filipino,

Literary (Submission): Hanggang dito na lang.

12/11/2020 08:12:00 PM Media Center 0 Comments




Lagi ko siyang nakikita,
At kapag nagkataon ay siya lamang ang tinitingnan ng mga mata
Ako’y natutuwa sa kanyang presensya,
Mga ngiti niya’y nagpapasigla sa aking umaga,

Lagi ko siyang nakikita,
At kapag nagkataon ay nagbabago ang lahat
Napapangiti tuwing umaga
Sumisigla sa kanyang presensya

Pero hanggang tingin lamang ang magagawa ko
‘Di kami bagay, ‘di kami wasto.
Brilyante siya’t ako ay bato
Marami sa kanyang nagkakagusto.

Pero hanggang pagngiti lamang ang aking kaya
Ayokong tumaya.
Kuntento na akong
Ngumingiti lamang dahil sa kanya.

Pero bakit ganoon?

Nagagalit ako sa tuwing siya’y may kasama
Naiinis kapag may kausap siyang iba
Sa isip ko ay nalulungkot
Kaya naiisipan kong ‘di ka muna makita.

Sa tuwing mawawala siya
Siya ay gustong hanapin
‘Di mapakali
kung siya’y mawala sa paningin.

At kung magkataon

Bakit naman ako ang pipiliin niya?
Bakit niya sasayangin ang oras sa tulad ko?

Magiging tama ba ako sa kanya?
Kaya ko bang panagutan ang pag-ibig na nabuo?

Kung noon ay kami lang ang nagtitinginan
Ngayon pati na rin ang iba
Ano kaya ang masasabi nila
Sa aming pagsasama?

Higit sa pagngiti
Dapat ay tibayan namin ang aming mga sarili,
Paano kaya sa panahong mapapait?
Paano kung lumala at bumitaw sa kapit?

Masakit mang isipin
Ngunit ako’y higit na sasaya
Kung mas karapat-dapat
Ang iibigin niya.

Maraming iniisip
Gulong-gulo ang isipan
Gustong umibig
Pero takot masaktan

Pero sa kanya lamang
Tumitibok ang puso ko
Siya lamang
Ang laman ng isip ko

Pero hanggang tinginan
hanggang ngiti
hanggang dito na lang
Patawad.

You Might Also Like

0 comments: