filipino,
Isang guro
At estudyante
Sa silid ng paaralan
Dalawang lata ng pintura
Sa kanilang harapan.
Iniutos ng gurong
Ipakita ang imahe
Ng kasamaan at kabutihan
Pinulot ng bata ang pampintura
At sinimulan ang iniatas
Minuto lamang ang lumipas
Bago matapos.
Isang dating blangko at buong kuwadrong
Nakatapat sa kanila
Ngayo'y may malinaw na hati
Itim at puti
Isang manipis na linya lamang ng pagtatagpo
Sa gitna.
Tiningnan ng guro
At hinanap sa bata ang kulay-abo.
"Posible po ba talaga ‘yon?"
Literary: Sa itim o sa puti?
Isang guro
At estudyante
Sa silid ng paaralan
Dalawang lata ng pintura
Sa kanilang harapan.
Iniutos ng gurong
Ipakita ang imahe
Ng kasamaan at kabutihan
Pinulot ng bata ang pampintura
At sinimulan ang iniatas
Minuto lamang ang lumipas
Bago matapos.
Isang dating blangko at buong kuwadrong
Nakatapat sa kanila
Ngayo'y may malinaw na hati
Itim at puti
Isang manipis na linya lamang ng pagtatagpo
Sa gitna.
Tiningnan ng guro
At hinanap sa bata ang kulay-abo.
"Posible po ba talaga ‘yon?"
Sa mundong nababalot ng kadiliman
Mayroon pa ring sumisilip na sinag ng liwanag
Hindi man nakikita ng mga mata
Alam kong taglay ng karamihan
Kabutihan
Kaygandang katangian
Maaaring mabalot ng kadiliman
Pero hindi pa rin mapipigilan
Nagsisilbing liwanag ng bawat isa
Gabay natin tungo sa mapayapang kapaligiran
Kahit ang mundo’y nababalot ng kaguluhan
Sa dulo'y nasa atin pa rin ang sagot
Sagot sa mahalagang katanungan
“Posible bang magkaroon ng mabuti sa isang mundong puno ng kasamaan?”
Dahil tayo ang may hawak ng ating desisyon,
Desisyon sa kung ano ba ang paiiralin
Ang kasamaan ba o kabutihan?
0 comments: