China Oil,

Literary (Submission): Ray

10/31/2019 07:55:00 PM Media Center 0 Comments





A single endpoint that extends infinitely in one direction
Isang punto tungo sa awanggan
Isang punto kung sa’n nagsimulang makaramdam
Angaong puntos para sa iyong kisig
Gusto kong manatili sa mapagmahal mong bisig

Isang linya na isa ang direksyon
Isang linya ng iyong mga salita ang pumukaw sa’king atensyon
Nahulog nang husto sa matatamis mong linyahan
Napapaibig lalo tuwing nagkakatitigan

Isang punto tungo sa katapusan
Isang punto kung sa’n nagsimulang mag-alinlangan
Nanlumo sa aking nakita
Kung paano ka sa akin ay gan’on ka din pala sa iba

Isang linya na walang direksyon
Isang linya ng mga salita ang hinihingi kong tugon
May ibig sabihin ba ang lahat ng pinagsamahan
o nilalapitan mo lang ako kapag mayroon kang kailangan?

Ah, hindi pala ako espesyal
Mayroon ka na talagang ibang minamahal
Sana sinabi mo palang no’ng una
para walang nasasayang na mga luha

Isang milyong dahilan
kung bakit kita natipuhan
Ngunit sapat na ang isang rason
para itigil ang aking kahibangan

‘Di ka na nanaisin
‘Di ka na sisintahin
dahil wala nang punto
ang nilalaman ng damdamin

Dating tuwid na linya
Ngayon ay baliko na
Wala nang patutunguhan
ang aking pagsinta

You Might Also Like

0 comments: