alyssa avila,

Feature: Pampatanggal stress pagkatapos ng Perio

10/19/2019 08:20:00 PM Media Center 0 Comments



Kapag nababasa mo ito, na-survive mo ang First Periodic Exam. Pagkatapos ng mga gabing pinagpuyatan, mga papel na kailangan ipasa at mga sagot na masusing pinag-isipan, panahon naman para mag-relax at bumawi sa sarili. Hayaang mawala ang stress sa iyong katawan. Narito ang apat na simpleng reward para sa iyong sarili pagkatapos ng iyong paghihirap sa exam.


MAGLARO SA ARCADE KASAMA ANG MGA KAIBIGAN


Timezone UPTC. Photo credits: Deliciously Philippines

Isa sa maaring puntahan ay ang arcade. Marami ang maaari mong gawin sa loob nito. Kung mahilig ka kumanta, may videoke at singing booth kung saan pwede kang bumirit ng mga paborito mong kanta. Baka naman sports ang iyong hilig? Siguradong makakalimutan mo ang stress sa pagshoot ng bola, pakikipaglaro ng air hockey o pakikipagkarera sa iyong mga kaibigan. Kapag gusto mo namang maalala kung sino ang mga kasama mo may photobooth kung saan maaari kayong magpapicture.


MANOOD NG MGA SERIES


Netflix. Photo credit: Pinterest, Juan Barraza

Sino ba ang tatanggi sa panonood ng paboritong series? Ngayon, may pagkakataon ka nang humiga, magrelax at mag-umpisa o tapusin ang iyong napupusuang palabas.Maaari mong panoorin ang F.R.I.E.N.D.S, How I met your mother, B99, Stranger Things at marami pang iba. Pwedeng-pwede ka rin maghanda ng pagkain para may mangunguya habang nanonood.


MAKIPAGBOND SA PAMILYA

Happy Family. Photo Credit: Pinterest

Pagkatapos ng exam, maaari mong ikuwento sa iyong magulang kung ano ang nangyari sa inyong test. Nadalian ka ba o nahirapan? Mas gagaan ang pakiramdam mo pag karamay ang iyong pamilya. Pwede kayong lumabas para mamasyal, kumain o manood ng sine. Kung gusto n'yo namang sa bahay lamang, maaari kayong maglaro ng board games o sama-samang magluto ng pagkain.


MAGBALIK SA TRAINING

Athlete in action. Photo Credit: Pinterest, Silhouettes Vector Graphics

Para naman sa mga Student-Athletes, maaari ka nang bumalik sa pagpokus sa training. Maaaring ilang araw kang na-stress sa requirements sa klase ngunit maaari mo na ulit ngayong gawing stress-reliever ang iyong training. Maaaring nag-eenjoy ang ibang estudyante habang ikaw ay nagpapawis sa iyong training. Huwag mag-alala at isipin mo lang ang maaaring resulta ng iyong pagsisikap. Laging tandaan na train hard, work hard, play hard.


MATULOG

Sleep like a baby. Photo Credit: Spine Health

Sino ba naman ang hindi gugustuhing matulog? Hindi mawawala ang pagtulog sa nais gawin pagkatapos ng exams. Pagkatapos ng ilang araw na puyatan upang mag-aral ay kailangan bawiin ang oras nito at mabalik ang iyong enerhiya sa pag-aaral. Ang average na oras na kinakailangang matulog ang isang teenager ay 8-10 hours. Siguraduhin na laging may sapat na tulog.


Talaga ngang nakakastress ang periodic exams ngunit huwag kalimutang unahin lagi ang sarili. Kapag hindi na kaya ng iyong katawan, hindi masamang magpahinga. Bigyan mo ng pagkakataong marelax ang iyong sarili. Laging ibalanse ang iyong mga prayoridad. Magsipag sa pag-aaral nang hindi naisasaalang-alang ang iyong kalusugan. //ni Alyssa Avila

You Might Also Like

0 comments: