Elliot,

Literary: Kahulugan ng Kinabukasang Umuulit Lamang

3/13/2020 08:55:00 PM Media Center 0 Comments



Matatapos pa kaya ang lahat ng ito?
Araw-araw na lamang
Paulit-ulit ang lahat
Paikot-ikot ang mga pangyayari

Araw-araw, pare-pareho
Araw-araw, walang usad
Araw-araw, kailan kaya ito magbabago?
Matatapos pa kaya ang lahat ng ito?

Paulit-ulit, ang paggising nang maaga
Paulit-ulit, kinakailangan pumasok para sa kinabukasan
Paulit-ulit, kailan kaya ito mapapalitan?
Matatapos pa kaya ang lahat ng ito?

Paikot-ikot, para tayong mga gulong
Paikot-ikot, iisa ang nangyayari sa bawat araw
Paikot-ikot, kailan at saan kaya ito hihinto?
Matatapos pa kaya ang lahat ng ito?

Hihintayin mo na lang ba ang dulo, kung kailan huli na ang lahat?
Araw-araw ay may bagong simula
Unti-unti nating naabot ang ating mga pangarap
Mga bagong pagkakataong hindi masasayang

Araw-araw, nabubuo ang mga masasayang alaala
Araw-araw, may bagong oportunidad
Araw-araw, ngayon ka pa ba magsasawa?
Hihintayin mo na lang ba ang dulo, kung kailan huli na ang lahat?

Unti-unti tayong natututo
Unti-unti tayong lumalakas
Unti-unti, aatras ka pa ba?
Hihintayin mo na lang ba ang dulo, kung kailan huli na ang lahat?

Mga bagong pag-asang nagniningas
Mga bagong pagsasamang tumatatag
Mga bagong nabubuong pagmamahalan ngunit hinihintay mo pa rin ang katapusan?
Hihintayin mo na lang ba ang dulo, kung kailan huli na ang lahat?

You Might Also Like

0 comments: