Showing posts with label Viper. Show all posts

Literary: I love you fam





Bliss
This is my family
living peacefully and happily.
Not a single moment passes
that we don’t have each other’s backs.

Guidance
Our father is the pillar of our home.
His love is beyond compare.
We go to him in times of need
and he would help without missing a beat.

Comfort
Our mother is the light of our home.
As we were growing up she guided us.
Whenever we fall, she’s ready to catch us.
The warmth of her love forever lasts.

Helping hand
We share our laughters and gaiety
and even our sorrow and misery
because together, we can defeat any storm
no matter how strong or windy.

Connection
We have a special bond,
something that can be neither taken nor severed,
or even disappear
because of the love we hold dear.


Literary: Your True Home




We all dream of a place we can call our home.
Home is where we go when we feel low.
It lifts us up every time we fall,
the reason why we keep going
and why we keep on trying.
It’s where we feel the most secure
and the most comfortable.
We can truly be ourselves without people's judgement.
It is a place that feels warm and inviting,
a place where time flies without us noticing.
I am blessed to have something so precious.
Not everyone can easily find where they truly belong.
They keep on searching for the right design and interior,
but are these what matter the most?
Some people call it home,
but I simply call it family.




Literary: Helping Hand



I've been walking on this path
for a short period of time
that has felt like forever.
The ballistic bone-chilling wind
and the hazy night compel me
to stop and be still.
But hopelessness is just starting.
Chains are dragging my feet
until I have no choice but to stop.
Anchors latch on to my arms,
pulling me further into the dark.
If only the sun shines on me,
maybe this path wouldn’t be this hard.
Then, a hand engulfs mine,
bringing back my spirit,
taking the weight off me.
Your hand gives a reassuring squeeze
and suddenly, energy spreads through my body. 

Suddenly, nothing feels uncertain.
The wind is a brush on my cheek,
the moon once concealed by clouds
now casts a light
and makes my night clear.
Hope finally envelops me.
No chains or anchors are pulling me
down to the ground.
It doesn’t matter if the sun shines or not.
I no longer expect the sun
to save me from the dark.
Just the warmth of your hand is enough to keep me on track.

Literary: Sa Loob Ng Kahon




Ako'y nakahiga sa aking kama
Mag-isa, sa kisame nakatingala
Rinig ko ang mahinang bulong ng mga tao,
mistulang may lumbay at awa ang tono.

Ako'y napabuntong-hininga.
Dumilim na sa labas, palatandaan kong gabi na.
Wala akong nagawa buong maghapon.
Sayang ang oras, ba't ‘di ako bumangon?

Marami akong gustong gawin,
Mga pangarap na nais abutin.
Hayaan mo na, may bukas pa!
‘Tsaka na, pagbangon ko sa umaga.

Kay lamig ng susunod na araw.
Parang may iba, hindi ako makagalaw.
Nakahiga pa rin ako sa aking kama
na mistulang lumiit, naging kahong parihaba.

Hanggang ngayon ay rinig ko sila,
bulungan ng mga taong may kasama ng luha.
Biglang may sumilip sa maliit na kahong parihaba 
at sinabing, "Agad ka sa aming kinuha, biglaan naman yata...”

Literary: Sarili at Salamin



Salamin, salamin
May nais ka bang sabihin
Mga hindi maganda sa iyong paningin
Nang akin namang tuluyang mapansin

Salamin, salamin
Sino itong nasa aking harapan?
Parang iba ang kaniyang katawan
Hindi naman ako balingkinitan

Salamin, salamin
Sino ang nasa salamin?
Siya ay nakangiti
Parang makukuha ka sa isang ngisi

Salamin, salamin
Maaari mo na bang sabihin sa akin?
Kailangan ko ba itong sundin?
Ikaliligaya ba ito ng aking damdamin?

Makinig sa iyong tinig na bumubulong
at hindi sa ingay ng pagdikta na kinukulong
ang nagsusumamong sarili,
na dahilan upang ang iyong tunay na minimithi ay hindi mapili.

Ano ba ang iyong nais?
Ang bagay na iyong tinitiis?
Hindi mo na kailangan pang magkunwari
at sumunod sa sinasabi ng marami

Ikaw at wala nang iba
ang may kakayahang magdikta
ng mga bagay na gusto mong gawin.
Hayaang lumaya ang damdamin.

Huwag pakinggan ang sinasabi ng iba.
Hindi sila ang susi upang ikaw ay lumigaya.
Gawin ang sinasabi ng kalooban
at hindi ang utos ng kung sino man.

Literary: Kahit na Ako'y Kumupas



Mula sa pagiging magandang bulaklak
Sa paglipas ng panaho'y nalalanta
Kulay nito ay kumukupas
Pati na ang nakaaakit na halimuyak

Ang hindi ko maintindihan ay kung
Bakit lahat ng bagay ay may katapusan.
Bakit kahit ang malapit sa iyong puso
Sa paglipas ng panaho'y, umaalis, namamaalam.

Upang maging mayabong ang bulaklak
Dapat ito’y iyong laging alagaan,
kausapin at diligan
Nang ang kulay ay hindi kumupas
Pati na ang nakaaakit na halimuyak.

Kailangan mong tanggaping tapos na
Upang iyong maintindihan
Na ang bawat isa ay may tanging oras
Sa paglipas ng panahon ay natatapos, lumilisan
Ngunit ang alaala niya para sa iyo ay magpakailanman.

Literary: Nag-iisa




Napakunot ang aking noo
nang mapagtantong dito ako dinala
ng aking sariling mga paa
sa lugar na hatid sa iba'y ligaya.
Mga ilaw na mistulang bahaghari,
mga kawili-wiling tugtog,
at mga pagkaing itinitinda ,
idagdag mo pa ang mga rides na nakakahilo
na dahilan ng mga pagtawa...
Tunay ngang ako lang ang naiiba.

Sa malayo matatanaw,
pamilyar na ferris wheel na kinagigiliwan.
Naaalala ko pa nang huling dito ay mapunta,
gaya rin ako ng iba na puno ng saya at may kasama,
may kakwentuhan, katawanan,
na may isang kamay na sa iyo ay hindi bibitiw.
Ngayon, nanatili na lang ang mga alaala
na sa bawat pikit ng mata'y palaging nakikita.
Marahil ito rin ang dahilan kung bakit patuloy dito
bumabalik kahit mag-isa na lang.
Dahil ito ang lugar na minsan ko ring nagustuhan,
lugar na kahit saan ka lumingon,
may alaalang hindi nawawala, hindi kumukupas.

Sa tabi ay naghihintay,
Patuloy iniisip ang mga ngiting nakapalibot sa akin.
Tunay ba ang mga ito?
Ano kaya ang pakiramdam ng muling sumaya kahit mag-isa?
Napagtanto kong kahit naiiba ay hindi lilisan.
Magbabakasakaling ang kanilang saya ay aking muling mararanasan.