Anatheia,
Salamin, salamin
May nais ka bang sabihin
Mga hindi maganda sa iyong paningin
Nang akin namang tuluyang mapansin
Salamin, salamin
Sino itong nasa aking harapan?
Parang iba ang kaniyang katawan
Hindi naman ako balingkinitan
Salamin, salamin
Sino ang nasa salamin?
Siya ay nakangiti
Parang makukuha ka sa isang ngisi
Salamin, salamin
Maaari mo na bang sabihin sa akin?
Kailangan ko ba itong sundin?
Ikaliligaya ba ito ng aking damdamin?
Literary: Sarili at Salamin
Salamin, salamin
May nais ka bang sabihin
Mga hindi maganda sa iyong paningin
Nang akin namang tuluyang mapansin
Salamin, salamin
Sino itong nasa aking harapan?
Parang iba ang kaniyang katawan
Hindi naman ako balingkinitan
Salamin, salamin
Sino ang nasa salamin?
Siya ay nakangiti
Parang makukuha ka sa isang ngisi
Salamin, salamin
Maaari mo na bang sabihin sa akin?
Kailangan ko ba itong sundin?
Ikaliligaya ba ito ng aking damdamin?
Makinig sa iyong tinig na bumubulong
at hindi sa ingay ng pagdikta na kinukulong
ang nagsusumamong sarili,
na dahilan upang ang iyong tunay na minimithi ay hindi mapili.
Ano ba ang iyong nais?
Ang bagay na iyong tinitiis?
Hindi mo na kailangan pang magkunwari
at sumunod sa sinasabi ng marami
Ikaw at wala nang iba
ang may kakayahang magdikta
ng mga bagay na gusto mong gawin.
Hayaang lumaya ang damdamin.
Huwag pakinggan ang sinasabi ng iba.
Hindi sila ang susi upang ikaw ay lumigaya.
Gawin ang sinasabi ng kalooban
at hindi ang utos ng kung sino man.
0 comments: