Elliot,
Musmos pa lamang ako,
walang kamuwang-muwang sa mga bagay,
inihanda na ang tulay ng aking buhay.
Sinigurado ng aking magulang na ito’y matibay at matatag,
na ang tangi kong gagawin ay tumawid na lamang
Sa una’y masaya akong naglalakbay,
ngunit nang lumipas ang panahon,
unti-unti kong nakikilala ang aking sarili,
at unti-unti kong natuklasan,
na ang tulay na ito ay hindi para sa akin.
Nakapanghihinayang kung iisipin
lahat ng paghihirap ko
at lalo na ang magulang ko
ay para lamang sa wala,
kung babalik simula.
Ngunit bakit pa ako magpapatuloy kung hindi naman ito ang aking ikaliligaya?
Nagtatalo ang aking puso at isipan,
dapat ba akong manatili sa tulay na may kasiguraduhan?
O matutong sumugal para sa tunay kong kagustuhan?
Literary: Tulay

Masaya ang lahat sa simula ng paglalakbay
Pero magiging masaya ba sa katapusan nito?
Maganda at nakahanda na ang tulay
Pero ito nga ba ang daan na magpapasaya sa'yo?
Sa paglipas ng panahon ay hindi maiiwasan
Tayo ay magkaroon ng mga bagong interes
Magbabago at magbabago ang ihip ng hangin
Magkakaroon tayo ng mga bagong pangarap
Sa mga bagong pangarap na ito
Handa akong isakripisyo ang aking hinaharap
Handa akong kalimutan ang nakaraan
Hangad sana ay tunay na kaligayan
Hinding-hindi manghihinayang
Hinding-hindi matatakot bumalik sa umpisa
Hinding-hindi na mag-aalinlangan pa
Ako’y matututong sumugal
Makamit nang tunay, pangarap na inaasam
0 comments: