filipino,

Literary: Pugot na Ulo

10/05/2019 08:19:00 PM Media Center 0 Comments






Nakakalakad naman
kahit ‘di kumpleto
Napapadpad kung saan-saan
ngunit ‘di nakukuntento

Nagagalaw din naman
ang aking mga braso’t binti
Kahit may kulang ay
kinakaya kong ngumiti

Subalit ang ngiting ‘to
hindi ko kadikit
dahil sa pugot na ulo ko
ito nakapiit

Aking ulo’t katawan
magkahiwalay
Ako’y kinatatakutan
kaya’t laging nalulumbay

Ang hindi nila alam
ako’y takot na takot din
Ako mismo’y naiilang
sa aking sariling pagtingin

Dahil ang pinakamalaking hamon
sa aking kalagayan
ang pagkalamon
sa hiwalay na isipan

Utak na hiwalay
at hindi konektado
walang kamalay-malay
sa sinesenyas ng puso

Kung mayroon lang sana
akong magagawa
para mapagkonekta
na itong dalawa

Kung ulo at katawan sana
ay maaaring pagkaisahin,
‘di na mahihirapan
mga kilos ay kontrolin

Kung isipan at puso sana
ay maaaring pagkaisahin,
‘di lagi mauuwi
pagsisisi sa mga gagawin

You Might Also Like

0 comments: