danzar dellomas,

Photo Series: Doble Dos Glow-up

3/06/2020 07:35:00 PM Media Center 0 Comments



Iba’t ibang pasabog ang inihahain ng Batch 2022 sa Powerdance Competition taon-taon. Ang bawat miyembro ay umindak kasabay ng bawat ritmo ng kanta sa kanilang taon-taong pagtatanghal. Kahit tapos na ang kanilang laban sa kompetisyon, mananatili pa rin sa mga puso at isipan ng bawat isa ang kanilang mga iniwang sayaw at sigaw para sa lahat. Sa katunayan, unang beses ulit na magkaroon ng back-to-back champions sa Powerdance Competition mula noong 2013. Kaya naman ating balikan at pagmasdan ang paglago ng bawat isa at pagningning nang sama-sama ng back to back champion--Doble Dos!

UPIS DAYS 2016: IdealISKO
POWERDANCE COMPETITION: IdealISKO
3RD RUNNER-UP

IDEALISKO. Masayang itinatanghal ng Batch 2022 ang kanilang presentasyon sa kalagitnaan ng ulan. Photo Credit: Onise Manas

SAYAW. Masiglang isinasayaw ng Doble Dos ang kanilang mga steps sa kompetisyon. Photo Credit: UPIS Media Center

CHEER. Binuo ng Doble Dos ng 22 sa kanilang formation sa kanilang pagtatanghal. Photo Credit: UPIS Media Center

Kahit unang pagkakataon pa lamang nilang sumali sa kompetisyon, nanaig pa rin ang lakas ng loob ng bawat isa at ibinigay nila ang lahat ng kanilang makakaya. Puno ng sigla ang Doble Dos habang nagtatanghal kahit pa humiga sila sa lupa sa kalagitnaan ng ulan.

UPIS DAYS 2018- Iskolor: Iba-ibang Kulay, Lahat Pantay-pantay.
POWERDANCE COMPETITION: Himigdakan: Talentong Makukulay, Buhay na Buhay!
1ST RUNNER-UP

ISKOLOR. Makulay na ipinepresenta ng Doble Dos ang kanilang pagtatanghal sa madla. Photo Credit: Onise Manas

KULAY. Ipinakita ng Doble Dos ang makukulay nilang kasuotan sa kanilang sabay-sabay na paghiga sa lupa. Photo Credit: UPIS Media Center

BAHAGHARI. Nakangiti nang malawak ang Doble Dos suot ang kanilang makukulay na kasuotan para sa pagtatanghal. Photo Credit: Gian Manalo

Panibagong taon, panibagong sayaw na punong-puno ng kulay at enerhiya! Paano nga ba naghahanda ang Doble Dos sa taunang kompetisyon. Ano nga ba ang kanilang mga sikreto?

Maaga silang nagpaplano upang hindi mag-cram at para na rin may magawa ang batch sa simula pa lamang ng pag-eensayo. Hinahati-hati agad nila ang mga gawain at bumubuo pa ng mga committee para mas mabilis ang trabaho. Ngunit hindi lang iyon! Nagkakaroon din sila ng teambuilding bago at habang nag-eensayo para mas maging matibay at matatag ang samahan ng bawat isa.

UPIS DAYS 2019- Sandigan: Magkakasama, Magkaagapay, Magtatagumpay.
POWERDANCE COMPETITION: Kilos Kalikasan
CHAMPION

SANDIGAN. Itinatanghal ng Doble Dos ang kanilang malikhaing formation kung saan sila naging unang kampeon. Photo Credit: UPIS (Facebook account)

KALIKASAN. Bigay-todong isinasayaw ng Doble Dos ang kanilang presentasyon suot ang kanilang mga handmade headpiece. Photo Credit: Ron Castro

PULA. Ipinagdiriwang ng Doble Dos ang kanilang victory party suot ang kanilang mga batch shirt. Photo credit: Gian Manalo

Ano nga ba ang taglay ng Doble Dos at nakamit nila ang pinakauna nilang kampeonato?

“Unity & Humility”

“Kahit na ang ilan sa amin ay may 'di pagkakaunawaan, kahit na may mga makukulit, inisan, at iba pa ay napagbubuklod kami ng iisang layunin – ang maging matagumpay at masaya ang aming sayaw. At kahit na nanalo kami noong nakaraang taon, hindi namin hinayaan na maging kampante kami ngayong taon. Binuhos pa rin namin ang lahat ng makakaya namin sa bawat araw na kami ay mag-eensayo” saad ni Onise Manas.

UPIS DAYS 2020: Agimat: Sarili’y Iangat, Pag-ibig Ipalaganap.
POWERDANCE COMPETITION: Manaig: Tibok ng Tagumpay
CHAMPION

AGIMAT. Magkakayakap ang Doble Dos sa pagpapakawala ng mga pulang lobo na hugis puso. Photo Credit: Prof. Cathy Atordido

MASKARA. Puno ng enerhiyang isinasayaw ng Doble Dos ang kanilang presentasyon suot ang mga maskara nila. Photo Credit: Media Center

KAMPEON. Magkakasamang ngumiti ang Batch 2022 pagkatapos ianunsyo ang kanilang back-to-back na pagkapanalo. Photo Credit: Gian Manalo

“Manalo o matalo, iisa pa rin kami!”

“Hindi naman po sa lahat ng pagkakataon ay lagi kaming panalo kaya mas pinaniniwalaan po namin na basta iisa kami at alam naming kumikilos kami bilang isang batch, panalo na kami ‘dun” saad ni Onise Manas.

Nakalulungkot mang isipin na hindi na kasali ang Doble Dos sa susunod pang mga kompetisyon, pero ‘wag kang mag-alala dahil hindi pa dito natatapos ang lahat! Marami pang sorpresa ang inihanda ng Doble Dos dahil iindak pa rin ang bawat isa sa kanila. Kaya atin silang abangan muli na sumayaw sa susunod na taon bilang mga ate at kuya ng UPIS! //ni Danzar Dellomas



--------------------
ERRATUM: The 7th and 10th pictures were not taken by Onise Manas as written in the first version of the article. They are from the UPIS Facebook page and Prof. Cathy Atordido respectively. We apologize for the mix-up.

You Might Also Like

0 comments: