abby lim,
SA KATEGORYANG NAKAGRUPO
Sports: UPISVST, nagkamit ng ikalawang gantimpala sa UAAP Season 82
HANDA. UPISVST nagpakuha ng litrato para sa kanilang paghahanda sa nalalapit na UAAP Season 82. Photo credit: Francis Halabaso
Nakamit ng University of the Philippines Integrated School Varsity Swimming Team (UPISVST) ang ikalawang gantimpala sa juniors girl’s category at ikalimang gantimpala sa boy’s category ng UAAP Season 82 na ginanap noong Oktubre 17-20 sa Trace College, Los Baños.
Sa kabuuan, nag-uwi ang UPISVST ng apat na ginto, limang pilak, at anim na tansong medalya sa mga individual events. Samantalang sa group category, nakakuha ang koponan ng apat na tanso.
Narito ang listahan ng kanilang mga napanalunan:
SA KATEGORYA NG INDIBIDWAL
Estudyante | Medalya | Event |
---|---|---|
Zoe Hilario | Ginto Ginto Ginto Pilak Tanso Tanso | 400m Individual Medley (IM) 200m Backstroke 200m IM 200m Freestyle 100m Freestyle 50m Backstroke |
Aubrey Tom | Pilak Pilak Pilak Pilak Tanso | 50m Butterfly 100m Butterfly 200m Butterfly 200m IM 400m IM |
Franz Joves | Ginto Tanso | 50m Backstroke 100m Backstroke |
Mae Rodgers | Tanso | 50m Breaststroke |
Charize Esmero | Tanso | 200m Backstroke |
SA KATEGORYANG NAKAGRUPO
Estudyante | Medalya | Event |
---|---|---|
Franz Joves, Chelo Neri, Alexa Natividad, Mae Rodgers | Tanso | 4x50m Medley Relay |
Angela Torrico, Chelo Neri, Mae Rodgers, Franz Joves | Tanso | 4x50m Freestyle Relay |
Charice Esmero, Alexa Natividad, Chloe Fabic, Mae Rodgers | Tanso | 4x100 Medley Relay |
Antonio Aquino, Gerald Almajar, Mark Lazaro, Polo Uera | Tanso | 4x50m Freestyle Relay |
"Sobrang saya as in kasi matagal na gusto talaga naming umakyat sa ranks at sobrang proud ako sa lahat ng mga ka-team ko, not only the girls team but the whole team, kasi nagawa naming mag-second place kahit na nawalan kami ng pool. Sobrang proud ako sa team na ito dahil lahat kami, we all did our part para maging ganito kasaya at successful ang UAAP na ito at ang saya rin na sa last year ko ng pags-swim sa high school, na-witness ko na mag-second place ang UPISVST, nakakakilig," sabi ni Rodgers.
May pagkakataon din na nagkaroon sila ng hamon.
"Nahihirapan kami sa training sched dahil wala kaming sariling pool at yung oras lang na pwede kami sa celeb ay 7-9. About sa UAAP naman, nung first day napadami ang chlorine sa pool kaya gabi na ginawa para hindi mag-extend ng day tulad nung last time. So ayun sobrang di ko ineexpect na magkaka-medal ako dahil ang lalakas ng mga kalaban ko at ang tatangkad nila akala ko yung makukuha ko lang ay galing sa relay but no, if there's a will, there's a way. Tamang mind set lang, at dapat gusto mo ginagawa mo at determinado ka para gawin iyon para ma-achieve mo goal mo, " pagbabahagi ni Joves.
"Isa pang hamon ay yung kung paano mas magiging bonded ang team kasi nga meron kaming mga swimmers nasa separate club nagte-train at para masolusyunan iyon, ay nagkaroon kami ng team building event at ng mga fundraising event na rin para somehow ay nagsasama-sama pa rin kaming lahat at mas lalo ko pang naramdaman na naging mas close ang isa’t isa sa team noong UAAP na rin mismo. Na-feel ko dun na bawat isa talaga nakisama at tumulong sa isa’t isa in any way that they can, mapa-emotional support pa man yan or iba pa," dagdag ni Rodgers.
Ang disenyo ng medalya ay nagtataglay ng mga recycled materials. Naglalaman din ito ng isang mensahe ng pasasalamat mula sa mga taga-Marawi para sa mga sundalo at taong nagsakripisyo upang sila ay makalaya. //nina Liane Bachini at Abby Lim
0 comments: