filipino,
Gaya nga noong ako'y bata pa lamang, ang laging bilin sa aming kabataan ng aming mga magulang ay huwag lalabas sa gabi nang mag-isa dahil baka raw kami ay manuno o makakita kami ng mga engkanto. Sabi pa nila matuto raw kaming mga bata na igalang ang pinaniniwalaang nila tahanan ng mga engkanto gaya ng punso, ang malaking puno sa tapat ng bahay ni mang Agustin at ang kakaibang bato na nasa gitna ng kakahuyan patungong bukid. Siyempre bata pa lamang kami noon at kadalasan iyon ang nagiging sanhi ng aming takot. Ngunit ngayong kami’y binata na, hindi na kami naniniwala sa mga bagay-bagay na iyan. Gaya ni Enrico na kilala sa aming barangay na pilyo at hindi sumusunod sa mga paniniwala ng mga matatanda.
Dinalaw ko ang kaibigan kong si Enrico sa kanyang lamay. Hindi raw alam ang ikinamatay o ang sanhi ng kanyang pagkamatay. Pero ang kumakalat na sabi-sabi ay baka raw siya’y inatake sa puso. Ang problema wala naman siyang bisyo o sakit. Natagpuan na lamang siya sa bakuran nila, nakahilata at wala nang malay. Maputla, pero wala namang mga galos sa katawan maliban sa kakaibang hugis sa kanyang braso na nagmimistulang marka sa balat. Huling beses daw siya nakita ng kanyang pamilya noong napag-isipan nitong lumabas ng kanilang bahay noong isang gabi. Pagkatapos, hindi na nalaman pa ng kaniyang pamilya kung ano ang mga sumunod na pangyayari. Maaari raw na naengkanto ang kaibigan ko sabi ng mga matatanda sa distrito namin.
Hindi naman ako naniniwala noon sa mga pamahiin, pero noong gabing iyon ay hindi ako nakatulog. Paikot-ikot, pagulong-gulong ako sa kama at hirap ako makatulog. Bumangon ako mula sa kama at nagpasya na lamang na maglalakad-lakad sa bukirin namin. Malamig ang simoy ng hangin at ang nag-iisang nagbibigay ng ilaw ay ang buwan. Nagpatuloy lamang ako sa paglalakad hanggang sa nakakita ako ng pigurang mukhang tao na naka-upo sa isang malaking bato. Ako’y nagtaka, imahinasyon ko lang ba ito o ito’y totoo? Tinawag ko ang atensyon nito, subalit hindi ako pinansin nito. Nang malapitan ko na ito, nagsitaasan ang mga balahibo, bumibigat ang bawat hakbang ko at bumibilis ang tibok ng puso ko. Hanggang sa lumingon ito. Nakakapagtaka, pero kamukha niya ang kaibigan kong si Enrico. At ang paningin ko'y nagdilim.
Bigla akong napabangon sa aking kama, tumutulo ang pawis sa aking mukha at mabilis ang paghinga. Bumaba agad ako sa aming sala upang bumalik sa aming bakuran. Nang ako ay pababa na mula sa aking kwarto, nakita kong nagmamadaling lumabas ang aking inay sa pintuan na natataranta habang may kausap sa telepono. Namumula ang kanyang mukha at naluluha-luha. May sumisigaw ng “saklolo” sa labas pero hindi ko na iyon binigyang-pansin sapagkat ako ay nagmamadaling pumunta sa aming bakuran. Nang ako ay makalabas na, nawala na ang pigura ng tao sa itaas ng malaking bato. Ngunit napukaw ang aking atensyon sa isang pamilyar na taong nakahilata sa lupa. Nang aking lapitan, napatigil ako sa paghing sapagkat nakita ko ang aking sarili na nakahilata sa lupa. Nalilito akong nagtatakbo hanggang sa makarating sa lamay ni Enrico. Himalang walang mga tao doon. Sinilip ko ang kabaong. Wala rin si Enrico! Nilingon ko ang paligid sa gawing kaliwa hanggang maramdaman ko na may nakatayo sa gawing kanan ko. Si Enrico! Mula sa kanyang likuran unti-unting sumipot ang mga tao hanggang sa mapuno ang silid. Kapansin pansin ang malalaking marka nila sa balat. Biglang hinawakan ni Enrico ang aking braso. Hanggang maramdaman kong umiinit ito at sa pagkapaso, inalis ko agad ito. Isang marka ang naiwan sa aking balat.
Literary: Engkanto

0 comments: