news,
Acquaintance Party 2019, nagmistulang star-studded na pelikula
INDAK. Isang all-girls group mula sa Grado 7 ang sumayaw ng remix ng Fire at Boombayah para sa kanilang natatanging bilang sa Acquaintance Party. Photo credit: Maria Carolina Bautista
Nagmistulang mga bida sa pelikula ang mga estudyante mula sa Batch 2024 at 2025 sa "Lights, Camera, Party," ang Aquaintance Party ng Grado 7 at 8 ngayong taon na ginanap noong Oktubre 12, sa UPIS 3-6 Bulwagan.
Ang taunang acquaintance party ay isinasagawa ng mga Grado 7 at 8 upang pagtibayin ang ugnayan ng mga batch.
Ipinaliwanag ng mga host na sina Justine Grace Gaerlan at Rachelle Torralba ang pagpili ng tema ng kanilang party na Movie. Nagustuhan nila ito dahil nakakarelate di umano ang mga estudyante at malawak din ang saklaw nito.
Nagsagawa ng iba't ibang laro tulad ng The Boat is Sinking, na tinawag nilang The Titanic, at sinundan ito ng sumunod na laro na Paint Me a Picture o Movie Scene.
Nagkaroon din ng awarding, raffle, at pagbasa ng mga dedikasyon na ipinadala sa pamamagitan ng text habang may pinapamigay na popcorn at snacks mula sa snack bar.
"During the preparations, mostly ineexpect po namin na magiging successful kami kasi medyo maaga po kami nagstart magplan and of course excited po kami," pagbabahagi ni Anna Gabrielle Dalet, pangulo ng Sophomore Association (SoA), ukol sa nangyaring aberya sa pagdating ng mga pagkain.
Pansamantalang sinolusyunan ng SoA ang aberyang ito sa pamamagitan ng pagpapauna ng pagbibigay ng ice cream at pagpapatuloy ng mga pagtatanghal ng mga banda at mga mananayaw habang hinihintay ang pagkain.
“And then during the actual thing po mahaba po yung list ng mga bagay na we could have done better, pero at the same time proud din po kami kasi overall successful po ang program namin.” dagdag pa ni Anna Gabrielle Dalet, pangulo ng SOA.//ni Rochelle Gandeza
0 comments: