Showing posts with label abby lim. Show all posts

News-Feature: Remote Learning System, isinasagawa sa UPIS



Pormal na nagsimula ang Akademikong Taon 2020-2021 sa University of the Philippines Integrated School (UPIS) noong Oktubre 5, sa pamamagitan ng isang online flag ceremony sa opisyal na Facebook page ng paaralan. 

Naging bahagi ng seremonya ang maikling mensahe ng bagong Prinsipal na si Prop. Anthony Joseph C. Ocampo at panimulang pagbati mula kay Justice Christian M. Aguinaldo ng 7 - Mercury na kinatawan ng Pamunuan ng Kamag-aral.

Bago magsimula ang unang klase, nagkaroon ng oryentasyon noong Setyembre 16 para sa pagbibigay impormasyon sa mga mag-aaral tungkol sa online learning at pagpapakilala ng mga miyembro ng Fakulti.

Ayon sa desisyon ng UP Board of Regents, ang susundin na paraan ng pagtuturo at pagkatuto ng UPIS ngayong akademikong taon ay remote learning system. 

Isang pamamaraan ng pag-aaral ang remote learning kung saan hindi pisikal na nagkikita ang guro at mag-aaral. Gumagamit ng applications na magsisilbing koneksyon para sa gawaing pampaaralan. Mahahati sa dalawang bahagi ang paraan ng pag-aaral ngayong taon. Ang unang paraan ay synchronous session kung saan sabay-sabay na matututo ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng video meeting sa Zoom application. Pangalawa ang asynchronous session na maaaring gamitin ang kani-kaniyang oras sa paggawa ng mga pagsasanay at iba pang awtput sa klase. Google Classroom ang pangunahing application na ginagamit dito.

Sa paghahanda ng remote learning system ngayong akademikong taon, naging konsiderasyon ang sumusunod:

  1. Pagbibigay ng UP email account sa mga mag-aaral na magsisilbing paraan ng kanilang komunikasyon sa kanilang guro; kakabit ng email na ito ang ilang mga benepisyo katulad ng Microsoft Office 365 at ang tiyak na seguridad ng mga gumagamit
  2. Pagsasagawa ng online registration
  3. Paglilimita sa haba ng oras ng synchronous classes upang umayon sa ideyal na screentime para sa mga mag-aaral
  4. Pagsasaayos sa mga aralin - tinitiyak na ang pinakamahahalagang kasanayan sa pag-aaral lamang ang itinuturo
  5. Paglilimita ng mga requirements - walang markahang pagsusulit, ang tanging batayan lamang sa paggrado ay ang mga worksheets, proyekto, at maiikling pagsusulit
  6. Paggamit ng synchronous at asynchronous sa mga gawain gamit ang Google Classroom, Zoom, at Google Meet
  7. Pagsasantabi ng mga co-curricular at extra-curricular organizations - ang mga opisyal ng Pamunuan ng Kamag-aral (PKA) at Year Level Organization (YLO) mula sa AT 2019-2020 ay hiniling na manatili sa kanilang mga posisyon sa kapasidad ng paghawak hanggang sa susunod na halalan
"Because of quarantine restrictions which logically affect how we have been going on with life for months now, there will be major changes in the kind of and the manner the activities that we are used to are conducted. Please wait for the creative ways that organizers of certain activities are planning,” sabi ni Prop. Diana Caluag, Katuwang na Prinsipal Pang-akademiko, ukol sa mga pagbabago sa gawaing pampaaralan. 

Isinagawa ang paghahanda para sa remote learning system mula pa sa nakaraang administrasyon sa pangunguna ni Dr. Lorina Calingasan na dating prinsipal ng UPIS. Nagkaroon ng mga kinakailangang pagsasaayos bilang pagtugon sa usaping pangkurikulum tulad ng rebisyon sa mga silabus at iba pang preparasyon sa mga materyales. Nagkaroon ng mga paghahanda sa lohistika, sa mga gadyet at panteknikal na suporta para sa mga mag-aaral. Mayroon ding naganap na pagsasanay sa mga guro at webinars para sa mga magulang. Tinugunan din ang mga usaping may kaugnayan sa paglilimita sa oras ng trabaho, mga konsiderasyon sa mga pampaaralang pasilidad, at marami pang iba. //nina Jailyn Abby Lim at Kyla Francia

Mag-aaral ng UPIS, lumahok sa Symposium



Symposium Poster.
Poster na naglalaman ng impormasyon tungkol sa pagdiriwang at litrato ng mga tagapagsalita at ilang kalahok. Photo credit: Bb. Phaedra Fang


Lumahok si Justin Aaron Polendey ng Grado 12-Katotohanan sa 2020 International Youth Virtual Symposium on Urban Heritage ng Taipei City Walkers sa pamamagitan ng Google Meet noong ika-24 at ika-25 ng Oktubre.

Pangunahing layunin ng symposium na magkaroon ng koneksyon ang mga mag-aaral mula sa iba't ibang bahagi ng mundo sa kabila ng pandemya. Nais din nitong makapagpalitan ng kaalaman ang mga kalahok tungkol sa urban heritage at upang yakapin ng bawat isa ang lokal na kultura ng kani-kanilang rehiyon.

Sa presentasyon ni Polendey na pinamagatang "A Peek Inside Intramuros", tinalakay niya ang kasaysayan at kahalagahan ng nabanggit na lugar. Nagbigay rin siya ng maikling tour ng ilan sa mga pinakatanyag na destinasyon sa Intramuros. 

“I didn't want to rely on online sources too much so I mostly looked for and read yung mga papers na naglalaman ng relevant information about Intramuros. In the end, gumamit din ako ng online sources to supplement the information that I had gathered pero most of my info came from papers such as Intramuros: The Story of the Philippines by Jon Malek. For the pictures, I had to rely on other people and online sources,” tugon ni Polendey nang tanungin tungkol sa kung paano siya naghanda para sa symposium.

Ayon pa sa kanya, hindi niya malilimutan ang mismong presentasyon na kanyang ginawa dahil ito ang naging kasukdulan ng lahat ng preparasyon at naipresenta niya ito sa harap ng ilan pang mag-aaral sang-ayon sa kanyang hangarin. “Yung interesting na aral na natutunan ko is how heritage sites are able to tell the stories of their respective cultures and how they can evoke memories of past events and the feelings associated with these events. Areas, especially urban areas, are continuously undergoing rapid changes and developments and heritage is able to help ang isang community to maintain yung sense of identity nila in an ever-changing world. It must be noted din na heritage doesn't specifically have to be in the form of physical sites,” dagdag ni Polendey. //ni Jailyn Abby Lim

UPIS takes precautionary measures against 2019-nCoV



The article has been updated and republished to address inconsistent information.


Better to be safe than sorry. The World Health Organization shares an infographic with information on how to prevent coronavirus. Photo credit: World Health Organization

The UPIS Administration (Admin) and Parent-Teacher Association (PTA) are taking steps to address and prevent the spread of the 2019 nCoV in the school, announced Asst. Principal Prof. Portia Dimabuyu last Tuesday, February 4, 2020.

The 2019 novel coronavirus, was first reported in Wuhan, China. The first reported death outside China is from the Philippines. It can infect people by human-to-human contact or via respiratory droplets. Studies are still being done to confirm if it is an airborne disease.

Hand soaps in all comfort rooms are being provided by the Admin and PTA for students to maintain their good hygiene.

As an additional precautionary measure against 2019-nCoV, every person entering UPIS will be checked for their temperature at the gate throughout the duration of the UPIS Fair.

Students are encouraged to wear a face mask and observe proper hygiene. In addition, students are also asked to bring their own small bottles of alcohol or hand sanitizer, avoid touching their eyes, nose, and mouth without washing their hands, eat nutritious food and drink vitamins, drink lots of water, get at least eight hours of sleep, stay at home as much as possible, and get a check-up if any of the virus’ symptoms is present.

The common signs of 2019-nCoV include fever and respiratory symptoms such as cough, shortness of breath, and difficulty breathing. It can also cause pneumonia, severe acute respiratory syndrome (SARS), and kidney failure. As of now, a cure and/or vaccine has not yet been discovered.

According to ABS-CBN News last February 5, there are 3 confirmed cases of the disease in the country. One of the three died last February 1, Saturday. Due to the panic and fear of the Filipinos, the supply of face masks and alcohol is running low.

For more information and updated news, you may check the sources below.

https://news.abs-cbn.com/spotlight/02/05/20/the-global-spread-of-the-new-coronavirus-where-is-it

https://www.who.int/health-topics/coronavirus

//by Jailyn Abby Lim

Sports: UPIS gets conquered in Juniors’ Battle of Katipunan



FIRE. Francis Lopez failed to draw back Aldous Torculas’ lay-up. Photo Credit: The UAAP (Facebook page)

The UPIS Junior Maroons lost in their third game of the second round against Ateneo's Blue Eaglets with a score of 104-84 last Wednesday, January 22, at the FilOil Flying V Center Arena in San Juan, Metro Manila.

The first quarter was a close fight between the two, where the score was 21-20.

The Junior Maroons weren’t far behind at the end of the second quarter, scoring 48-44.

But as the second half made its way in, the Blue Eaglets became more ferocious by outplaying them and making sure that they will gain points. Because of this, they extended the lead to 77-62.

The last quarter saw the Blue Eaglets charging way ahead sealing the game with a final score of 104-84.

The Blue Eaglets consistently kept on shooting every time they had their hands on the ball. They also didn’t fail to take their chances to pass the ball to their unguarded team mate, free to shoot.

The Junior Maroons, often stole the ball from the Blue Eaglets when they were passing the ball to their fellow teammates.

When asked about their plan to raise the team from the bottom of the rankings, team captain Collin Dimaculangan said, “We keep on working in practice. Just trust our coaches."

TALLY OF SCORES:

UPIS (84) - Torres 26, Torculas 13, Canillas 10, Dimaculangan 10, Cordero 9, Armamento 7, Gomez de Liano 5, Avinado 4

ATENEO (104) - Lazaro 26, Jaymalin 15, Lopez 13, Salvador G. 11, Salvador M. 11, De Ayre 5, Padrigao 5, Diaz 4, Corral 3, Ladimo 3, Nieto 3, Felix 2, Pangilinan 2, Santos 1

//by Abby Lim and Franz Joves

7 mag-aaral mula UPIS, nagkamit ng mga medalya sa mga sinalihang kompetisyon



Paggawad sa mathtatalinong Isko at Iska ng UPIS. Paggawad ng sertipiko ng pagkapanalo sa TIMO at BBB sa mga mag-aaral ng UPIS. Photo credit: Rochelle Gandeza

Pitong mag-aaral mula sa University of the Philippines Integrated School (UPIS) ang ginawaran ng mga medalya sa awarding ceremony ng Big Bay Bei (BBB) at Thailand International Mathematical Olympiad (TIMO) na ginanap noong ika-12 ng Enero sa UPD School of Statistics.

Isang taunang kompetisyong inoorganisa ang TIMO ng Thailand Mathematical Society na bukas sa mga mag-aaral na lubos na interesado sa matematika. Ang kamakailang kompetisyon ay ginanap sa Tokyo, Japan.

Layunin ng kompetisyon na BBB o "Big Bay Bei" na tuklasin ang natatagong talino ng kabataan sa matematika.

Para sa BBB, ginawaran ng pilak na medalya si Zuleikarich Monares ng 5-Cordillera. Nakakuha naman ng tansong medalya sina Mikaela Stefan Boras ng 2-Mangga, at Jian Achilles Salonga ng 2-Atis.

Para sa TIMO, ginawaran ng gintong medalya sina Mikaela Stefan Boras ng 2-Mangga, Jian Achilles Salonga ng 2-Atis , Hazekiah Etian Sagayaga ng 3-Dagat, at Sean Caleb Sanguyu ng 4-Mustasa. Nagkamit naman ng pilak na medalya sina Zuleikarich Monares ng 5-Cordillera at Caroline Grace Sanguyu ng 5-Banahaw.

Iimbitahan ang lahat ng mga nagkamit ng medalya sa BBB at TIMO na lumahok sa final round na gaganapin sa Chiang Mai,Thailand.

"Elated and proud not just of my children, but of the whole UPIS contingent. Iba talaga ang galing UPIS." pahayag ni Cynthia Sanguyu, ina ni Caroline.

Ang Hong Kong International Olympiad ang maaaring susunod na lalahukan ng mga mag-aaral. Ang final round ng TIMO ay gaganapin sa ika-3 hanggang ika-6 ng Abril. Gaganapin ang heat round sa UP Diliman ng May 31, 2020. Iimbitahan ang lahat ng makakakuha ng gintong medalya sa final round sa TIMO at HKIMO na lumahok sa World International Mathematical Olympiad. //nina Rochelle Gandeza at Abby Lim

--------------------
ERRATUM: Ang heat rounds ng TIMO ay ginanap sa UP Diliman at hindi sa Tokyo, Japan. Sa halip, World International Mathematics Olympiad o WIMO ang ginanap sa Tokyo, Japan. Si Sean Caleb lamang ang natatanging kalahok dito na mula sa UPIS. Ang mga nagkamit lamang ng medalya mula sa TIMO ang inimbitahan para sa final round ng nasabing kumpetisyon sa Chiang Mai, Thailand at hindi kasama ang mga nagkamit ng medalya mula sa BBB. Si Gng. Cynthia Sanguyu ay ina rin nina Sean Caleb at Caroline Grace. Ang buong Media Center ay humihingi ng paumanhin sa mga maling impormasyon na nakasulat sa artikulo.

UPIS, muling pinailawan ang UP Academic Oval



Punong Makapagpapalaya. Puno ng UPIS na nagsisimbolo ng kalayaan sa pag-aaral. Photo credit : Magan Basilio

Muling nagsilbing-ilaw sa Lantern Parade ang University of the Philippines Integrated School (UPIS) kasama ang iba pang departamento at kolehiyo ng UP paikot ng Academic Oval, noong Disyembre 13, 2019.

Sa taunang Lantern Parade, ipinaparada ng mga mag-aaral, guro, at mga kawani mula sa iba’t ibang departamento ng UP ang kani-kanilang mga gawang parol. Ang tema ngayong taon ay ‘Pumailanlang’ na may kinalaman sa paglaya sa mga problema ng bansa.

Nagsimula ang parada ng 5:30 ng hapon sa Vargas Museum. Nagtapos ito sa ganap na 10:30 ng gabi sa UP Amphitheatre kung saan idinaos ang programa.

Sumali bilang isang kalahok ang UPIS, National Institute for Science and Mathematics Education Development (NISMED), at College of Education. Binigyang-kahulugan nila ang tema bilang pagbibigay-daan ng pag-aaral sa kalayaan o “paglipad”.

Nagsimula ang paghahanda ng UPIS, NISMED, at College of Education pagsapit pa lamang ng Nobyembre. Kumuha ang Pamunuan ng Kamag-Aral (PKA) ng mga kinatawan mula sa bawat batch ng UPIS 7-12 upang tumulong sa paghahanda.

Sa kinalabasang parol, makikita ang isang libro na may puno sa gitna. Makikita rin na may mga bunga ang puno. Sinisimbolo ng mga bungang ito ang pagsisimula ng paglaya sa mga nararanasan ng bansa sa pamamagitan ng edukasyon.

Lumahok at dumalo nang may galak ang mga mag-aaral sa parada.

“[...] nakakatuwa rin po makita yung pag-participate ng mga estudyante. Nairaos din naman po sa huli!” pahayag ni Danie Cabrera, presidente ng PKA 7-12, matapos tanungin kung sulit ba ang paghahanda at pagdalo sa naganap na Lantern Parade. //ni Abby Lim

Sports: UPISVST, nagkamit ng ikalawang gantimpala sa UAAP Season 82


HANDA. UPISVST nagpakuha ng litrato para sa kanilang paghahanda sa nalalapit na UAAP Season 82. Photo credit: Francis Halabaso

Nakamit ng University of the Philippines Integrated School Varsity Swimming Team (UPISVST) ang ikalawang gantimpala sa juniors girl’s category at ikalimang gantimpala sa boy’s category ng UAAP Season 82 na ginanap noong Oktubre 17-20 sa Trace College, Los Baños.

Sa kabuuan, nag-uwi ang UPISVST ng apat na ginto, limang pilak, at anim na tansong medalya sa mga individual events. Samantalang sa group category, nakakuha ang koponan ng apat na tanso.

Narito ang listahan ng kanilang mga napanalunan:

SA KATEGORYA NG INDIBIDWAL

Estudyante Medalya Event
Zoe Hilario
Ginto
Ginto
Ginto
Pilak
Tanso
Tanso

400m Individual Medley (IM)
200m Backstroke
200m IM
200m Freestyle
100m Freestyle
50m Backstroke
Aubrey Tom Pilak
Pilak
Pilak
Pilak
Tanso
50m Butterfly
100m Butterfly
200m Butterfly
200m IM
400m IM
Franz Joves Ginto
Tanso
50m Backstroke
100m Backstroke
Mae Rodgers Tanso 50m Breaststroke
Charize Esmero Tanso 200m Backstroke

SA KATEGORYANG NAKAGRUPO

Estudyante Medalya Event
Franz Joves, Chelo Neri, Alexa Natividad, Mae Rodgers
Tanso

4x50m Medley Relay
Angela Torrico, Chelo Neri, Mae Rodgers, Franz Joves Tanso 4x50m Freestyle Relay
Charice Esmero, Alexa Natividad, Chloe Fabic, Mae Rodgers Tanso 4x100 Medley Relay
Antonio Aquino, Gerald Almajar, Mark Lazaro, Polo Uera Tanso 4x50m Freestyle Relay

"Sobrang saya as in kasi matagal na gusto talaga naming umakyat sa ranks at sobrang proud ako sa lahat ng mga ka-team ko, not only the girls team but the whole team, kasi nagawa naming mag-second place kahit na nawalan kami ng pool. Sobrang proud ako sa team na ito dahil lahat kami, we all did our part para maging ganito kasaya at successful ang UAAP na ito at ang saya rin na sa last year ko ng pags-swim sa high school, na-witness ko na mag-second place ang UPISVST, nakakakilig," sabi ni Rodgers.

May pagkakataon din na nagkaroon sila ng hamon.

"Nahihirapan kami sa training sched dahil wala kaming sariling pool at yung oras lang na pwede kami sa celeb ay 7-9. About sa UAAP naman, nung first day napadami ang chlorine sa pool kaya gabi na ginawa para hindi mag-extend ng day tulad nung last time. So ayun sobrang di ko ineexpect na magkaka-medal ako dahil ang lalakas ng mga kalaban ko at ang tatangkad nila akala ko yung makukuha ko lang ay galing sa relay but no, if there's a will, there's a way. Tamang mind set lang, at dapat gusto mo ginagawa mo at determinado ka para gawin iyon para ma-achieve mo goal mo, " pagbabahagi ni Joves.

"Isa pang hamon ay yung kung paano mas magiging bonded ang team kasi nga meron kaming mga swimmers nasa separate club nagte-train at para masolusyunan iyon, ay nagkaroon kami ng team building event at ng mga fundraising event na rin para somehow ay nagsasama-sama pa rin kaming lahat at mas lalo ko pang naramdaman na naging mas close ang isa’t isa sa team noong UAAP na rin mismo. Na-feel ko dun na bawat isa talaga nakisama at tumulong sa isa’t isa in any way that they can, mapa-emotional support pa man yan or iba pa," dagdag ni  Rodgers.

Ang disenyo ng medalya ay nagtataglay ng mga recycled materials. Naglalaman din ito ng isang mensahe ng pasasalamat mula sa mga taga-Marawi para sa mga sundalo at taong nagsakripisyo upang sila ay makalaya. //nina  Liane Bachini at Abby Lim

UPIS, 5th Place sa PSYSC Science Olympiad



Pagkilala sa Mag-aaral ng UPIS sa PSYSC Science Olympiad. (from left to right) JP Coronado, Christian Sarabia, Marius Barcenas binigyan ng sertipiko ng pagkilala . Photo Credit : Christian Sarabia

Nakamit ng University of the Philippines Integrated School (UPIS) ang panlimang gantimpala sa Philippine Society of Youth Science Clubs (PSYSC) Science Olympiad na ginanap noong Setyembre 28 sa Institute of Civil Engineering, UP Diliman.

Ang PSYSC Science Olympiad ay isang taunang kompetisyon na sumusubok sa kaalaman ng mga estudyante sa Agham.

Nagkaroon ng elimination round noong Setyembre 7 sa Malay High School of Science kung saan sumagot ang bawat kalahok mula sa iba't ibang paaralan ng isang multiple choice test sa loob ng isang oras. Ang iskor na nakuha ng bawat indibidwal ay idinagdag sa kabuuang iskor ng kaniyang paaralan.

Ang mga paaralang nakakuha ng iskor na nasa Top 20 ay nakapasok sa preliminary round na ginanap din noong Setyembre 28 sa UP Diliman Institute of Civil Engineering. Dito, binigyan ang mga grupo ng tig-20 minuto para sa bawat isa sa limang istasyon. Ang limang istasyon ay isa-isang nagbigay-tuon sa Chemistry, Biology, Physics, Earth Science, at Information Science.

Ang Top 10 sa preliminary round ay nakapasok sa oral stage kung saan kinailangan nilang lampasan ang tatlong baitang - easy, average, at difficult. Ang bawat baitang ay nagkaroon ng pitong katanungan.

Nagkaroon ng 4-way tie para sa ikalawang gantimpala ang UPIS, Philippine Science High School (Pisay) Bicol, Pisay Main, at Pisay Western Visayas. Sa pagkakataong ito, nalamangan ng tatlong Pisay campus ang UPIS.

Sa huli, nakuha ng St. Jude Catholic School ang pinakamataas na gantimpala. Sumunod ang Pisay Bicol, Pisay Main, Pisay Western Visayas, at UPIS.

Naglahad din ang mga kalahok ng kanilang naramdaman sa pagsabak sa kompetisyon.

"Sa finals round 2, team orals, yung medyo nakakakaba since orals siya at ang daming nanonood sa inyo at makikita mo na rin [ang] progress ng ibang schools so ramdam talaga yung kaba, " sabi ni Barcenas.

"Alam na namin ito noon pa kaya buong taon naming [sinubukang] maghanda sa pamamagitan ng pag-alam ng iba't ibang facts at konsepto sa science. May pagkakaba tuwing [nalalapit na] ang event ngunit tuwing nandoon na sa mismong eksam o entablado, talagang nakapokus lang kami sa pagsagot nang maayos. Tulad ng nakararami, laging mayroong panghihinayang sa mga tanong na hindi nasagot o kaya nama'y pagbabago ng isip na nagbunga ng maling sagot, " pahayag ni Sarabia.

Naging hamon din para sa mga sumali mula sa grade 12 ang pagbabalanse ng pag-aaral para sa University of the Philippines College Admission Test at para sa kompetisyon ngunit ginawa nila ang lahat ng kanilang makakaya. //nina Abby Lim at Justin Polendey

Opisina ng Administrasyon, pansamantalang inilipat sa Narra Wing




Ang pansamantalang opisina ng administrasyon sa Narra Wing. Photo Credit: Keio Guzman

Inanunsiyo ni Assistant Principal for Academic Programs Prof. Rachel B. Ramirez noong Setyembre 10, 2019 sa Flag Ceremony ang pansamantalang paglipat nila sa Narra Wing function room upang mabigyang daan ang pagsasaayos at paglalagay ng airconditioning unit sa opisina sa ikalawang palapag ng gusali ng Admin.

Isinara na ang ikalawang palapag ng opisina noong Huwebes, Setyembre 12 para masimulan ang konstruksyon na magtatagal ng dalawang buwan. Magkakaroon ng enclosure ang opisina upang mapanatili ang lamig matapos mailagay ang mga airconditoning unit.

Naantala ang matagal ng planong pagpapaayos ng opisina dahil sa paghihintay ng sapat na budget para rito. //ni Rochelle Gandeza, Keio Guzman, Abby Lim