danzar dellomas,

Trinity University of Asia, nagdaos ng career talk

3/02/2020 07:30:00 PM Media Center 0 Comments



TALAKAYAN. Ibinabahagi ni Dr. Ferdinand Bunag ang mga kurso ng Trinity University of Asia sa Batch 2021. Photo Credit: Prop. Stella Pascual

Nilahukan ng mga mag-aaral mula Grado 11 at 12 ang dalawang araw na career talk sa pangunguna ng Trinity University of Asia noong Pebrero 18 sa Guidance Testing Room, at Pebrero 20 sa Audio-visual Room ng UPIS 7-12 Building.

Layunin ng talk na ipakilala ang Trinity University of Asia bilang isa sa mga paaralan na maaaring pagpilian at pasukan ng mga mag-aaral sa kolehiyo, gayundin ang mga kursong maaari nilang kunin sa nasabing institusyon.

Naging tagapagsalita para sa Batch 2021 at mga mag-aaral ng Business Track ng Batch 2020 sina Dr. Pong Trinidad, Dr. Ferdinand Bunag, Dr. Rufo Agarrao, at si Bb. Jinky Gamit. Pinalitan naman ni G. Caleb Coniante si Dr. Bunag bilang tagapagsalita para sa mga mag-aaral ng Applied Sciences and Engineering Track ng Batch 2020.

“Maganda ang programa dahil nag-i-introduce siya ng other options for us sa college. It’s a nice introduction, pero siyempre kailangan pa rin mag-research about the school, ask about their curriculum, scholarships, etc.” saad ni Julianne Sasing, isang kinatawan mula sa Applied Sciences and Engineering Track ng Grado 11.

“Sobrang nakakatulong para sa ‘kin iyon dahil pinapakita nila na marami pang choices kung anong course ang pwede mong kunin sa college at maraming options din kung saan ka pwede mag-aral if may pino-promote sila na schools, especially if may certain field ka na gusto. It taught me to be more open to be in other schools at ‘wag lang isipin na dapat nasa UP or any of the Big 4 universities ka lang mag-aral para maging successful ang iyong life and career kasi who knows, mas maganda ang oppotunities pala sa iba.” saad ni Kayla Vega, isang kinatawan mula sa Applied Sciences and Engineering Track ng Grado 12. //ni Danzar Dellomas

You Might Also Like

0 comments: