filipino,
Ano para sa iyo ang kalayaan?
Kalayaan maging masaya
Kalayaan mula sa puso ng iba
Kalayaan maipahayag ang iyong nadarama
O kalayaan para sa iyong bansa
May iba’t ibang depinisyon
Na may kaukulang opinyon
Para sa iyo, ano ang sagot?
Ihayag mo nang walang takot.
Hindi ko maintindihan
Bakit ba mahalaga ang paglaya
Tungkol ba ito sa pagpaparaya
Gusto ko itong maunawaan
Kahit sa simple mong mga salita
Gusto kong malinawan
Gamit ang iyong pagtingin sa salitang kalayaan
Huwag kang mag-alalang magpahayag
Interpretasyon mo ay walang kamalian
Gusto ko lang malaman
Ano ang pagtingin mo sa salitang iyan
Literary: Sa Ngalan ng Kalayaan
Ano para sa iyo ang kalayaan?
Kalayaan maging masaya
Kalayaan mula sa puso ng iba
Kalayaan maipahayag ang iyong nadarama
O kalayaan para sa iyong bansa
May iba’t ibang depinisyon
Na may kaukulang opinyon
Para sa iyo, ano ang sagot?
Ihayag mo nang walang takot.
Hindi ko maintindihan
Bakit ba mahalaga ang paglaya
Tungkol ba ito sa pagpaparaya
Gusto ko itong maunawaan
Kahit sa simple mong mga salita
Gusto kong malinawan
Gamit ang iyong pagtingin sa salitang kalayaan
Huwag kang mag-alalang magpahayag
Interpretasyon mo ay walang kamalian
Gusto ko lang malaman
Ano ang pagtingin mo sa salitang iyan
Kalayaan, mabigat na salita,
Magaan sa damdamin,
Tunay, maraming ibig sabihin
Maraming maaring tukuyin
Ngunit ano ito sa akin?
Pagkawala sa kulungan
Na pumigil sa kagustuhan,
Pagkawala sa mga posas,
Ang pagtanaw ng bagong bukas
Paggawa ng walang pagpapaalam,
Walang kailangang permiso
Pagkilos na ayon sa sigaw ng puso
Kumportableng paggalaw ng katawan
Walang dumidikta sa mga gawa ko
Kalayaan, kay sarap tamuhin
Napakahirap namang kamtin
'Pagkat marami ang nakahahadlang
Ibang tao man o sarili
Iyan ang aking kalayaan.
Naliwanagan na ba ang kaisipan?
0 comments: