cheeezy,
Isa lamang ang aking minimithi
Mapa-“oo” ang isang binibini
Nangangakong mamahalin siya nang walang pagsisisi
Hindi iiwan sa madidilim niyang gabi
Paglilingkuran siya hanggang sa mga huling sandali
Hindi lang ako ang manliligaw
Iba’t ibang tao ang dumarayo araw-araw
May dalang mga bulaklak na nakapupukaw
Mukha ng isang walang ganang dalaga aking nasisilayan
Nakikinig sa mga pangakong puno ng kasinungalingan
Maraming katangian ang kanyang tinataglay
Kagaya na lamang ng ganda niyang walang kapantay
Ngunit siya’y walang kamalay-malay
Sinasabi nilang siya ay perpekto
Kaya marami sa kanya ay nagkakagusto
Ngunit walang nakakikilala sa kanya nang lubusan
Walang nakaaalam sa kanyang tunay na nararamdaman
Hindi nila alam ang kanyang pinagmulan
Ang mga lihim na pilit niyang ibinabaon
Nakaraan na nais niya nang kalimutan
Masdan mong mabuti ang kanyang mukha
Saka mo lang tunay na makikita ang suot niyang maskara
Ang mga kulang-kulang na piraso
Sira-sira niyang pagkatao
Pilit niyang ibinabaon at itinatago
Doon ko siya lubusang nakilala
Pasalamat ko at nakita ko ang tunay na siya
Hindi yung perpektong inaakala nila
Kundi ang kulang-kulang at sira-sira
Na nagnanais hanapin ang kanyang sarili at makalaya
Mga ngiti sa kanyang labi aking nasilayan
Tunay na kulay ipinakita sa mga mamamayan
Sila ay nagulat sa tunay na siya
Natanggal ang kanyang perpektong maskara
Reputasyon at kanyang buhay, unti-unting nasira
Dumating na ang panahon na sila’y namulat
Ang mga dating nagmamahal sa kanya ay nadismaya
Hinuli at kinabitan ng kadenang napakahigpit
Hindi makagalaw dahil sa matinding pagkakagapos
Magandang pakikitungo kaydaling nagtapos
Pinanood siyang masaktan
Dahil sa isang kasinungalingan
Na hindi naman siya ang may kasalanan
Tinatanaw siyang nagdurusa mula sa malayo
Walang ibang nagawa kundi tumayo
Literary (Submission): Maskara

Hindi ko tuloy mapigilang isipin
Kung ako ba’y hindi karapat-dapat mahalin
Dahil ako’y umasa na ika’y may gagawin
Hiniling ko na ako’y iyong sagipin
Ngunit hanggang sa aking mga huling sandali
Hindi mo ako tinulungan, ako’y iyong nilisan at tinalikuran
0 comments: