip ko yung ginawa ko. Stressed lang talaga ako nun. Ang daming kailangan matapos. Wala pa ako sa tamang pag-iisip, nag-away pa kami ni Dan tapos ang lungkot nung bespren ko.

Kaso di pwede excuse yun kasi hindi tama ginawa ko. Oo nga, ganun kami... pero... di talaga eh. Badtrip lang talaga ako nun at saka mukha talagang malungkot si Abe. Hindi ko lang kinaya makita siyang ganun.

Bespren ko lang si Abe. Alam naman niya yun eh…. Di ba?

Nako, ka-stress na naman nito!

Gagawa na nga lang akong homework....

Kaya lang nakakadistract ang ulan. Gusto ko naman pag umuulan kaso ngayon... bakit parang masyadong malamig?


[Abe]

Nakauwi na pala si Mommy. Hinga ng malalim. Punas ng pawis. Away na naman ‘to.

Lumaki ako sa away. Sa gulo. Sa iyakan. Puro na lang kasi ganun mga magulang ko. Lumaki akong hindi nila napapansin. Ako nagluluto. Ako naglalaba. Sila, nag-aaway lang. Pero ngayon, wala na si Daddy. Kung matatawag nga talaga siyang “daddy”.

Pinabayaan ako tapos ngayon ako lagi pinapansin!

“Abe! Sige na, mag-Engg ka na sa Ateneo. Pasado ka na naman eh. Naka-scholarship ka pa. Wag mo na ituloy yang Creative Writing sa UP. Andito na eh.”

Kumukulo na talaga dugo ko.

“Ma! Ayoko nga diyan. Itutulak niyo ako jan tapos malulungkot ako pag nagka-trabaho na ako? Hindi talaga pwede, Ma. Respetuhin niyo naman ni dad desisyon ko, kahit ngayon lang. Mahal ko kayo, hindi ko magagawa itong desisyon na ‘to pag di kayo pumayag kaya Ma, sige na.”

Nagulat ata nanay ko kasi ito yung unang beses na linabas ko totoo kong nararamdaman.

“Sige na, anak. Sige na. Kung saan ka na masaya.”

Lumuha nanay ko. Di ko rin napigilan. Ang drama na namin, may payakakap-yakap pa.


Huwebes

[Abe]

Makikita ko na si Leia.

May SC meeting. Daming make-up requirements. Kailangan kong humabol…

Pero makikita ko si Leia.

-----

Bakit… parang… iniiwasan niya ako? May ginawa ba ako?

“UY ABE!” sigaw ni Sharon. Hmm, baka may kailangan para sa SC?

-----

Hanggang uwian di niya ako pinapansin. Kaasar naman. Bigla na lang ganun. Makauwi na nga lang.


[Leia]

Pumasok na si Abe galing dun sa 2-day seminar nila. Ano ba yan!? Anong sasabihin ko!!! Awkward naman nito. Nako, hayaan na lang….

----

Sinubukan kong iwasan si Abe buong araw. Buti na lang nagawa ko. Uwi na nga ako ng maaga para – Shucks. Si Dan... palapit na siya sa akin.

----

“Leia...”

“Uy, Dan...”

“Pwede ba tayo mag-usap?”

Eto na… Ayoko talaga ng confrontation eh. Naupo kami sa may PA room.

“Okay ka lang ba?” tanong niya.

“Ha? Oo naman,” sagot ko.

“Kasi parang… ewan. Kinakabahan ka... ganun.”

Hindi ko na kaya. Nakaka-guilty.

“Dan…. May aaminin ako sa ‘yo...”

Bigla na lang kumulog na malakas.


Biyernes


[Leia]

Buong gabi kong inisip sinabi ni Dan. Ito ring buong araw na 'to, yun lang ang nasa isip ko...

“Dan..”

Hindi na niya ako pinagsalita.

“Leia, kung ano man yan, wag mo na sabihin. Nakikita kong medyo hirap ka na, at ayoko nang dumagdag. Andito lang ako para sa’yo."

Hindi ko na rin alam ang sasabihin ko. 

Nagpatuloy siya, "Kung tungkol man sa atin yan, sa paglapit mo pa lang sa akin para umamin, nakikita ko na na... iniisip mo rin ako. Ayaw mo rin akong masaktan kaya okay na.”

Hindi ko na lalo alam isasagot ko kay Dan nun. Hindi kinaya ng powers ko sagot niya.

Mahal pala talaga ako ni Dan…

… at mahal ko din siya.

Walang lito o kahit ano.

Yun na talaga.

“Walang iwanan ah?” Bigla ko lang nasabi.

Nginitian niya ako.

“Oo naman.”

----

Pauwi na sana ako nung chinika ako nila Sophia tungkol sa kalokohang ginawa nila Clara at Elise. Tapos tinawag ako ni Abe.

May sasabihin daw. Sumama na ako sa bird cage kasi may sasabihin rin ako...



[Abe]

“To leave poor me thou
hast the strength of laws,
Since why to love I can
allege no cause.”

Sonnet 49 ni Shakespeare.

Ang hirap. May boyfriend ka na. Pero mahal kita. Bestfriends lang tayo. Pero mahal kita.

Kasama ni Leia ang mga kaibigan niya. Kahit makulimlim ang langit, mukhang uulan, masaya ako. Naririnig ko ang tawa, nakikita ang ngiti ni Leia. Hindi ko na napigilan.

Tinawag ko na siya.

“Leia, may sasabihin ako sayo. Pwede ba tayong mag-usap?”

Pumunta kami sa bird cage.


“Abe, ano yun? Kasi ako rin may sasabihin," sabi niya.


Baka aamin na siya. O magpapaliwanag.


Bigla na lang bumuhos ang ulan. Bago pa siya makaalis. Hinila ko ang kamay niya.

Lumingon siya sa akin. Hindi ko maipinta ang mukha niya. Magsasalita na sana siya pero inunahan ko na. Bahala na basta kailangan malaman na niya.


[Leia]

Kailangan kong sabihin na mahal ko si Dan at hindi na pwede mangyari sa amin kung ano mang iniisip niya.

Sasabihin ko na sana kaso bumuhos ang ulan. Aalis na ako nang kunin ni Abe kamay ko.
Lilingon na ako para sabihin sa kanya pero nauhan niya ako.

“Leia, mahal kita.“ 

You Might Also Like

2 comments:

  1. Mr. Abe is very intellectual. Nakaka-nosebleed. XD

    Nakakabitin din. -_-

    ReplyDelete
  2. Onga, bat parang ang ikli? Haha pero coooool

    ReplyDelete