Eunoia,

Literary: Kinasapitan ng Nagkamali

3/13/2020 08:45:00 PM Media Center 0 Comments



Ano ang paghihirap?
Minsan napapaisip ako,
Napapaisip ako kung bakit ko ba ito kailangang maranasan.

Saan ka ba nahihirapan?
Minsan nagtataka ako,
Tila ba ayaw mong tanggapin na mayroon ka ritong matututunan

Bakit nga ba ito ipinararanas sa akin?
May mali ba akong nagawa sa iyo kaya mo ako pinahihirapan?
O dahil ayaw mo lang ako bilang tao?

Bakit nga ba ayaw mo itong maranasan?
Mali ba ang paraang ginagawa ko kaya ika’y nahihirapan?
O dahil ayaw mo lang ako bilang tao?

Dapat ba akong parusahan nang ganito?
Ganoon ba kalala ang ginawa ko para pahirapan mo ako?
Sa totoo lang, para sa akin, sariling pag-iisip mo lang ang iniintindi mo.

Dapat mo pa ba akong kwestyunin nang ganito
At pagdudahan ang pamamaraan ko
Kung simula't sapul, tanging kapakanan mo ang tunay na iniintindi ko

Bakit mo ito ginagawa?
Syempre, lahat ay may rason
Pakisabi sa akin kung anong ginawa ko sa'yo para pahirapan mo.

Sa halip na ako’y iyong kwestyunin,
Sana ri'y pakinggan muna at intindihin
Gusto ko lang nama’y may mapulot kang aral sa lahat ng iyong gagawin

You Might Also Like

0 comments: