filipino,

Literary: Usok

10/05/2019 08:45:00 PM Media Center 0 Comments





Tahimik at malamig ang simoy ng hangin, kasabay ng kaliwanagan at kabilugan ng buwan ngayong gabi. Nagyayaya nang matulog si Macmac, isang 8-taong gulang na bata, nang maalala niya ang itinuro sa kanila sa klase at kwinento ito sa kaniyang ina.

“Nanay, may nabanggit po kanina sa klase, tungkol sa mga ninuno nating mga Pilipino,” panimulang kwento ni Macmac habang inihihiga siya ng ina sa kaniyang kama, “tinuro rin po kung anu-ano po ang ipinasa nilang paniniwala sa atin,” dagdag niya.
“Talaga, anak? Mabuti iyan, nang malaman ninyo kung ano ang ating pinanggalingang kultura,” sagot ng ina.

“Pero nay, may gusto po ako tanungin tungkol sa isa na hindi na po nakwento sa amin kasi time na… yung k-kape ba ‘yun? K-Kopri?” utal ni Macmac.

“Ha? Baka kapre anak?” pagklaro ng ina.

“ Opo, ‘Nay, kapre po. Kwentuhan mo naman po ako tungkol sa kapre, Nay,” hiling ni Macmac.

“Anong tungkol sa kapre, anak?” sagot ng kaniyang ina.

“Kahit ano po, ‘Nay. Ano po ba sila? Ano po ginagawa nila?” tanong ni Macmac.

“Sige, anak. Ano, alam mo bang ang mga kapre ay kilala rito sa Pilipinas bilang creature? Mga malalaking lalaki iyon anak, tulad ni Tatay mo,” kwento ni Ina.

“Kasinlaki ni Tatay po? Wow! E hindi ba napakalaki na ni tatay? ” tanong ni Macmac.

“Oo, anak, parang si Tatay, pwede ngang mas malaki pa sa kanya!” sagot ng ina at nagpatuloy, “Maitim sila, mabalahibo at may balbas, at malalalim ang mata. Nakikita raw ang mga ito sa taas ng mga puno-puno anak… at lumalabas lamang kapag bilog ang buwan.” Kwento ng ina. “Bigla lamang silang dudungaw at magpapakita habang umuusok ang bibig dahil sa kanilang paninigarilyo.

“Hala, Nay, naninigarilyo rin si Tatay ‘di ba, tulad ng mga kapre! At diba nay, maitim din siya? Kaya nga maitim po ang balat ko eh,” gulat na sabi ni Macmac.

“Oo, anak, maitim nga ang tatay mo’t napakalaki. Hilig din niya ang paninigarilyo, araw-araw pa nga niya ginagawa,” Bahagyang natahimik ang ina. “O siya, siya, ‘yan na lamang ang ikukwento ko, anak ha? Gabi na, kailangan mo nang matulog.” Inayos niya ang kumot na nakabalot sa anak at tumayo na upang patayin ang ilaw, nang hawakan ni Macmac ang kamay niya at hinila.

“Nay, nakauwi na po ba si Tatay? Gusto ko po kayong makatabing matulog ngayon...” tanong niya.

“Sa tingin ko nama’y nandiyan na si Tatay dahil gabi na rin, nandyan na nga ang malaking buwan anak o,” at tinuro ang buwan na tanaw sa bintana, “Teka, anak, tatawagin ko lamang siya ha?” sagot ng ina at hinalikan sa ulo ang anak. Lumapit siya sa bintana na labis na nagpataka kay Macmac.

“Nay, bakit ka po diyan pumunta? Nandyan po ba si tatay? Tanong ni Macmac at napabangon mula sa pagkakahiga. Hindi siya pinansin ng ina dahil may sinutsutan pa ito sa labas. Tinabihan na siya ni Macmac.

You Might Also Like

0 comments: