filipino,

Literary (Submission): “Andito Lang Ako, Anytime”

10/31/2019 08:20:00 PM Media Center 0 Comments





“Nandito lang ako”
Lagi ko ‘tong sinasabi sa mga tao
Mga taong mahal at minahal ko
Mga taong naging malaking parte ng buhay ko at one time
At mga taong parte ng buhay ko hanggang ngayon

Once na naging malaking parte ng buhay ko ang isang tao
Never na siyang mawawala sa priority list ko
Kaya para sa kanya,
Nandito pa rin ako, anytime

Kaso alam ko na hindi na nila ako kailangan,
They don’t consider me as someone they’ll immediately run to anymore
They have someone else na lalapitan nila agad
Alam ko naman yun
My “nandito lang ako” ay hindi na kailangan

Paano ba naman kasi,
Pinaghiwalay kami ng panahon at oras, ng mga pagkakataon at pangyayari
Nangako na walang magbabago sa pagkakaibigan
Ngunit dala ng distansya, unti-unting napalayo sa isa’t isa
Aminin man o hindi

“Nandito lang ako,” I say and mean it up to this day
To let them know na hindi nagbago ang tingin ko sa kanila
Pero deep inside
I know they don’t need it,
Hindi nila ito kailangan, kung sa akin nanggaling

Pero just in case,
Nandito lang ako
Kung bigla man nilang maisip na sa akin tumakbo,
Nandito lang ako
Anytime

You Might Also Like

0 comments: