abby lim,
Mag-aaral ng UPIS, lumahok sa Symposium
Symposium Poster. Poster na naglalaman ng impormasyon tungkol sa pagdiriwang at litrato ng mga tagapagsalita at ilang kalahok. Photo credit: Bb. Phaedra Fang
Lumahok si Justin Aaron Polendey ng Grado 12-Katotohanan sa 2020 International Youth Virtual Symposium on Urban Heritage ng Taipei City Walkers sa pamamagitan ng Google Meet noong ika-24 at ika-25 ng Oktubre.
Pangunahing layunin ng symposium na magkaroon ng koneksyon ang mga mag-aaral mula sa iba't ibang bahagi ng mundo sa kabila ng pandemya. Nais din nitong makapagpalitan ng kaalaman ang mga kalahok tungkol sa urban heritage at upang yakapin ng bawat isa ang lokal na kultura ng kani-kanilang rehiyon.
Sa presentasyon ni Polendey na pinamagatang "A Peek Inside Intramuros", tinalakay niya ang kasaysayan at kahalagahan ng nabanggit na lugar. Nagbigay rin siya ng maikling tour ng ilan sa mga pinakatanyag na destinasyon sa Intramuros.
“I didn't want to rely on online sources too much so I mostly looked for and read yung mga papers na naglalaman ng relevant information about Intramuros. In the end, gumamit din ako ng online sources to supplement the information that I had gathered pero most of my info came from papers such as Intramuros: The Story of the Philippines by Jon Malek. For the pictures, I had to rely on other people and online sources,” tugon ni Polendey nang tanungin tungkol sa kung paano siya naghanda para sa symposium.
Ayon pa sa kanya, hindi niya malilimutan ang mismong presentasyon na kanyang ginawa dahil ito ang naging kasukdulan ng lahat ng preparasyon at naipresenta niya ito sa harap ng ilan pang mag-aaral sang-ayon sa kanyang hangarin. “Yung interesting na aral na natutunan ko is how heritage sites are able to tell the stories of their respective cultures and how they can evoke memories of past events and the feelings associated with these events. Areas, especially urban areas, are continuously undergoing rapid changes and developments and heritage is able to help ang isang community to maintain yung sense of identity nila in an ever-changing world. It must be noted din na heritage doesn't specifically have to be in the form of physical sites,” dagdag ni Polendey. //ni Jailyn Abby Lim
0 comments: