feature,

Feature: #MCPakisabi sa pagdaan ng mga taon

12/11/2020 12:50:00 PM Media Center 0 Comments



Naitanong mo na ba minsan kung paano nagsimula ang #MCPakisabi? Ano nga ba ang dahilan ng pagkakaroon nito?

Ang #MCPakisabi ay isang all-submission pub ng UPIS Media Center (MC). Ibig sabihin, ang lahat ng mga piyesa ng malikhaing pagsulat, artwork, o kantang inilathala sa araw na iyon ay galing sa mga contributor o mga manunulat na hindi miyembro ng MC.

Una itong isinagawa noong Agosto 21, 2014, sa tulong ng MC1 ng Batch 2015 o Akinse. Bilang ang MC ay isa pang work program noon, ginagawa ito isang beses sa bawat semestre. Tuwing Agosto, Oktubre, o Nobyembre para sa unang semestre at tuwing Pebrero o Marso naman para sa ikalawang semestre. Pagkatapos ng Akademikong Taon 2016-2017, ganap na naging taunang pub ang #MCPakisabi.

“Noong time kasi na ‘yun, maraming literary submissions na hindi tutugma sa naisip na theme/hashtag ng MC1 2015 [...]. Naisip ng editorial staff na mag-all lit submissions pub para mai-publish ang mga naipasa kahit ‘di tugma sa theme.” Sagot ni Prop. Cathy Atordido, isa sa mga tagapayo ng MC1 2015, sa tanong kung paano nagsimula ang #MCPakisabi.

Tiyak na naging patok ang #MCPakisabi kaya ito naging isang pub tradition. Halika’t tingnan natin ang mga lit, simula sa unang edisyon hanggang sa ikasampung edisyon, na tumulong sa pagbuhay ng tradisyong ito.

1. Confessions of a Conyo Girl / I’m in Love with a Conyo Girl - Ms. Takes x Dimasawi

Sinong makaka-forget sa problem ni Conyo Girl towards the one she likes?

Ang sagutan ni Ms. Takes at Dimasawi ang isa sa mga lits na nakapukaw ng maraming atensyon sa kauna-unahang edisyon ng #MCPakisabi. Sa unang bahagi, malalaman natin ang saloobin ni Conyo Girl tungkol sa kanyang crush, kung bakit siya naging “so so conyo”, at kung bakit siya “unlucky”. Sinagot naman ng kanyang crush ang kanyang mga pag-aalinlangan sa ikalawang bahagi ng lit.

Balikan ang kanilang nakakakilig na kwento sa: https://upismc.blogspot.com/2014/08/literary-submission-confessions-of.html.

2. Oo* - Bella Swan

Narinig mo na ba ang kantang “Oo” ng Up Dharma Down?

Ang kuwentong ito ni Bella Swan ay kanyang hinango sa nasabing kanta. Ito ay tungkol sa isang normal girl na “just there” at sa kanyang knight-in-shining-armor. Ikinuwento ni normal girl kung paanong ang simpleng pagkahulog ng Gtec ay nagdulot daw ng “sparks” sa kanila. Hanggang sa nagtuloy-tuloy ito at ang pag-irap at hindi niya pag-intindi sa mga GM ay nauwi sa hindi na siya makapag-concentrate kaaabang sa mga text ng kanyang knight-in-shining-armor. Ngunit kalaunan, nalaman niyang ang pinoprotektahan pala ng shining armor ay isang chickboy.

Maki-sing along at samahan si normal girl na masaktan nang so much sa kanyang pagsesenti sa: https://upismc.blogspot.com/2014/10/literary-submission-oo.html.

3. Prom? Prom. - Faber Castell 0.7

Anong kaya mong gawin para mapasagot ng “oo” ang nais mong maka-date sa prom?

Ang tulang ito ni Faber Castell 0.7 ay nagsilbing pasasalamat sa pagsagot ng “oo” ng kanyang promdate. Dito, ibinahagi niya kung paano siya naghanda para sa kanyang promposal. Mautak si Faber na nagpaalam muna sa magulang ng nais niyang maging ka-date dahil alam niyang kokonsulta rin muna ito bago pumayag.

Alamin ang paghahanda ni Faber sa: https://upismc.blogspot.com/2015/02/literary-submission-prom-prom.html.

4. Two-Sentence Stories - Various Writers

Nasubukan mo na bang gumawa ng Two-Sentence Stories sa C.A. English?

Ang mga two-sentence stories, katulad ng pangalan nito, ay mga kuwentong binubuo lamang ng dalawang pangungusap. Kadalasan itong ipinagagawa sa mga estudyante sa Grado 10. Ang mga compilation na ito ay tatlong beses nakatanggap ng pinakamataas na views mula sa sampung edisyon ng #MCPakisabi, noong Agosto 2015, Oktubre 2016, at Oktubre 2017.

Basahin ang iba’t ibang maiikli ngunit malaman na kwento sa: https://upismc.blogspot.com/2015/08/literary-two-sentence-stories.html.

5. Walang Kalalagyan - emrys

Nahihirapan ka bang bumuo ng tula na ipapasa para sa #MCPakisabi?

Sa tulang inilaan ni emrys sa taong laging nasa kanyang isipan, ibinahagi niya ang kanyang hirap sa pagbuo ng tula upang masabi ang kanyang damdamin. Sa pagpili ng tamang pamagat, dami ng saknong, at salitang magkatugma, napagtanto niyang, “may mga bagay na hindi maibibigay.”

Tuklasin kung paanong isinatula ni emrys ang kanyang nais sabihin sa: https://upismc.blogspot.com/2016/02/literary-submission-walang-kalalagyan.html.

6. Ikaw ang Unang Nag-chat - GT

Naranasan mo na bang ang taong nagpapakilig sa iyo ay naging partner mo… sa project?

Sa tula ni GT, inilahad niya kung paano siya nakatanggap ng isang hindi inaasahang chat, mula sa hindi inaasahang tao, sa kalagitnaan ng pagsasagot niya ng kanyang IPSA. Bukod sa kopya ng pagpapalitan nila ng mensahe, ipinarating din niya sa atin ang nais talagang sabihin ng kanyang utak at puso.

Magbalik-tanaw sa hindi malilimutang araw ni GT sa: https://upismc.blogspot.com/2016/10/literary-submission-ikaw-ang-unang-nag.html.

7. Prom? - Tigerlily

Kung may pagkakataon kang mamili sa pagitan ng kaibigan at ng taong gusto mo, sino ang nais mong maging promdate?

Ang napakasaklap na kuwento ni Tigerlily ay tungkol sa promposal sa punto-de-bista ng tatlong magkakaibigan. Nagsimula ang kuwento sa punto-de-bista ni “Friend” na nag-iisip kung paano niya tatanungin ang kanyang kaibigan upang maka-date ito sa nalalapit na prom. Tumalon ang eksena sa promposal ngunit nasa punto-de-bista naman ito ng nais maka-date ng unang karakter. Nagtapos ang kuwento sa paglalabas ng saloobin ng pangalawang karakter sa kaibigan ni “Friend” dahil sa pagka-guilty niya sa kanyang pagre-reject.

Alamin kung bakit niya ni-reject si “Friend” sa: https://upismc.blogspot.com/2017/02/literary-submission-prom.html.

8. Parati na Lamang sa Huli - 00101

Sanay ka ba na mag-cram ng iyong mga requirements?

Sa sulatin na ito, malalaman natin kung bakit sa kabila ng pagbibigay nang maaga ng guro ng panuto para sa isang gawain, pinili pa rin ng karakter na palampasin ang dalawang buwan bago ito gawin.

Tuklasin kung bakit una niyang sinagot ang taong kanyang gusto kaysa sa ipinagagawa ng kanyang guro sa: https://upismc.blogspot.com/2017/10/literary-submission-parati-na-lamang.html.

9. Bukang Liwayway - Faith

Nasaksihan mo na ba ang pag-angat ng araw?

Isang malikhaing pagsasalarawan sa bukang-liwayway ang tema ng tula. Bukod sa pagsasalawaran, binigyan din ni Faith ng kahulugan ang tagpong ito.

Halika’t ipinta ang bukang liwayway sa ating isipan sa: https://upismc.blogspot.com/2018/10/literary-submission-bukang-liwayway.html.

10. Ray - China Oil


Ray pa nga ba ang tawag kung patungo na ito sa iba’t ibang direksyon?

Sa tulang nilikha ni China Oil, inihalintulad niya sa isang ray ang taong kanyang nagugustuhan. Kung saan ito nagsimula, paano ito nagtagal, at hindi naglaon, natapos. Kanyang ikinuwento ang mga dahilan ng kanyang pagkahulog, ang kanyang napagtanto, at kung saan na siya patungo.

Unawain kung ano ang punto ni China Oil sa: https://upismc.blogspot.com/2019/10/literary-submission-ray.html.

Tunay ngang isang mabisang paraan ang #MCPakisabi sa pagbabahagi ng mga estudyante ng kanilang nararamdaman. Tungkol man ito sa pag-ibig, personal na problema, isang natural phenomenon, o kahit pa tungkol sa isang konsepto sa Geometry, maaari itong ibahagi sa #MCPakisabi. Mamaya, ano naman kayang kuwento ang makapupukaw sa atensyon ng karamihan at magsisilbing dahilan upang ipagpatuloy ang #MCPakisabi? //ni Reneil Grimaldo

You Might Also Like

0 comments: